Napabalikwas ng bangon si Perlas nang pumasok sa loob ng silid na inookupa niya sa ospital si Vicencio. Dalawang araw lang naman ang kanyang confinement at ngayong araw na ang takdang petsa ng kanyang paglabas. Her attending physician had already left the prescription and home care instructions with the nurse in charge of her case. Napuntahan na siya ng nurse kanina at naalis na rin ang suwero sa kamay niya. Ang alam niya ay kinakausap na ng taong mag-uuwi sa kanya ang billing para makuha ang exit pass. “Kumusta na ang pakiramdam mo, Perlas?” tanong ng binata. He still wore his formal polo shirt beneath the corporate coat. Itim na slacks ang pang-ibaba nito at isang pares ng itim ding sapatos. He’s neat and composed as always. “Okay na ako. Hindi ko nga alam kung bakit nawalan ako ng mal

