KING SHADOW....
Nicole's POV....
Takbo lang ako ng takbo para makalayo sa mga lalaking humahabol sakin. Kung saan -saan ako sumuot pero mga puno ang nakikita ko. Di ko alam kung pano ako makakapasok sa loob ng campus. Tingin ko ay mas ligtas ako kung nasa loob ako ng school. Hindi dito sa labas na tanging mga halaman at puno ang nakikita ko.
Malayo na ang nararating ko. Pero tanaw ko parin sila. Nang lumingon ako ay napagtanto kong napakalayo kona sa building ng school.at nagsisimula na ring dumilim ang paligid dahil sa mga punong nakapalibot don. Narating ko ang likod ng school na tila masukal na gubat. Bigla ay naalala ko ang aking panaginip.... Sa gubat din ako tumatakbo non. Ganitong-ganito ang eksena. Ang kaibahan lang, may kasama ako non, ngayon ay magisa lang ako....
Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ng marinig ko ang galit na sigaw ng pinakang lider nila.
" yari ka samin pag naabutan ka namin! "
Lalo akong nangilabot sa narinig. Anong klaseng paaralan ba tong papasukan ko? Bakit ganito ang mga estudyante.?...
Sa isang takbo ko ay aksidenteng natilapid ako ng ugat ng isang puno. Naramdaman kong muli ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa...
" huli ka! "
Hinila ng lalaki ang buhok ko patayo. Napasigaw ako sa sakit ng pagkakahila nya sa anit ko.
" ang tapang mo rin no., diba sabi ko dadalhin ka namin kay boss., bakit ka tumakbo? Huh!? " si Dino.
" ano bang kailangan nyo sakin? " naluluha sa sakit na tanong ko. Pinalibutan ako ng lahat.
" kakausapin ka nga ni boss eh, kulit mo! , sumama kana para di ka masaktan! "
" hindi, ayoko! " nagpipiglas parin ako kahit masakit sa anit. Sobrang dilim ng kinaroroonan namin. Tila gabi na sa lugar na yon dahil sa malalaking puno na nakabalot sa paligid.
" ano ba?, ireregalo ka kay boss, kaya wag kang makulit okey? "
" saklolo, bitawan nyo ako! "Kahit alam kong imposibleng may makararinig sa sigaw ko ay umaasa pa rin ako na may sasaklolo sakin.
" kulit mo talaga. "
" baka gustong masaktan Dino, " sabat ng isa nilang kasama.,ang iba ay nakangisi lang na tila tuwang tuwa pa sa nakikita.
" pagbigyan! "Ani Dino at iniangat ang isang kamay para sampalin ako.
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ang sampal nya sa mukha ko pero di natuloy ang masamang balak ng lalaking si Dino nang bigla, isang malakas na hangin ang dumaan sa amin pataas.
Maya-maya ay isang itim na anino ang tila lumipad sa taas ng puno... Kataka-takang biglang nahintakutan ang mga lalaki. Maging si Dino ay lumuwag ang hawak sa buhok ko.
" sino yon? " may nginig sa tinig na tanong ng isa nilang kasama.
" si king shadow , umalis na tayo" takot na sabi naman ng isa pa. Di ko kilala kung sino ang tinutukoy nilang king shadow pero hula ko ay kinatatakutan ang taong yon. Base na reaksyon ng mga ito.
" imposibleng si shadow yun, sa gabi lang sya lumalabas diba? " sabi naman ng lalaking nagbuhos sakin ng tubig kanina. Tanda ko pa ang mukha nya.
" oo, kaya wag kayong matakot, mas matakot kayo kay boss pag si natin nadala ang babaeng to sa kanya! " sabi ni Dino.
Muli syang bumaling sakin at hinila ako palabas ng gubat. Ngunit isang itim na palaso ang luminsad sa kamay nito at tumusok sa katawan ng puno.
"Halik-----! ...aray! " daing ni Dino habang sapo ang kamay na dumudugo. Tuluyan nya akong nabitawan.
" si king shadow nga! " sigaw na may kasamang takot ng lalaki.
"Paano nangyari yon? Hindi naman gabi ngayon para lumabas sya at makialam. "Takang sabi naman ng isa pa. Naguguluhan ako sa sinasabi nila.
Maya-maya pa ay may malagom na tinig ang nagsalita mula sa malaking puno.
" Ang susunod na palaso na aking papakawalan ay mismong sa kamay mona tatama kapag di mo pa pinakawalan ang babaeng yan! "
"K-king shadow? " bulalas ni Dino. Tumingin ako sa pinagmumulan ng tinig ngunit nakakubli ang tinatawag nilang king shadow sa katawan ng matabang puno, tanging ang tila kapa na kulay itim ang nakikita namin na syang nililipad ng malakas na hangin.
" umalis na kayo dito ngayon din! " utos pa nito. Nanatili lang akong tulala sa nangyayari. Pero lihim na nagpapasalamat at may pumigil sa mga bully na ito.
"T-tara na Dino, "takot na sabi ng kasamahan nito.. Pero nanatili don si Dino. At hinarap si king shadow.
" king shadow hindi ka dapat nakikialam, utos ni boss na dalhin ang babaeng to sa kanya kaya-----" dina natapos ang paliwanag ni Dino nang makita namin ang isang mahabang itim na palaso ang nakatutok na ngayon sa lalaki.
" one more words at sa dibdib mo ito babaon. " may diin ang bawat salita ng anino. Nakakatakot ang tinig ng aking tagapagligtas.
Palaso lang ang nakikita ko. Pilit kong inaaninag ang mukha nya ngunit nababalot pala ito ng itim na kapa. At may takip na itim din ang mukha nito. Tao ba ito?
" halika na Dino! " muling akit ng kasama nito. Galit na napabuga nalang ng hangin si Dino tanda ng pagsuko.
"Magkikita pa tayo babae! " bulong pa nito bago umalis kasama ang mga lalaki palabas ng gubat.
Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis sila. Pinagpag ko ang madumi kong kasuotan bago nag-angat ng tingin sa estrangherong nagligtas sakin. Nakita ko sa dilim na nakatayo at nakaharap na sya sakin at tila nakatitig sa mga mata ko. Muli ay pilit ko syang inaninag. Matangkad ito marahil ay 6 footer at built in ang katawan. Pero nababalot ng itim maging ang mukha nito.
Ayos ang costume nya!
"S-salamat! " nauutal kong sabi.
Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang talaga sya sakin.
Kami lang dalawa sa madilim na gubat na yon pero wala akong takot na nadarama kahit pa sabihing di ko sy a kilala at pwedeng katulad din sya ng mga lalaking nang -bully sakin kanina.
"T-ao ka ba? ". Naisip kong itanong ng manatiling tikom ang bibig nya.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito kaya medyo nainis ako. Ilang sandali pa ay natahimik itong muli at naramdaman ko na naman ang titig nito na tumatagos sa buo kong pagkatao.
" kailangan mo ng bumalik don, delikado ang gubat na ito sa tulad mo, "
Naalala ko na kailangan ko nga palang magpakita kay Mrs. Ordiz, ang dean ng MU. Pero pano kung paglabas ko ng gubat na ito ay naroon pa sila Dino at naghihintay sakin.
" wag kang matakot sa grupo nila Dino, dika na nila gagambalain, sapat na ang banta ko sa kanya. " sabi ni king shadow na tila nahulaan ang aking naiisip.
" sino kaba at bakit sila sumusunod sayo? Bakit pati ganyan ang ayos mo? "Di ko mapigilang itanong.
" masyado kang maraming tanong., pag nagtagal kana dito ay makikilala mo rin ako. " sabi nya. " sa ngayon ay kailangan mo nang magpalit ng kasuotan bago kapa magkasakit. "
" hmmm, salamat ulit sa pagliligtas mo, !"
" go! " malumanay na utos nito.
" okey,, bye! "Sabi ko bago paika-ika akong naglakad palabas ng gubat. Nang lingunin ko ang pwesto ni king shadow ay wala na ito doon... Muli ko tuloy naitanong sa sarili kung tao ba sya o hindi.
Nang makita ako ni Mrs. Ordiz na ganon ang hitsura ay agad nya akong dinala sa clinic para gamutin ang sugat ko sa braso .dahil madumi ang damit ko ay pinahiram muna ako ng nurse uniform ng nurse na naka duty don na si Ms. Abby. Marahil ay ilang taon lang ang tanda niya sakin. Medyo chubby na singkit ang mata nito at maputi ang balat.
" pasensya na wala kasi akong extra na damit dito. Malayo ang room ko kaya yan muna isuot mo" sabi ni Nurse abby matapos akong gamutin.
"Okey lang to, salamat ." Nahihiya kong sabi.
" ganito talaga sa school na to, karamihan bully, at may mga gangster pa dito, kaya magiingat kana sa susunod! "Sabi pa nya.
" may nagligtas sakin, king shadow daw ang tawag nila, kilala mo ba sya ms. Abby? "
" bago lang ako dito mga isang linggo palang. Walang tumatagal na nurse dito at doctor dahil sa mga ugali ng mga estudyante, pero naririnig kona ang tungkol sa king shadow na yun, "
"Talaga? " medyo na-excite ako na makilala ang pagkatao ng aking tagapagligtas.
" oo, minsan lang yun kung magpakita at twing gabi lang. Takot ang lahat sa kanya lalo na ang mga estudyante, pero wala pang nakakakilala kung sino ba talaga sya. "
" pero tinawag syang king shadow, akala ko kilala sya kaya--"
" yun lang ang tawag sa kanya ng lahat ng mga tao dito kase nga walang may alam kung sino sya. Basta nalang sya nagpapakita dala ang itim na palaso! "
" walang nakakakilala sa kanya? "
"Oo, yun lang ang alam ko,sabi ng iba masamang tao sya, may nagsasabi din na mabait sya. E ilan lang naman ang nakakita na sa kanya! "
Napaisip ako sa kwento ni Ms. Abby. Bakit kaya masama ang tingin ng iba sa kanya?gusto ko pa sanang alamin ang ibang detalye pero nahihiya ako. Baka kase isipin nito na kabago-bago ko sa school ay tsismosa na ako.
" sige na magpalit kana ng damit at baka magkasakit kapa, hinihintay ka ni Dean sa office! "Aniya. " lalabas lang ako para kumain ha, isara mo nalang to pagalis mo. "
" okey. "
Wala na si Ms. Abby nang makapagpalit ako ng uniform nya. Medyo maluwang sakin pero okey lang. Nakita ko ang sarili sa salamin suot ang nurse uniform.
Bagay pala sakin ang maging nurse..
Bigla kong Naisip ang mga nangyari kanina, kakaiba ang MU sa school na nasa imahinasyon ko bago ako pumunta dito. Batay sa kwento ng nurse marami talagang gangster dito. At may nang bully na sakin kanina. Sino kaya ang tinatawag nilang boss. Itutuloy koba ang pagpasok dito? Pano kung higit pa ang mang yari sakin dito bukod kanina? Parang gusto konang umatras. Pero paano ko ipapaliwanag lahat kina mama at papa? Kung diko itutuloy ang pagpasok dito paano ang pangarap ko?
At saka di kopa nakikita si Noah, siguro sa kanya ko aalamin kung maganda bang magaral sa school na to o hindi. Nakalimutan kong itanong kay Ms. Abby kung kilala nya si Noah. Nakakahiya naman kung kay Dean kopa itatanong.
Paalis na sana ako ng clinic nang biglang bumukas ang pinto non at pumasok ang dalawang lalaki. Sobrang gwapo ng mga ito at matatangkad din. Halos matulala ako sa kagwapuhan nila.
"Nurse, bilis gamutin mo ang sugat ko baka madungisan ang kagwapuhan ko pag di agad to nagamot! ". Sabi nang isa na may kahabaan ang buhok. Alalay naman ito ng kulay blonde ang buhok.
" ha? " medyo naguluhan ako sa sinabi ng gwapong nilalang.
" bingi kaba? Kita mo ba to? " turo nya sa gasgas na nasa tabi ng mapupula nitong labi. Oh my! Totoo pala yun sinasabi ni Imarie .yun kissable lips. Yun bang pag tinitigan mo ay parang gusto mong halikan. Naputol lang ang pagtitig ko sa labi nya ng sumigaw ang gwapong lalaki na may kissable lips.
" ano, tatanga ka nalang ba dyan? " sigaw nito na nagpataranta sakin. Nainis ako sa pagsasabi nya ng tanga.
" nurse please do something, pasensya kana kay Travis, takot lang kase sya sa dugo kaya----" nagsalita ang kasama ng tinawag na Travis.
" shut up, Seb... " pigil nya sa kasama. " this is your fault in the first place, kung sinabi mo lang na gf ni Azzer ang Bea na yun di sana ako nasuntok ng gagong yun. "
Walang itulak kabigin sa kagwapuhan ng dalawa. Kung kasama ko si Imarie tiyak na maiihi na yun sa kilig. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagugwapong nilalang. Pero mukang may attitude. Lalo na yun isa na napakayabang ng dating.
" bakit kasalanan ko ba na lahat ng lumapit sayo pinapatos mo? "
" but not my friend's gf! "Giit pa nung Travis. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila ng muling bumaling sakin yun Travis.
" now lady, gamotin mona ang sugat ko, dahil pag nagkagasgas ang gwapo kong mukha, lagot ka sakin! "
Aba't nagbanta pa ang mayabang na mangaagaw ng gf..
Napagkamalan pa yata akong nurse ng dalawa. Naalala kong suot ko nga pala ay uniform ni Ms .Abby.
" sorry pero hindi ak---"
" pwede bang wag ka ng dumada pa dyan at mang gamot ka nalang" putol nung mayabang na Travis sa sinasabi ko.
" pero nagkakamali ka, hindi ako---"
" stop talking, " inis na putol na naman nito sa sinasabi ko.
" Nurse pwede ba gamutin mo nalang sya ng makaalis n kami dito, me klase pa kami mamaya! " sabi naman sakin ng tinawag nyang Seb.
" ikaw ba yun bagong nurse? Ang daldal mo , i can tell Chairman to fire you, y'know that? Kaya kumilos kana dyan! " sabi pa nung Travis.
Yabang, ah ganon ha. Masyadong mahangin ang isang to ,nakakangitngit ang kayabangan. Naisip kong sakyan ang trip ng lalaki. Tutal ayaw naman nila akong pagsalitain .
" okey, higa ka muna at itse-check ko sugat mo! " sabi ko matapos humugot ng malalim buntong hininga.
Masunurin naman ang gago at agad humiga sa bed na naroon. Sobra siguro ang takot nito. Napapangisi ako sa naiisip. Ang kasama nyang si Seb ay naupo sa bangko malapit sa pintuan.
Agad kong kinuha ang gamit ni Ms. Abby sa cabinet. Nagsuot pa ako ng gloves kunwari at ineksamin ang dumudugo nitong labi. Yun palang ang ginawa ko ay umaray na agad ito.
" can you please be gentle, those are the most kissable lips in the campus. Kaya ayusin mo! "
San kaya kumukuha ng lakas ng loob at hangin sa katawan ang lalaking to?
" gusto mo bang gamutin ko yan o hindi? "
" what? "
" kung gusto mong magamot yan, manahimik ka, at bawasan mo ang hangin sa loob ng clinic dahil natatalo mo ang aircon dito! " inis kong sabi. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong natigagal ang pasyente na parang di makapaniwala sa sinabi ko. Nang tingnan ko ang kasama nya ay nakita kong may amusement sa ngisi ng labi nito habang pinapanood kami.
" kilala mo ba kung sino ang kausap mo ha? Madaldal na nurse? "
" bago lang ho ako dito kaya diko kayo kilala, pero narinig kong Travis ang pangalan nyo! " sabi ko habang nililinis ng bulak na may alcohol ang sugat nya. Sino nga ba sya?
" duhh,,,, if i were you aayusin ko ang pagsagot dahil baka pag di ka umayos eh mapatalsik ka agad dito sa MU"
" maayos ho ako, kayo ang hindi"
"Abat----ouch! " diniin ko ang bulak sa sugat na ikinadaing ng hambog na lalaki.
Natahimik ang lalaki sa sakit ng sugat. Suss... Para gasgas lang takot na takot. Maya-maya ay nakaisip ako ng kapilyahan.
" masyadong malaki ang sugat at medyo maraming dugo ang nawawala sayo" may pagaalala pa kunwari sa boses ko.
" what do you mean? "
"I think kailangan ko yang tahiin"
" what? "
Ganon na lamang ang gulat at takot sa mukha nito ng sabihin ko yun. Maging ang kasama nito ay napatayo sa kinauupuan at lumapit samin.
" are you sure? Its just a wound Ms. " sabi nung Seb.
Gusto kona sanang bawiin ang sinabi ko nang makita ang hitsura ni Travis na tila binagsakan ng langit at lupa. Para pa nga itong hahagulgol ng iyak.
" kung di yan tatahiin baka magpeklat ng malaki at umabot sa labi nya! "Pinanindigan kona ang pagsisinungaling. Bahala na. Ang yabang nila eh.
" my god! "
" kasalanan to ng Azzer na yun, humanda sya sakin! " galit na sabi ni Travis.
" bumalik nalang kayo bukas para sa pagtahi nyan. Nilagyan ko na yan ng gamot kaya di na yan dudugo" sabi ko. At inayos ang mga ginamit.
" ok, salamat Ms. " baling sakin ni Seb. Inalalayan nito ang tulalang kaibigan. Nakakatawa ang hitsura nung Travis.
Napala mo! Ang yabang mo eh takot ka naman sa dugo.
Pero pano kung malaman nila ang totoo? Baka totoo ang sinabi nito na pwede nya akong palayasin sa MU. Pero kasalanan naman nya eh. Sya ang nagsimula. Ah bahala na!