YAKULT & LEMON SQUARE... Seb's POV.... Lihim kong minamasdan mula sa pwesto namin sa canteen ang bagong kaibigan nila Imarie, ang nerdy na si Joven. Masama talaga ang kutob ko sa taong yon. Pero wala naman akong makita sa kanya para mapatunayan ang hinala. Masyado na syang malapit kina Imarie. "Bakit di mo nalang lapitan ang Imarie mo hindi yung para kang sira ulo dyan na nakatingin! " I glance at Raiko. Mahina ko syang sinapak sa ulo, ito ang pumalit sa kakulitan ni Travis non. Speaking of Travis. Muka naman itong masaya habang kumakain. "Dont you find him weird? " bulong ko kay Raiko para di marinig ng iba . "Ha sino? " "Ayun oh, yung nerd na kasama nila" sabi ko. Lihim na sumulyap don si Raiko. Saka nagkibit balikat. "Tama ka, weird sya, gaano kaya kabigat ang salamin nya

