It was early in the morning. I was walking on the beach by myself with my sandals off, feeling the grainy sand that comforts my feet as I walked across the shore.
Nang magising ako ay wala na akong nadatnang tao. Mabuti na rin iyong gano'n kaysa naman makita ko ang magkakapatid na iyon.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang dagat.
I touched my lips. Bigla ko na namang naalala ang nangyari kagabi. Halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Hindi mawala sa isip ko ang buong eksena. Gusto ko itong kalimutan, gusto kong alisin ito sa isipan ko.
Dahil paniguradong pinaglalaruan lang ako ng isa sa kanila...
The sea in front of me is fascinating. The clear blue water and the waves dancing along with the wind calms me.
Sa isang iglap ay ibinaliwala ko na lamang ang nangyari kagabi at naglakad patungo sa tubig.
Agad kong naramdaman ang lamig ng tubig sa aking mga paa. The sound of the waves crashing on the shore is so relaxing to hear.
I suddenly remember my father. Matagal na rin no'ng huling beses akong nakaligo sa dagat. Huling beses na nangyari iyon ay kasama ko pa si daddy. The memories came back to me and it made me smiled bitterly.
Suot ang puti kong dress, hindi na ako nag-abalang tanggalin ito. Naglakad ako patungo sa mababaw na tubig at tsaka tumigil nang mapansing hanggang dibdib ko na ang lalim.
Inipon ko ang tubig sa dalawa kong mga palad at idinala ito sa aking mukha. I brushed my hair using my fingers as I stared at the view in front.
Paano kaya ako makakatakas dito?
Malabo. Kahit saan ako tumingin, mga bundok, puno, at dagat lamang ang nasisilayan ko. Wala akong makitang yate o kahit maliit man lang na bangka.
I heard someone whistled. Lumingon ako at agad na namataan ang pamilyar na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, Sean ang pangalan nito.
"Looks like you're enjoying the sea..." He plastered a smile on his face.
Saglit akong napatitig dito. Biglang may ideyang pumasok sa utak ko. Umatras ako at sinadyang magpakalubog sa tubig.
"What the— Shakira?!" sigaw nito sa natatarantang boses.
I accidentally stepped something sharp. Masakit iyon sa paa kaya napagpasyahan kong umahon ngunit bago ko pa imulat ang mga mata ko ay may kamay na humila sa akin at mahigit akong niyakap.
Natigilan ako at mabilis itong itinulak.
"H..Hey, let go!" I couldn't breathe!
"What the hell are you doing?! Are you insane?"
"What are you talking about? Let me go! Hindi ako makahinga!" Binitiwan niya rin ako.
Nagtatakang tinignan ko ang mukha ni Sean. He looked furious... Hindi ko akalaing pupunta agad s'ya sa akin at bibigyan ako ng ganiyang reaskyon. Hindi ba dapat hahayaan niya akong malunod kung sa kaling nalunod talaga ako... Bakit mukhang iba ata ang ikinilos nito.
"Let's go." Hinila n'ya ako.
_
NAPALINGON ako sa may pinto nang pumasok si Sean sa kwarto. May dala itong towel at baso na may lamang tubig. Inilagay niya sa balikat ko ang towel at ibinigay ang baso sa harapan ko.
Napatitig ako rito.
"Nagtangka ka bang tumakas? Sa tingin mo ba, 'pag lalangoy ka palayo rito ay makakatakas ka? You almost died. Paano kung hindi kita nakita?" wika n'ya sa seryosong boses.
I drank the water without answering his question.
Naramdaman ko ang hapdi sa paanan ko. Tinignan ko ito at nakita ang may kalakihang sugat, marahil nakatapak ako ng matulis na bato at ito ang naging bunga.
Sean gasped.
"Wait here. I'll call a doctor." Pasimple siyang tumingin sa katawan ko. "Don't forget to change your clothes," bilin niya at padabog na umalis ng kwarto.
Nang maramdaman kong tuluyan na s'yang nakaalis, mahina akong natawa.
Seriously? Nanaig ba ang konsensya nito at naawa sa akin? That jerk is such a clown.
Napagpasyahan kong magbihis muna. Kahit masakit pa rin ang sugat ko sa paa ay nakayanan ko pa ring mag-shower. Nang matapos ay agad akong kumuha ng damit sa closet. Tatlong pares lamang ang nandoon at puro mga bestida. Kinuha ko ang off-shoulder at sinuot iyon.
Paika-ika akong bumalik sa kama. Ilang oras ang nagdaan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang magkakapatid, may kasama pang hindi pamilyar na lalaki! Marahil ito ang doktor na sinasabi ni Sean.
What the hell? Paano agad sila nakabalik dito? At talagang tinitoo talaga ni Sean ang pagtawag ng doktor? This is just making me embarrassed!
Napatingin ako sa mga Luxwell. Bigla tuloy akong kinabahan lalo na nang makita ang galit sa mga mukha nila.
"What happened?" Thylandier asked icly. Napatingin ako sa kaniya.
Siya lang ang mukhang kalmado.
"Clean her wounds and also examine her, baka mamaya ay nalagyan na pala ng tubig ang utak n'yan," utos ni Sean sa lalaki, iritado pa rin.
This idiot. He's over reacting! Ba't kailangan pa talaga ng doktor? Ni hindi naman talaga ako nalunod!
Agad na tinignan ako ng lalaki at ginamot na rin ang sugat ko sa paa. Pinabayaan ko nalang. May mga tinanong pa ito na siya ring isinasagot ko. Sumabay na lang ako sa daloy at kunwari nalunod talaga ako.
Maya maya ay kinausap nito ang magkakapatid at may kung anong sinabi.
"She's fine, dude. Just take care of her and keep your eyes on her. Huwag niyong iwan mag-isa rito sa isla!"
"We did not. Iniwan namin si Sean dito para bantayan s'ya, It's just that moron didn't do his job properly," wika ni Darius sabay tingin sa kapatid.
Ilang sandali ay umalis rin ito. Sinundan ko pa ito ng tingin bago ito tuluyang nawala sa paningin ko. Sumagi sa isip ko na humingi ng tulong sa doktor na iyon ngunit mukhang kaibigan niya ang mga Luxwell kaya imposibleng tutulungan niya ako.
Sa huli ay naiwan ako kasama ang apat.
"Ano ba kasing nangyari, Sean?" rinig kong tanong ni Darius.
"Well, because of her stubborness she almost died! Kung ako ang masusunod tinali ko na 'yan para hindi na makatakas!"
I flinched. Nilingon ko ang lalaki at tinignan nang masama. Kung ako rin ang masusunod, noon ko pa siya itinali nang mahigpit sa leeg.
"Stupid," Darius uttered at him. "Are you alright now?" Baling nito sa'kin, suplado pa rin ang mukha.
"Why are you concern?" I asked in a lifeless voice.
Natahimik ito.
"Ba't mo pa ako sinagip? Hindi ba dapat hinayaan mo na lang akong malunod?" Sabay tingin ko kay Sean.
"I won't let you drown and die like that. You still have a obligation to settle with," he responded as what I foreseen.
"We should leave now. Let her rest first..." walang emosyong saad ni Thylandier.
Nauna pang umalis si Sean. Napatingin sa akin si Darius bago umalis habang ang kanina pang tahimik na si Vladimir naman ay lumapit sa 'kin.
"Get some rest. Don't come out unless we say so," bilin pa nito sa'kin.
Thylandier tsked and left without a word. Vladimir immediately followed him.
Humiga ako sa kama at tinignan ang paa kong may bandaged.
Why showing some fake concern?
They just irritates me.
Ilang oras ang nakalipas nang bumukas muli ang pinto at pumasok doon si Vladimir. May dala itong tray na may lamang mga pagkain. Kumunot ang noo ko at bumangon.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
He looked at me with his dark eyes.
"You haven't eat yet. Eat first."
I stared at the food
"Napapansin kong ikaw palagi ang nagpapakain sa akin," wala sa sarili kong saad.
Tumaas ang sulok ng labi niya. Parang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Hindi lang iyan ang ipapakain ko sa 'yo."
Ilang saglit bago ito pomreseso sa utak ko. I felt my cheeks heated because of embarrassment and annoyance. Hindi ko alam kung may mali ba sa utak ko dahil iba ang pagkakaintindi ko roon.
Damn my mind.
"Ang taray naman ng mga kidnapers ko, alagang-alaga ako..." pagpaparinig ko rito.
Totoo naman, eh. It's not like I'm complaining. I am actually relief that they haven't do anything yet, except for that person who kissed me that night.
Ngunit kahit na wala pa silang ginagawa, pakiramdam ko'y hindi pala talaga sila nagsisimula. It's like a calm before the storm.
Siya naman ngayon ang natigilan. Padabog niyang iniligay ang tray sa maliit na mesa at tinignan ako.
"Pagkatapos mong kumain, pumunta ka sa sala," wika nito bago umalis sa kwarto.
Sinundan ko ito ng tingin bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Looks like it's getting started, huh.
Ilang saglit pa ay natapos din ako sa pagkain. Iniligpit ko ito at agad akong tumayo habang dala ang pinagkainan ay dumiretso ako sa lababo.
"Why did you come out?"
I almost jumped in shock and stared at Sean.
Nakangisi pa ang kupal.
"Scared of me?" Umiling ako at lalagpasan na sana siya nang hinila niya ako.
Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
"Ano na naman ba?"
"Can't you just thank me?" inis nitong sabi.
"Bakit naman ako magpapasalamat?"
His face became even more irritated.
"Because I saved you?" he said sarcastically.
Huminga ako nang malalim at tinignan siya. Sobrang lapit niya sa akin kaya hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito.
"Thanks..." ani ko, halos walang sinseridad sa tono ng boses ko.
Bakit ako magiging sincere? Hindi naman n'ya totoong sinagip ang buhay ko dahil una palang pineke ko lang naman ang pagkalunod ko. Tss.
Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa akin. Mas lalo lang tuloy akong nagtaka.
Napaatras ako nang biglang mas lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang lababo sa likuran ko dahilan upang hindi ako makatakas.
Bigla ay hinawakan niya ang panga ko at inangat upang magpantay ang tingin namin sa isa't isa.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"Anong ginagawa mo?"
"You really have a kissable lips, don't you?" Nanlaki ang mga mata ko.
Huh?
Wait.
Don't tell me...
No way!
Hindi kaya s'ya and humalik sa akin kagabi? Siya ba ang naging first kiss ko?! Ang isang 'to?
Mabilis ko siyang itinulak nang lumapit ang mukha niya sa akin. Napaatras siya at iritadong napatingin sa akin.
"Did you kissed me last night?" tanong ko habang seryoso itong tinignan.
Natigilan ito. Ilang saglit pa ay natawa. He laughed without humor and looked at me with his irritating smirked.
"So may naunang humalik sa 'yo maliban sa akin, huh..." mahina ngunit mariin niyang sabi.
My eyebrows met.
Hindi s'ya...? Kung hindi siya edi sino?
Damn it. This is f-cking awkward.
"Babalik na ako sa kwarto," wika ko para makaiwas sa tanong niya.
Nilagpasan ko ang lalaki ngunit agad ding napahinto.
"Hey, woman," nilingon ko ang nagsalita.
Namataan ko agad si Thylandier na mukhang kanina pa ata kami pinapanood. Prente pa itong nakasandal sa pader habang naka-krus ang braso.
"We need to talk about something," he declared it lazily with his bored expression.
_
NAROON na sina Darius at Vladimir nang makarating kami sa sala. Darius is puffing his cigarette while Vladimir is drinking his liquor. They glanced at us as they heard our steps
"Sit down." Isinenyas ni Vladimir ang upuan sa harapan nito.
Walang imik akong sumunod at umupo.
"Listen carefully, Valdez. I'll go direct to the point. You're one and only daughter of Kiefer and being his daughter makes us sick. Everytime I look at your face, you've got your dad's eyes and that is why you always reminds me of him," untag ni Vladimir.
What?
"Kung hindi ko lang gustong marumihan ang mga kamay ko, matagal ka ng walang buhay..." dagdag nito, seryoso ang mga matang nakatitig sa 'kin.
Ang tila mabait na si Vladimir ay ibang iba sa nakikita ko ngayon. His eyes were dead and the way he said those words sends me shiver.
Tinignan ko ang magkakapatid. Ang mga mata nila ay madidilim, puno ng galit at panunumbat. Anong dahilan ng mga iyon? Ano ba talagang nagawa ni daddy sa kanila?
"Anong kailangan niyo sa 'kin? Kung ano man ang utang ng ama ko sa inyo---"
"Did we tell you to speak?"
I felt like the color drained out of my face when suddenly Sean pointed a gun on me. A f-cking gun. It's a real gun!
"Sean, why are you bringing that stuff here?" Thylandier asked him coldly.
"Oh, don't worry. There's no bullets."
"Para saan pa't nagdala ka ng baril na walang bala?" ani Darius.
"To scare her?" Sabay senyas ni Sean sa direksyon ko.
"F-cking idiot. How can she be afraid now that you explained there's no bullets on that thing!" Binato siya ni Darius ng unan sa mukha.
"Shut up. You guys were asking!"
The fear I felt earlier faded. Hindi ko alam kung mapapanatag ako o mabwi-bwisit.
"Back to the topic. About what happened earlier, you didn't plan to run away, did you?" paninigurado ni Vladimir.
Sa lawak ng dagat, sa tingin niya ay makakatakas talaga ako?
"No."
"From now on, you are not allowed to go outside without our permission."
Nalaglag ang panga ko.
Ikukulong talaga nila ako rito sa bahay na 'to?
"Stay here at home. Do something useful. Maglinis ka, magluto ka't pagsilbihan mo kami, just do anything. You are here to serve us, that's your purpose." His eyes bore into me. "You're a slave. Nothing but a slave. Are we clear here?" pagtitiyak nito.
"Answer me, Shakira."
"Okay..." I answered softly.
The word escape is impossible for me now. I am literally trapped with them.
"Good. Call all us master, okay?" nakangiting wika ni Sean sa 'kin, mukhang iniinis pa ako.
Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko. "Okay, master..." I said lazily.
"Woah, you're like a dog! You are very obedient."
Pakiramdam ko ay may batong dumagan sa ulo ko dahil sa sinabi ng kupal. Pilit akong ngumiti rito.
Aso...
How dare him compared me to a dog! I hate dog! That's my least favorite animal. Oh wait... ito palang magkakapatid na 'to ang pinaka-ayaw kong hayop. Hayop sa kasamaan ang mga animal.
"Now, Shakira. Bark for me." Lumapit pa si Sean sa'kin habang nakangisi. Mapang-asar ang mukha ng gago.
"Kailangan pa ba iyon?" matabang akong tumawa.
"Of course!" Ngumiti rin ito, halatang peke.
"Hmm..." Tinignan ko ang kamay nito at hinawakan. "Can I just bite you instead, master?" Dinala ko ang daliri nito sa aking labi at mapang-akit na tinignan ang lalaki.
Sean seems hypnotized by me.
"Yeah..." he said drunkly.
Marahas na kinagat ko nga ang daliri nito. Napasigaw si Sean at binawi ang kamay mula sa 'kin. Hinipan pa niya ang kanyang daliri para maibsan ang hapdi at sakit.
"F-ck you!" galit na sigaw niya sa'kin.
"Hey, what are you doing b-tch?" umepal na si Darius.
Biglang may humila sa 'kin patayo. Napatingin ako sa lalaking may gawa nito.
"Seems like our dog is getting fierce, I'll just give her a little lesson," walang kaemo-emosyong saad nito sabay tingin sa 'kin gamit ang titig nitong kasing lamig ng nyebe.
Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng mga kapatid niya, agad niya na akong hinila paalis.
The cold and distant, Thylandier Luxwell made a move.
This is getting interesting.