WARNING: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Aquil's POV
Lumabas na ang resulta ng DNA test tama nga ang hinala ko hindi akin ang bata, inamin na rin ni Guin sa akin noon na hindi ako ang ama ng baby, ngunit hinintay ko na lamang na manganak siya upang mapatunayan talaga na hindi ako ang ama ng bata. Miss na miss ko na ang mag ina ko, si Bree at ang kambal wala akong kuntak sa kanila huli namin na kuntak ni Bree noong nasa airport siya at paalis pa lamang ng bansa.
Tatlong buwan na ngayon simula noong umalis sila Bree batid ko na malalaki na rin ang kambal ngayon, anu na kaya ang naging kalagayan nila doon sa Japan? tanong ko sa aking isipan. Bago mag isang taon ang kambal balak kong surpresahin sila, hindi ko alam kung saan sila namamalagi doon malaki ang Japan ngunit pupuntahan ko na lamang ang kaibigan ni Bree na si Wendel, para itanong ang detalye nila sa Japan.
Handa na ang lahat ng aking gamit mga dadalhin ko papuntang Japan, paalis na sana ako nang may biglang may matigas na bagay ang tumama sa aking batok. Dahilan kung bakit nawalan ako ng malay. Ilang sandali pa ay naimulat ko ang aking mga mata hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay, nasa abandonadong lugar ako, hindi pamilyar sa akin ang lugar, ngunit nag tataka pa rin ako kung sino ang gagawa sa akin nito.
Nasagot ang aking katanungan nang may pumasok na babae sa loob ng silid na pinag lalagyan nila sa akin.
"Guin? What are you doing? Anong ginagawa mo sa akin? Bakit mo ako dinala dito? sunod sunod kong tanong.
" Babe! sa tingin mo basta basta ko nalang isuko ang pag mamahal ko sa iyo? No way kung hindi kita nakuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan." ani ni Guin.
" Anong ibig mong sabihin Guin?" tanong ko sa kanya.
"Hanggang ngayon, wala ka rin alam sa mga nang yayari sa paligid mo, akala ko ba matalino ka? Ngunit sa isang monster lang pala ang babagsakan mo." Sambit niya.
" Tumigil ka hindi mo alam kung anu ang pinag daanan ng tao, alamin mo muna bago mo siya husgahan." galit na sambit ko.
" Kaunting ayuda lang naman ang kailangan ko sa iyo babe ngunit ipinag kait mo! ang gusto ko lang naman permahan mo ang papeless na ito, para tapos na ang sa atin." ani niya.
Sadyang mapag mataas at maluho talaga si Guin, nag iisa kasi siyang anak at lahat ng gusto niya ay nasusunod, at nakukuha niya ngunit sa pag kakataong ito hindi niya pwedeng makuha ang gusto niya, sapagkat hindi naman niya pinag hirapan ang kung anung meron ako ngayon pamana ito ng aking lolo, lola, at ni daddy. Dadaan muna siya sa aking malamig na bangkay bago niya makuha ang lahat ng yaman na pinamana sa akin ng mga yumaong lolo, lola at daddy ko.
" Sa oras na makawala ako dito Guin, sisiguraduhin ko makukulong ka sa salang kidnapping." galit na sambit ko sa kanya.
"Bravooo! bravoooo! bravoo! eh di goodluck!Jeff ang dokumento at ballpen, permahan mo kung ayaw mong sa kangkungan ka pupulutin." ani niya.
Nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang kumakain ng buhay, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa isang tao lalo na sa akin, malambing siya sa pag kakaalam ko ngunit ibang iba siya ngayon. Nasisilaw siya sa kayamanang hindi naman niya pag aari.
"Dadaan ka muna sa malamig kong bangkay bago mo makuha ang ninanais mo sakin Guin, hindi ako natatakot kung pupulutin niyo ako sa kangkongan, basta wala kayong makukuha sa akin ni pusing. Ani ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak ni Guin, at hindi ko rin alam kung ano ang mga pinag sasabi ko, nakikiramdam na lamang ako sa paligid, pangiti ngiti na nanlilisik ang mga mata ni Guin. Madami siyang tauhan siguro ito ang mga tauhan ni mayor inutusan para dukotin ako. Nakagapos ngayon ang aking mga kamay at paa, naka upo ako sa kahoy na silya, dito niya ako dinala sa abandunadong lugar na hindi naman pamilyar sa akin.
" Ahhh ganoon ba? Jeff bigyan mo nang leksiyon,. Matigas ka huh tingnan natin kung hindi ka bibigay." ani ni Guin na may pag babanta, hindi ko na siya kilala ngayon pakiramdam ko hindi siya ang Guin na kilala ko simula noong mga bata pa kami.
May lumapit sa akin na lalaki at may dalang batuta, malaki ang katawan nito, parang nakita ko na siya noon, pero hindi ko maalala kung saan.
"Ikaw na bahala jan Jeff durigin mo ang mga buto niyan kung kinakailangan." Ani ni Guin na galit na galit.
Lumabas si Guin bitbit ang documento na gusto niyang papirmahan sa akin. Nakatitig lamang sa aking ang lalaki na nag ngangalang Jeff,na siyang naatasan na bugbugin ako.
" Magkano? tripplehin ko." sambit ko sa kanya.
"Pasensiya na sir. Aquil pero hindi ko kayang manakit, nag tatrabaho lang ako kay mayor, pero hindi akalain na isasama nila ako sa ganitong lakad, pati sa mga illegal na negosyo nila sir. hindi ko alam na ganito pala ang magiging trabaho ko,." Mahabang litanya ni Jeff.
"Kilala mo ako? nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Opo sir. ako po iyong dating hardinero ng lolo mo, noong namatay ang lolo mo, umalis na rin ako at nag paalam kay senyora." mahabang litanya ni Jeff.
"Pakawalan mo na muna ako dito, kaya kong tapatan o triplehin ang binayad nila sayo,." Ani ko naman sa kanya.
"Iyan po talaga ang gagawin ko sir. pero mangako po kayo sakin sir. na protektahan niyo kami at ng pamilya ko sa kamay ni mayor, marami na pong napatay si mayor." sambit naman niya.
Nangangako ako sa kanya na walang masamang mangyayari sa pamilya niya kung palalayain niya ako, kaya pala pamilyar siya sa akin kasi matagal pala siyang nag tatrabaho sa mansiyon, pagkatapos ng mahabang panahon, parang hindi nag bago ang kanyang hitsura, I was 10years old noong namatay si lolo.
" Okay I swear na mananagot ang pamilya ni mayor sa nangyayari ngayon." Sambit ko sa kanya.
"Sige sir ngunit antayin lamang natin na makaalis si maam Guin, kailangan hindi nila matunogan ang plano sir. Mamayang gabi pupunta dito ang mayor, magkasabwat sila ni Guin at nang Hepe dito sa ating lugar sir." mahabang litanya ni Jeff.
Kakaalis lang ng kotse na sinasakyan ni Guin, nang medyo nakalayo na ng kaunti ang sasakyan niya, agad naman tinanggal ni Jeff ang lubid na nakatali sa aking kamay at paa. Agad akong tumayo, lakad takbo ang ginawa namin upang marating namin ang labas ng gusali, napakalawak pala ng gusali, nasa walong palapag ako dinala ni Guin, dito kami sa likod dumaan, kasi walang naka pwestong tauhan ni Guin, medyo marami raming mga armadong nakabantay, pero hindi namin alintana iyon, palabas na sana kami sa malaking pintuan ng building nang may nakasalubong kami, kilala siya ni Jeff sa halip na pigilan kami tinulongan pa niya kami, pinasibat niya agad kami upang makalayo sa gusali.
Nasa bayan na kami, patago kaming nag lalakad sa bayan, mahirap na maraming mata si mayor, sumakay na lamang ako ng tricycle upang makarating sa mansiyon. Doon naabutan ko ang kuya Arthur na may kasamang lalaki, isa ito sa mga boss ni Bree.
" Bro. anung nangyari sayo, saan ka ba galing? sunod na sunod na tanong ni kuya Arthur.
Kinuwento ko sa kapatid ko ang nangyari kaninang umaga, simula sa pag dukot sa akin, sa pag papapirma ng dokumento hangang sa pagtakas namin. Galit na galit ang kuya sa kanyang nalaman dahilan upang tawagan niya ang kanyang mga kakilala, upang pabagsakin si mayor at ang pamilya niya, managot na ang dapat managot.
Batid ko na alam na nila Guin ang pag takas namin, sinisigurado ko rin ang kaligtasan ng pamilya ni Jeff kaya nang nalaman ni kuya Arthur na ganoon ang nangyayari agad naming pinabakasyon muna ang mag ina mga kapatid at mga magulang ni Jeff sa isang resort na pag mamay ari din naman ng magulang ko.
Gabi na pala, dito ako namalagi sa mansiyon, aayusin ko muna ang problema ko dito bago ako lilipad sa Japan upang sundan ang aking mag ina, "kumusta na kaya sila"? tanong ko sa aking sarili. Ilang sandali pa may sunod sunod na putok ng b***l mga lima iyon. Dali dali naman akong bumaba at tiningnan kung anong nangyari, may isa kaming guardiya na sugatan, agad naman kaming nag patawag ng ambulansiya., batid ko na si mayor at Guin lamang ang may gawa nito, May nakita akong maliit na papel sa labas ng gate.
" PATIKIM PA LAMANG ITO". iyan ang nakasulat sa maliit na papel..
Nararamdaman ko si kuya Arthur sa aking likuran, nilingon ko siya nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa nangyari, sa tagal kasi na nasa posisyon si mayor ay naging malapit sila ni lola at si lola rin ang tatakbohan niya pag may problema, malaki rin ang naiambag ni lola sa kanyang pag takbo bilang mayor sa aming lugar., Parang pamilya na siya ni lola, ngunit sa kabila ng kabutihan na ipinakita ni lola sa kanya ito pa, ang igaganti niya.
Napag usapan namin ni kuya Arthur na magdagdagng security sa mansiyon, my mga cctv's naman sa paligid ng mansiyon kaya malalaman namin kung sino ang may gawa nito, alam namin na si mayor ang may kagagawan ngunit gusto lang namin makasigurado sa mga nangyayari, dalawa kami ni kuya Arthur ang kinakalaban nila. Kung matindi ang galit nila sa amin, mas matindi ang ganti namin sa kanila.
" Bro. bukas may dadating na mga bagong taohan, kailangan natin makasiguro, baka masalisihan tayo ni mayor." ani ng nakatatanda kung kapatid.
" Maraming salamat bro. talagang sinusubukan tayo ni mayor," Ani ko kay kuya,.
Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat, pati ang mga kaibigan ni kuya Arthur tutulong na rin, ganoon din ang mga kaibigan ko, ngunit may ilan na umatras sapagkat hawak ni mayor ang kanilang mga negosyo at kasosyo sila ni mayor.
Napag alaman din namin na maraming illegal na negosyo si mayor at malalaking mga druglord ang kaniyang mga kakampi, sa pag kakataong ito kailangan namin ng ebidensiya upang mapatalsik at makulong si mayor. Hindi basta basta makatawag ng pulis dahil tauhan ni mayor ang hepe dito sa aming lugar. Ngunit nakipag communicate na kami sa ibang karatig bayan at pinaiimbestigahan ang mga nangyayari sa aming lugar.
Hindi pa rin kami kampante dahil maraming kakilala si mayor, sa loob at labas ng aming lugar dahil sa illegal niyang negosyo. Dahilan upang mag hire kami ng tao para maging mata namin sa puder ni mayor. Hindi ko na nakontak si Jeff na nagpatakas sa akin noong kinidnapped ako ni Guin, ngunit nakakausap namin ang kaniyang pamilya, maging sila rin ay hindi na rin nila nakausap si Jeff simula noong niligtas niya ako sa mga kamay ni Guin.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya ngunit umaasa pa rin ako na ligtas siya at isang araw maaayos din ang lahat, dahil mapapabagsak na namin si mayor.
Hindi pala ganoon kadali ang pabagsakin ang may katungkulan, maraming koneksiyon si mayor, kaya kaya niyang ipag sa walang bahala kapag may nag rereklamo sa kanya, ngunit kumukuha kami ng ebidensiya, para mabilis ang pag papabagsak sa kanya, tuloy tuloy ang pag kilos ni mayor sa aming lugar, si kuya Arthur naman nasa Visayas ngayon, ako lamang ang natira dito sa mansiyon pinag iingat ako ng kuya, alam king delikado ako ngayon sa kamay ni mayor, ngunit kaya ko sila, alam kong kaya ko sila. Tsaka napuno na rin ng taohan ang mansiyon,.
Dito ako ngayon sa terrace ng aking silid, may nakita akong tao parang nag mamasid sa malayong lugar sa may malaking puno, kinabahan ako ngunit parang familiar siya sa akin. Hindi ko lang sigurado, lumabas ako ng aking silid at bumaba ako, kumuha ako ng susi ng kotse para puntahan ko ang puno na iyon.
Hindi nga ako nag kakamali si Jeff nga, pinasakay ko siya kaagad sa aking kotse at dali dali kaming pumasok sa mansiyon. umakyat agad kami sa itaas para makapag usap.
" Sir salamat at pinuntahan ninyo ako doon." ani niya.
"Nag tataka kasi ako kung sino, kaya nga nag sama ako ng mga taohan diba, masiyado nang aggresibo si mayor ngayon kaya dapat double ang pag iingat."ani ko naman.
"Sir matagal na ako jan nakatira sa gubat sir. para makaiwas at ligtas sa mga kamay ni mayor." wika niya.
" What? jaj ka lang? bakit hindi ka tumawag man lang sa akin,?ani ko.
" Kasi po sir nag mamasid po ako at nakikiramdam din lamang po ako, simula noong pinaulanan kayo ng bala dito ng mga taohan ni mayor." wika niya.
" Matagal ka namin hindi makontak, nag aalala na ang pamilya mo sa iyo Jeff."ani ko.
Hindi ko akalain na buhay pala siya, kaya laking gulat ko na dito lang din pala siya nakabantay malapit sa mansiyon, mga mga videos siyang pinakita sa akin, na mga karumal dumal na pag patay ni mayor sa kanyang mga tauhan, na si mayor mismo ang tumira, ang pasugalan at ang mga illegal na droga, marami siyang connection sa iba't ibang lugar.
Malaking bagay ito para hawing ebidensiya. Kumuha ako ng kopya, nag send na rin ako ng kopya kay kuya. Matibay na ebidensiya iyon para pabagsakin si mayor..