THE BRACELET..... Trina's POV..... Nang gabing yon ay tatlong oras akong nagbabad sa shower para linisin ang aking katawan. Kinuskos ko ang parteng alam kong nahalikan ng mga demonyong yon. Muling bumalong ang masagana kong luha at humalo sa tubig na nagmumula sa taas. Iniyak ko ng iniyak ang lahat ng sakit at galit sa puso ko. Sakit dahil sa nangyari at kawalan ng magagawa. Galit dahil ang hina-hina ko. Bakit kailangang ako ang makaranas ng mga pangit na bagay na yon?? Kahit sabihin pang virgin pa ako ay pakiramdam ko hindi na ako malinis lalo at kung sino sino na ang nakahawak at nakahalik sa aking katawan. Muli kong sinabon ang sarili... Tatlong katok sa pinto ng cr ang narinig ko. "Trina ok ka Lang ba dyan aba kanina kapa sa loob, baka magkapOlmunya ka na" Nag-ngalit ang aki

