Hindi pa rin makapaniwala si Perlas na magkapatid sina Zeki at Vicencio. Kaya pala hindi naiintimida si Vicencio sa boss nito dahil magkadugo naman pala ang dalawa. Sabagay kung titignang maigi at matiim na susuriin ay talaga nga namang may pagkakapareho sa gawi at kilos ang dalawa. “Pay me now, Zeki,” pangungulit ni Viz, the glint in his eyes had only one purpose—to annoy his brother. “I left my blank checks at home,” walang emosyong sambit ni Zeki. Ngumisi lang si Vicencio. “My brother will throw away millions in exchange for love. How inspiring.” “Very funny, Viz.” Nagpaiwan lang sa Castoldi Labs si Vicencio dahil kukunin daw nito ang mga naiwang personal na gamit sa opisina. Nang mapagsolo sila ni Zeki sa loob ng sasakyan ay isinalaysay nito sa kanya kung paanong naging magkapati

