WELCOME TO MONDEJAR UNIVERSITY..
Nicole's POV...
Halos di ako kapaniwala na ako lang ang nakapasa sa Mondejar University. Kakagaling ko lang sa office ng adviser namin at ibinalitang nakapasa ako sa scholarship. At makakapag-aral na ako sa MU next month. Libre lahat pati tirahan at pagkain. Masayang -masaya ako. sa friday ay graduation namin. Susulitin ko ang isang bwan na bakasyon na kasama ang pamilya ko. malayo ang MU kaya tiyak na mamimiss ko sila pag don na ako nagaral. HRM ang balak kong kurso.
"Inilalapit ka na talaga ng tadhana kay Noah, konting push nalang girl! " masayang sabi ni Imarie sakin.
" Sa wakas makikita kona sya. Kaya lang magisa lang ako. Sana nakapasa ka rin"
" nakaka inis nga e. Pareho lang naman tayo ng brain pero bakit ikaw lang ang nakapasa?. Hmmm.. Dont tell me... " pabitin pa ni Imarie.
"What?! "
" nag-kodiko ka no? Desperada kana kasing makita si Noah. "
" bruha ka talaga. Sinong makakapang daya sa 1k na questioner na yon. "
"Joke lang. Happy ako para sayo. Sana magkita kayo ni Noah don. "
" mami-miss kita bff" sincere kong sabi saka niyakap sya. Tulad kase ni Noah ay matagal kona ding bff si Imarie.
"Me too, chat nalang tayo lage ha! "
"Sure!and vc will do"
Sa loob ng isang buwan ay sinulit ko ang mga araw na kasama ko ang family ko. At syempre pati ang bff kong si Imarie na laging nasa bahay . Although excited ako na makikita ko na ulit si Noah ay di ko din maiitanggi na iba ang dating sakin ng Mondejar University, para kasing konektado sya sakin eh. I dont know pero iba kasi yun feeling ko. First time ko palang narinig ang MU sa mga kaklase ko ay nag triggered na sya sa utak ko. sabi ko sa sarili ko na don ko talaga gustong magaral. Until nalaman ko nga na don pala nagaaral si Noah, lalo akong na excite magaral don. Sana magkita kami sa MU at sana walang magbago samin. Yun dati naming closeness sana ganon parin sya. Isang mabait at gentleman na Carl Noah Alonzo ang nasa isip ko.
NOAH wait for me.... Malapit na tayong magkita!.
(Nicole's Dream)
Nagising si Nicole sa isang tila paraiso na lugar, napapalibutan ng mga bulaklak yon at payapa ang paligid. Inilibot nya ang kanyang mga mata sa ganda nito. Naglakad sya para masilayan ang malawak na paraiso Hanggang makita nya ang isang duyan na nasa ilalim ng isang puno. Lumapit siya don at nakita ang isang binata na nakahiga sa duyan at wari ay natutulog.
Sino sya? Di nya makita ang buong mukha ng lalaki dahil nakatakip ang mata nito ng braso. Tanging ang dulo ng matangos na ilong nito at mapulang labi ang nasisilayan nya. Yung pakiramdam na parang sabik na sabik syang makilala ang binata ang nagtulak sa kanya para abutin ito. Tangka nyang alisin ang braso nito para masilayan ang mukha ng estranghero. Ngunit napigil ang kanyang balak ng magsalita ang lalaki.
" Thank God you found me, i've waited for this moment na magbalik ka sakin, mahal na prinsesa! "
Mahal na Prinsesa? Sya yun?
At bigla ay dahan-dahan nitong inalis ang brasong tumatakip sa kabuuan ng mukha nito. Nanlalaki ang kanyang mata sa paghihintay ngunit bago mangyari yon ay nagising na si Nicole mula sa kanyang panaginip.
Nicole's POV...
Panaginip na naman. Napanaginipan kona naman ang lalaking yon. Pero di na sya bata. Binata na sya at tila hinihintay o hinahanap din nya ako. First time kong nanaginip ng di ako binabangungot. Maganda ang panaginip ko. Siguro iba yon. Kasi magaan sa pakiramdam ng magising ako. Feeling ko si Noah ang nasa panaginip ko at naghihintay na sya sakin sa Mondejar University.
Pero tinawag nya akong mahal na prinsesa. Na never pang ginawa sakin ni Noah. Kung maaalala ko lang ang nakaraan ko. Im sure makikilala ko ang lalaking yon.
Isang araw bago ako pumasok sa MU ay nagpacheck up muna ako sa psychologyst ko na si Dra. Wena Cruz. Ikwinento ko sa kanya ang mga naging panaginip ko nitong nagdaang mga araw.
" sa kwento mo Niki maaring malapit ng magbalik ang memories mo about your past. "She said.
" talaga po doctora? " halong tuwa at takot ang nararamdaman ko.
" yes, dahil nagkakaroon na ng improvement ang alaala mo, maybe your dreams will help you to remember. "
" Doc sa tingin mo sino kaya yun lalaking kasama ko sa panaginip na nagligtas sakin"
" batay sa kwento mo, siguro isa sya sa mga taong huling nakasama mo bago ka makita ng Papa mo"
" yan din po ang hula ko doc, "
" at sa tingin ko kung totoong nangyari yan panaginip mo na iniligtas ka nya ,i can say na he was the last person na inaasahan mong magliligtas sau.. "
"Ho? What do you mean doc? "
" maybe di mo sya friend or di kayo close "
" you mean di ko sya family? Pero bakit nya ako iniligtas? "
" im not sure. Pero ang tingin ko kaya ka nya iniligtas ay dahil mahalaga ka sa kanya! "
Mahalaga ako sa taong yon? Nag sink in sa utak ko ang laman ng sinabi ni Dra. Wena.
" pano nyo po nasabi yon? "
"Dahil napakabata pa ninyo ng iligtas ka nya. At walang bata ang isusugal ang kanyang kaligtasan para sa taong di nya kapamilya unless..... " she pause for a second and take a deep breath. Nakatingin lang ako kay Doktora at hinihintay ang karugtong ng sinasabi nya.
" unless he loves you at that moment at the very young age"
Dumating ang araw ng pagalis ko. Nag email na ako sa MU at ine-expect na ako ng Dean ngayong araw. Alas sais ng umaga ay umalis na ako samin para maagang makarating sa MU. Malayo ang MU sa San Miguel at ayokong ma-late sa appointment ko sa Dean ng school na si Mrs. Brenda Ordiz. Katakot -takot na habilin ang pabaon ni mama Anita bago ako umalis. Tulog pa si Joshua non kaya di nya nakita ang pagalis ko pero may ipinabaon ang kapatid ko sakin na stuff toys. First time kong malalayo kila mama kaya naging malungkot ang buong byahe ko. Pinilit ko nalang isipin si Noah para bumalik ang sigla sakin.
11:30 am nang makarating ako sa MU. At halos malula ako sa laki ng gate nito. As in gate palang parang kastilyo na ang papasukin ko. Kulay pula ang gate na napapaligiran ng mataas na pader. Kaya di ko makita ang loob. Nagdoor bell ako at isang matandang guard na lalaki ang nagbukas ng gate.
" New student? " bungad nito. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nagpalinga-linga pa ito sa tabi ko at tila may hinahanap.
" yes po. Good morning po. Ako po si Nicole Perez from San Miguel High School, " magalang kong pakilala sa sarili. Kahit nagtataka sa ikinikilos nya.
" walang sasakyan na naghatid sayo? Pano ka nakarating dito magisa? ". Tanong ni manong guard na hula ko ay di pa naman katandaan.
"Nag-buss po ako hanggang labasan ng MU tapos po nilakad ko nalang hanggang dito. "
" ibig kong sabihin wala kayong sasakyan? Di ka pinahatid ng magulang mo kahit sa driver nyo? "
" meron po kaming isang kotse pero gamit po yun ng mama ko sa work, bakit ho? " taka kong tanong.
"Ah wala naman. Karamihan kase ng student dito nagpapagandahan ng sasakyan twing darating dito eh"
"Ah ganon po ba? " medyo nailang ako sa sinabi nya. Para kasing sinasabi nya na di ako bagay sa school na yon. Pero di ko masisisi si manong guard. Alam kong mayayaman talaga ang mga nakakapagaral dito.
" oo neng, ikaw palang ang nakapasok dito na walang sasakyan "
" ah eh sensya na ho, di po kami ganong kayaman eh" sabi ko nalang.
" kaya nga ako ay nagtataka ,wag mo sanang mamasamain, pero alam mo naman siguro ang estado ng school na to! "
" opo nabasa ko sa internet, pero scholar po ako ng MU, "
" ah ganon ba, yan nga din ang ipinagtataka ko kung bakit nagbigay ng scholarship ang MU eh. Ano kayang naisipan ni Young master? Pero welcome hija. Sana ay mapabuti ang pagaaral mo dito!"
Ewan ko pero parang may laman ang sinabi ni manong guard. Di ko nalang yon masyadong pinansin.
"Ako nga pala si Alberto, Manong bert nalang itawag mo sakin"
"Nikki nalang po"
" bueno tuloy ka na at baka hinihintay ka na ni Mrs Ordiz, iwan mo na muna dito yan mga gamit mo at ipapahatid ko nalang mamaya sa magiging room mo"
"Salamat po. "
Nang makapasok ako sa loob ay ganon nalang ang pagkamangha ko sa ganda at lawak ng Mondejar University. Mahabang kalsada ang bumungad sakin na napapalibutan ng mga puno na di ko alam ang pangalan. Natatanaw ko ang malawak na field na may watawat ng pilipinas sa gitna at isa pang watawat na may nakatatak na pangalan ng school. Habang nilalakad ko ang daan na puno ng mga dahon na tila sadyang di winawalis ay masaya kong iginala ang paningin sa paligid. Napakaganda! Kaya pala sikat ang school na to. Parang paraiso sa ganda at lawak. May apat na building na nakatayo sa malayo. nakita ko ang aking pupuntahan. Siguro magtatanong nalang ako kung saan ang office ni Mrs. Ordiz. Although may hawak naman akong mapa ng school na binigay ni Manong Bert kanina. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong 12 na ng tanghali. Nakakapagtaka lang na wala akong makita ni isang estudyante na naglalakad gayong kung tutuusin ay lunch break na .Ang tahimik ng lugar.. Hangin at ibon lang ang naririnig ng aking tenga. Para akong inaantok sa katahimikan.
Pero di ko nalang pinansin yon. At muli kong binusog ang mga mata ko sa ganda ng paligid. Malapit na ako sa building na may karatula na MU Campus nang makarinig ako ng sitsit. Kunot-noo akong lumingon pero wala akong nakitang tao. Inakala kong namamali lang ako ng dinig pero pagkatalikod ko ay may sumitsit na naman. Lumingon ulit ako. Walang tao. Isa pa uling sitsit kaya iginala kona ang paningin para alamin kung sino yon. Maya maya ay may sumitsit pa mula sa itaas kaya napatingala ako. Ngunit tubig ang bumagsak sa mukha ko na halos ikasinghap ko.
" a-ano to?----" galit akong tumingala para alamin kung sino ang salarin.basang basa ang katawan ko sa tubig.Kahit nakakasilaw ang araw mula sa taas ay kita ko Ang isang lalaking halos kasing edad ko lang ang nakangisi sakin. Hawak pa nito ang baldeng pinaglagyan ng tubig na ipinambuhos sakin.
" bakit mo ginawa yon? " galit na tanong ko. Medyo nilakasan ko ang tinig para marinig nya. Ngumisi lang ulit ito at nakita kong kumuha ulit sya ng baldeng me tubig at tila ibubuhos na naman sakin kaya mabilis akong umilag.
Ano ba to? Anong problema ng isang to.
"Nice move! " sigaw ng lalaki at naramdaman ko nalang na may nagsaboy na naman sakin mula sa taas. Nang kapain ko ng kamay ang buhok ko ay nakita ko ng harina naman ang ibinuhos sakin.
So hindi sya nagiisa, may kasabwat sya. Naisip ko. Marahil mga bully ang mga ito. Maraming ganon sa school kaya naisip kong wag nalang pansinin. Kahit nagmukha akong espasol sa ginawa nila. Inis kong pinagpagan ang suot kong tshirt na puti at pantalong maong.
san kaya ang cr dito? Pero na kay Mang Bert nga pala ang mga gamit ko. Pano kaya ako magpapalit. Kailangan ko nang makausap si Mrs. Ordiz at ipaalam ang nangyari. Tiyak na mapaparusahan ang dalawang estudyante na yon. Tanda ko ang mukha ng isa.
Inihakbang ko muli ang aking mga paa patungo sa main campus ngunit nakakatatlong hakbang palang ako ng may lubid na pumatid sa paa ko. Dahilan para bumagsak ako sa semento.
"Aray! "
Buti nalang at naitukod ko ang aking braso kundi ay mukha ko ang duguan ngayon.
" sino ba kayo? Bakit nyo yan ginagawa? " galit na sigaw ko. Maya -maya ay isa -isang naglabasan mula sa kung saan ang mga lalaki kabilang ang isang nakita ko kanina sa taas. Pano sya nakababa agad ng ganon kabilis mula sa taas. Taka kong natanong sa isip habang nakatingin sa kanila. Mga tumatawa ang mga ito sa sinapit ko. Mga may hitsura sana sila pero mga bullies.
" ikaw ba ang new student dito? " mayabang na tanong ng isang may bigote.
"Oo, bakit ba? " inis kong sabi.
" hahahah ang tapang mong sumagot ah. Lampa ka naman! "
" ano bang ginawa ko sa inyo at ginaganito nyo ako? "
" hoy babae, ayusin mo ang pananalita mo. Bagong salta ka lang dito sa MU ,baka samain ka samin! "Galit na sabi nung lalaking nagsaboy sakin ng tubig.
" ano? " naguguluhan ako sa sinasabi ng mga ito. Ang sugat sa braso ko ay unti -unti nang nagdurugo.
" welcome to Mondejar University, welcome to hell "
Kinilabutan ako sa sinabi ng lalaki lalo na nung tumawa sila ng sabay-sabay.
Iba na to, di na to maganda? Anong klaseng school ba to?. Tanong ng isip ko. Wala manlang tao sa paligid na pwede kong hingan ng tulong. Kung sisigaw naman ako ay baka lalo silang magalit. At di pa ako sure kung may sasaklolo sakin. Malayo naman ang gate kaya tiyak na di ako maririnig ni Mang Bert pag sumigaw ako.
" dalhin kay boss ang babaeng yan, bago dalhin kay Dean. " utos ng isa.
Nilapitan. Ako ng tatlong lalaki at s*******n akong itinayo hawak ang braso kong may dugo na. Kung kanina ay kalmado lang ako. Ngayon ay nakakaramdam na ako ng takot kaya pinilit kong magpumiglas.
"Ano, san nyo ako dadalhin!?" Piksi ko at pilit kumakawala sa hawak nila pero wala akong lakas. Isa pa di pa ako kumakain ng tanghalian kaya siguro nanlalambot ako.
"Wag ka nang malikot dyan ,gusto mo pa yatang samain samin eh! "
"Saklolo, tulong! "
Tumawa lang sila sa sigaw ko. Pikit mata ako habang kinakaladkad ako ng mga lalaki.
Pero kailangan kong makaligtas.
Naisip kong kagatin ang kamay ng humahawak sakin kaya nabitawan nila ako. Saka tumakbo palayo sa kanila. Pero humabol ang mga ito sakin.
****