TRAVIS PAST..... Travis's POV... Sa gitna ng pagkakagulo ng mga tao ay mabilis na hinanap ng aking paningin si Ellaina. Bakas ng takot ang mga bisita sa mansyon na yon dahil sa sunod-sunod na pagsabog na lalong nakadagdag sa malaking apoy na ngayon ay unti-unting tumutupok sa paligid ng bahay. "Master Travis, " Nakita ako ng tagapagalaga kong si Kitz. At mabilis nya akong hinila para makaalis don ngunit nagpumiglas ako. "Bitiwan mo ako,hahanapin ko si Ellaina kitz" sabi ko . "Pero Master malaki na ang apoy, alalang-alala na po sa inyo ang mommy nyo" anito. "Sila mommy? Asan sila? " nagalala ako para sa mga magulang na alam kong naroon din sa party na yon. "Ligtas sila at nasa sasakyan na Master pinapahanap kana sakin. Di na kayang maapula ang apoy. Kung di tayo aalis ay baka

