Hindi matigil si Sever sa pag-iyak. Hindi ko alam kung paano ito patatahanin. Hindi ko rin alam kung ano pang gusto nito at anong problema. I already changed his diaper. He already eaten at kahit anong karga't pag-alo ko ay hindi pa rin ito tumatahimik kaya naman napagpasyahan ko na magtungo sa labas ng mansyon habang karga ito nang sa gano'n ay malibang ito at kahit papaano ay makalanghap man lang ng sariwang hangin. Nang makarating kami sa front yard ng mansyon ay tumahimik din ito. "Sever!!!" mula sa malayo ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Lucian. Napatingin ako sa kotseng paparating at doon namataan si Lucian sa backseat, kumakaway sa amin ng anak ko. Huminto ang sasakyan sa harapan namin. Bumaba roon si Lucian at bumaba rin si Xythern na naka poker face at nakapamulsa. Pareho s

