HE SAW... Travis's POV.. Nang magising ako ay nasa ospital na at binabantayan ni Mommy. Nasa tabi naman ng pinto ang tahimik na si Kitz. "M-mom si Ellaina? " Yon agad ang itinanong ko sa ina. Pero tila umiiwas sya sakin. ",mom" i called her again. "Patay na sya Travis, hindi sya nakaligtas sa sunog " What? Naguluhan ako sa narinig. Anong hindi nakaligtas sa sunog? Anong sinasabi ni mommy? "M-mon what are you s-saying? Hindi po sya patay, " "Travis listen" aniya hinawakan ako sa balikat ng magsimula akong umiyak. "Mom nakita ko si Ellaina sa gubat na duguan ,may gustong pumatay sa kanya saka kay tito----" ",Travis stop it! " saway ng ina na ikinataka ko. Napatitig ako kay mommy. Nakita ko ang takot at pangamba sa mukha nya. "Mom buhay si Ellaina, iniwan ko sya sa gubat

