Umalis ako saglit upang uminom ng tubig. Nilampasan ko ang kuwarto ni Vladimir ngunit agad ding napatigil nang mapansin ito. Bahagya kasing nakaawang ang pinto ng kaniyang kuwarto kaya makikita mo agad kung ano ang nasa loob. Dumapo ang tingin ko sa basag na bagay sa sahig. It was a picture frame of their family. I entered the room and roamed my eyes around. Wala si Vladimir ngunit rinig ko ang agos ng tubig sa loob ng bathroom. Mukhang nasa loob ito ng banyo. Pinulot ko ang basag na picture frame at tinignan iyon. Parehong nakatayo sina Vladimir, Sean at Darius. Nasa isang mahabang Chesterfield Chair nakaupo si Leon Luxwell at Mrs. Rhea... Si Thylandier ay nakaupo sa gitna ng mag-asawa. They all look serious and intimidating. "What are you doing here?" Napatalon ako sa gulat nang marin

