MIRA ALEXANDRA..... Nikki's POV.... Hindi ako mapakali sa loob ng aking kwarto. Kinakabahan ako at iniisip kung paano ko ba kakausapin si Jarred? Tiyak na iba ang naging interpretasyon nya sa nakita samin ni Travis kanina. Pero paano ko naman ipapaliwanag yon? Hindi ko naman pwedeng sabihin na may problema si Travis at kailangan nya ng karamay na syang ginagawa ko... Naalala kong muli ang naging reakyon kanina ni Travis sa clinic ni dok Wena. Alam kong hindi simpleng trauma ang pinagdaraanan ng binata. Mas malala pa nga sa akin.. He is suffering from guilt and losing his first love... Yun ang tingin ko sa kanya batay sa kwento nya na di naman nadetalye sakin. Kaya hindi ko pwedeng iwasan nalang o saktan ng basta -basta si Travis. Hindi pa ito ang tamang panahon para gawin ko ang n

