Sa kabila ng napakaraming estudyanteng nasa lecture hall pagpasok ni Zeki ay ang mukha agad ni Perlas ang nahagip ng paningin niya, kahit na sa bandang gitna pa ito nakaupo. She attended his class. First time nitong um-attend sa klase niya magmula nang bumalik na si Prof. Juan Salvador. Nakatingin sa kanya si Perlas. Maputla ang mukha nito at ilang araw na ring hindi pumapasok sa Castoldi Labs. Nagbawi siya ng tingin at pilit na inignora ang presensya ng dalaga. Nagpatuloy siya sa pagtuturo. But he couldn’t concentrate no matter how hard he tried. F*ck, he tried again and again and again but he would end up either groping for words or forgetting what he was supposed to say. Napuna na rin marahil ng mga estudyante na wala siya sa tamang huwisyo niya. Eyebrows were arching and some had eve

