Kinakabahan si Perlas habang binabagtas nila ang daan patungong Central Protego. Marahil ay napansin ni Zeki na hindi siya mapakali kaya pinisil nito ang kamay niya. They were in the backseat of his Land Rover. Ang driver nito ang nagmamaneho ngayong araw. “What’s wrong?” Pilit siyang ngumiti. “Wala. Ilang araw din kasi akong hindi nakapasok sa klase. Iniisip ko lang na magtatanong ang mga kaklase ko.” That was, at least, half true. Isa iyon sa mga inaalala niya. Anong mga tanong kaya ang ibabato sa kanya? Paano niya sasagutin ang mga tanong na iyon? Ang isa pang inaalala niya ay kung paano ang magiging setup nila ni Zeki sa universidad. Lektor ito sa Central Protego at walang dapat na may makaalam ng tungkol sa kanila. Kagaya nga ng sabi ni Prof. Arissa ay baka masira ang karera ni Zeki

