HEROES..... Nikki's POV....... Nadagdagan ang barkada dahil kay Imarie mas lalong umingay ang lunch break namin. Sobrang daldal nito at laging bangka sa kwentuhan. HRM din ang kurso nito, para daw magkasama kami. Bakit ba HRM ang kinuha kong course? Hmmm siguro dahil mahilig akong magluto kahit di naman kasarapan. Basta pangarap ko noong maging hotelier. Ewan ko lang kay Imarie kung talagang ito din ang gusto nya. " Buti na nga lang at pumasa sa exam itong bff ko, ayun nakapagaral na nga dito ,pero ang lungkot ko kase magkahiwalay kami kaya pinilit ko talaga daddy ko na dito ako magaral. At last magkasama na kami ni Nikki! " inakbayan pa ako ni Imarie pagkasabi non habang ngumunguya ng pagkain. Mukha namang aliw na aliw sa kanya sila Calvin at Jaime. Samantalang tahimik pa rin s

