Thylandier brought me outside. Madilim ang paligid at tanging ilaw mula sa bahay at ang liwanag ng malaking buwan sa kalangitan ang nagsisilbing liwanag habang nakaupo kaming dalawa sa buhangin. Rinig na rinig ang hampas ng alon sa dalampasigan, sumasabay ang ihip ng hangin na tumatama sa aming balat. It's peaceful, somehow it makes me calm and felt relaxed. Tahimik kaming dalawa hanggang sa tuluyan ko nang binasag ang katahimikan. "Bakit mo 'to ginagawa?" naitanong ko habang yakap ang tuhod ko, nasa dagat ang tingin. "Hindi ba dapat masiyahan ka sa pagiging miserable ko? Magalit ka... dahil ako ang anak ng taong dahilan nang pagkamatay ng mahal niyo sa buhay...." Thylandier glanced at me. "Why would I? You are not the reason of my mother's death, I am aware that you are truly innoc

