SLEEP WALK..... Nikki's POV... Madilim na ang paligid nang lumabas ako ng campus galing sa rooftop. Masaya ako sa mga nangyari ngayong araw. Lalo na pag naaalala ko ang pagtambay sa rooftop kasama si Jarred. Kahit masungit ito at madalang ngumiti, nararamdaman kong mabait sya. Naalala ko ang itinuro nya na secret garden ,totoo kaya na don naglalagi si king shadow? Sino ba sya at bakit sya narito sa school? Sabi ni Jarred wala daw nakakaalam ng secret garden na yon kundi siya at ako. Hindi daw kase yon makikita kung wala sa rooftop. At wala pang nakakapunta don dahil walang nakakaalam ng daanan papunta sa lungga ni king shadow. Malalim ang iniisip ko habang naglalakad nang bigla ay may mabangga akong katawan ng isang lalaki. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Travis .

