Sever is calm and quiet kid. Ni minsan ay hindi ko siya nabalitaang nakikipag-away, hanggang sa dumating ang mga araw na napapadalas ang pagpunta ko sa opisina ng kanyang guro, at maging sa na 'to. Kaya naman hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nahahalata ko rin kase ang pagbaba ng mga grades niya. Hindi naman big deal sa akin ang markang nakukuha nito, ngunit kinakabahan ako sa dahilan nang pag-iiba ng composure ng anak ko. "Sever, come here. I need to talk to you," tawag ko sa kanya bago pa ito makaayat ng hagdan at magtungo sa kanyang kwarto. Tamad niya akong nilingon at lumapit sa akin. Kumpara sa mga batang kaedad niya ay may katangkaran ang anak ko kaya naman hindi na ako nag-abala pang umupo. "What's the matter, mom?" he asked and stared at me with those innocent looki

