"Why am I here?! What do you need from me?!" I asked the four of them.
I'm scared and nervous. Sino ba namang hindi matatakot at kakabahan? I don't know them but they do know me! Their names are not enough for me to know them. Nothing can change the fact that they are completely strangers who asked to kidnapped me and brought me here!
"You're here to pay for what your dad did." Napatingin ako sa nagngangalang Thylandier. Our eyes met. Doon ko lang din napansin na siya lang ang may kayumangging mga mata sa kanilang magkakapatid.
Mas lalo lamang akong naguluhan.
"Si daddy? Anong ginawa niya sa inyo para ako ang pagbayarin ninyo?!"
"Why don't you ask your daddy? Oh..." Sean laughed mockingly. "Patay na nga pala ang daddy mo," hindi ko mapigilan ang mainis sa sinabi niya at maging ang ngiti ay nakakaasar sa paningin ko.
"You f*****g asshole!" sigaw ko.
Natigilan ito, tila pinoproseso pa ang sinabi ko. Natigilan ako at kinabahan nang mawala ang ngiti sa kaniyang labi. His face darkened instantly.
Napaatras ako nang lumapit siya. Sa isang iglap ay hinablot niya na ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso, hindi ko mapigilang mapangiwi dahil dito.
"What did you say?" mariin niyang tanong. Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako, nasasaktan ako!" Napapikit ako nang hinawakan niya ang panga ko nang mahigpit at pilit akong pinapaharap sa kanyang mukha.
"Hindi lang yan ang mararamdaman mo rito, naiintindihan mo? We will not stop until you plead for your dvmn precious life!" Agad niya akong binitiwan. Napaatras ako at napahawak sa panga ko.
I stared at him without a hint of emotion. My precious life? Nagbibiro ba siya?
"Tss. Ipasok na natin 'yan sa loob." ani Darius at hinawakan ako. Napatingin ako sa kaniya. Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Just be a good girl, Shakira. Obey and follow us so that we won't harm you," wika niyo. Wala akong magawa kun'di ang magpahila sa kaniya.
I must calm down first. Kailangan kong mag-isip ng mabuti upang makauwi at makalayo sa mga baliw na magkakapatid na nandito.
Tila puno ng galit at paghihiganti ang mga puso't isip nila. Wala akong kawala sa mga iyon lalo na't hindi ko alam kung anong klaseng utang ang iniwan ng ama ko.
Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay ay pilit ko pa ring iniisip kung anong nagawa ni daddy. Tungkol ba ito sa business? Sa pera? Bakit kailangang ako pa? Bakit kailangan pa akong dalhin sa isang pribadong isla? Para ano?
Naisip ko tuloy na baka libo-libong gold bars ang inutang ng ama ko. Paano ko mababayaran ang gano'ng klaseng halaga? But that's impossible. Hindi naman yata iyon magagawa ni daddy.
Damn. I closed my eyes.
Stop overthinking, Shakira!
"Eat." Inilapag ni Vladimir ang platong may lamang pagkain sa harapan ko. Napatingin ako sa laman ng plato at sinulyapan siya. Nagtama ang mga mata namin.
"Wala akong gana," saad ko.
His jaw clenched. Bigla ulit akong kinabahan.
Talaga bang mainit ang dugo ng mga 'to sa 'kin?
"Don't be hardheaded Shakira. You don't know what we can do to you if you keep being like that."
Again. Wala akong nagawa kun'di ang kumain kahit wala akong gana. Pilit kung nilulunok ang kinakain kahit naiilang ako sa titig ni Vladimir na nasa tabi ko.
What the hell...
This is really annoying.
"Hanggang kailan ako rito? Kailan niyo ako palalayain?" tanong ko habang sumusubo ng pagkain.
"Rule number one. Do not ask questions about those things." Napatingin ako nang dumating si Thylandier. Wala pa ring bakas na emosyon sa mukha nito.
Seriously? Is he a robot?
"Rule number two. Do not escape or else you will taste our punishments." biglang nagsalita si Darius, tamad itong nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero sa paraan nang pagsabi ni Darius no'n, nagmumukhang may hidden meaning. Punishment? Seriously...i-tutorture ba nila ako?
"Rule number three. Do what we want." nakangising saad ni Sean.
Muntik na akong mapa-face palm.
"Pag sinabi kong maghubad ka, maghubad ka ha?" dugtong pa niya.
Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi nito.
This guy is seriously a prevert. Sa apat na kupal, obvious na obvious na siya ang pinaka-nakakairita at pinakamanyak.
Bago pa ako makapagsalita ay humalakhak ito. Maging si Darius at Vladimir ay natawa sa kalokohan ng kapatid nila.
Bakit sa magkakapatid na 'to pa ako napadpad, Lord?
Ang hirap magpigil na sapakin ang mga guwapong mukha ng mga 'to.
"Bakit pati 'yon?" matabang kong sabi.
"Shakira..." Napaatras ako ng kunti nang biglang iniligay ni Vladimir ang takas ng buhok na nakaharang sa mukha ko sa likod ng aking tenga. He looked at me with his deep serious eyes.
"May pangangailangan kami bilang isang lalaki, and we need you for that." Namilog ang mga mata ko. Hindi lang pala ang Sean na iyon ang manyak, pati rin pala ang isang 'to!
"Joke on you. I'm not your fvcking s*x slave. Gawin niyo na lahat… Ipagawa niyo na lahat huwag lang 'yon!" Kung hindi ay masasapak ko talaga ang mga pagmumukha ng mga 'to.
"You'll do anything? Are you sure about that?" the guy named Thylandier spoke coldly.
Tinitigan ko ito. I am not sure if he is also a prevert, mukhang matino ang isang 'to ngunit sa paraan ng tingin niya ay parang hinihigop ang kaluluwa mo.
This guy is weird.
"Yeah. Hindi ko alam kung magkano ang utang ng daddy ko ngunit kung ang paraan nang pagbabayad sa utang na sinasabi niyo ay ang katawan ko, of course hindi ako papayag. I am a woman, not your dvmn toy. Huwag niyo akong itulad sa mga babaeng tinatrato niyo. I will kill myself first before you disrespect my body," I said without hesitation.
The four of them left speechless. They stared at me for a second before one of them spoke.
"You are really interesting," Thylandier said, looking at me with those sleepy eyes. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader, ang tingin ay nasa akin.
"Well, whatever you say. What we want, what we get." Tumalikod si Sean at umalis.
"Oh...Looks like we have no choice but to force you." Darius grinned playfully.
My eyebrows met.
These men are really getting into my nerves.