Hindi halos nakatulog si Perlas sa bagong condo niya, hindi dahil mag-isa lang siya kundi dahil naninibago na naman siya. Bago ang kama, bago ang mga kumot at unan. May air purifier pa na nilalagyan ng essential oil kaya ang bango ng hangin. The condo was unbelievably huge and spacious by the way. Kumpleto sa gamit na batid niyang nakakalula ang halaga. Noong huling punta niya roon, ay wala pa ang ibang kagamitang nakikita niya ngayon. Looking around, it felt like she was living the life of a wealthy mistress. Magarbo ang buhay, pero malungkot. Paggising niya ay ni wala siyang makausap. Wala rin naman siyang kausap sa bahay niya, pero pagdilat ng kanyang mga mata ay ingay ng pagtatalak ng kapitbahay niya na kaaway ang mister nitong tomador ang sumasalubong sa kanya. Hanggang sa pag-aalmu

