WARNING: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Brigette's POV
Kalalapag lang namin dito sa Japan, my sumundo sa amin kaibigan daw siya ni sis Geo, siya na rin ang nag hatid sa amin kung saan kami tutuloy. Mukha naman hindi lalaki ka isa din ata siya nila sis Geo, nakakamangha ang kanyang kaguwapuhan, Goddess talaga sa bagay lahat ng pinakilala ni sis Geo sa akin lahat sila Goddess sa kaguwapuhan ngunit may mga pusong mammon ang mga ito. Nagkatitigan kaming dalawa.
" Sis this is Dr. Brent! May high school friend at isa siya sa mag oopera sa iyo. Pag papakilala ni sis Geo.
Inabot niya ang kanyang malapad na kamay sa akin upang makipag kamay, ayaw ko pa sanang makipag kamay ngunit nakakahiya naman kong tanggihan ko ang pagiging gentleman niya.
"And friend this is Brigette one of our well-known model. pag pakilala naman ni Geo sa akin.
" Ah yeah I knew her," maikling sagot niya.
" What you know her already? How? and When? sunod sunod na tanong ni sis Geo.
Humalakhak ng malakas si Dr. Brent, ang guwapo niya pero ganun siya kung makatawa labas talaga ang mapuputing ngipin. Ang aking mga kasamang modelo ay naiihi na sa subrang kilig ng nakaharap nila si Dr. Brent.
" Of course I knew her." You forget that she's well- known. sabi mo nga kanina isa siya sa pinakasikat na talent mo, and yes nakikita ko siya sa mga magazines at live shows. mahabang paliwanag naman ni Dr. Brent.
Naninigas ako sa aking kinatatayuan, para akong tuod na hindi makagalaw, at nanlalamig ako, kanina pa kasi niya hawak ang aking kamay hindi pa niya binibitawan.
" Ah ehh ang kamay ko po, nangangawit na po,.Sambit ko sa kanya na agad naman siyang bumitaw sa pag kakahawak sa aking kamay, at humingi na rin siya ng paumanhin, ilang saglit pa may huminto na malaking sasakyan sa aming harapan parang pang celebrity.
Iyon daw ang sasakyan namin patungo sa aming matutuluyan dito sa Japan. Pag karating namin agad naman may sumalubong sa amin isa ring pinoy na tagapangalaga daw ito dito,.Dito din pala nakatira si Dr. Brent kaya pala kilala niya
ang mga pinoy dito.
Pang apat na buwan na namin pananatili dito sa Japan. Wala na akong kontak sa Pilipinas, si nanay at tatay lamang, dalawang beses sa isang linggo ko silang tinatawagan. Si Aquil wala na akong balita sa kanya, "kumusta na kaya siya? nakapag DNA test na kaya siya? anu kayang resulta?" tanong ko sa aking isipan. Si kuya Arthur naman wala na rin akong kuntak sa kanya, simula noong nakarating kami dito sa Japan.
Malalaki na ang kambal at malapit na silang mag iisang taon, masaya akong nakikita silang lumaki ng malusog at maayos. Ngunit hindi ko maiwasan ang mag alala, na pag dating ng panahon wala silang kikilalaning ama. Nakatingin ako sa kawalan nang biglang may tumabi sa akin.
"Hi! ready ka na ba? sambit niya sa akin sa mala Goddess niyang boses.
" Handa na, matagal ko nang hinanda ang aking sarili Doc. sagot ko naman sa kanya.
"Do you have any boyfriends, asawa or live-in - partner?" tanong niya sa akin.
"Doc. anong klaseng tanong iyan, marahil ay nag tataka ka kung bakit may kambal ako, ang sagot ko ay wala! walang wala, sino ba naman kasi ang mag kakagusto sa ganitong hitsura diba? mukhang monster." nakangiting sambit ko sa kanya,.
" Don' t you know na isa ka sa pinakamaganda sa buong mundo? sambit niya sa akin.
"hmmm katawan ko lang iyon doc.may mga kolorete ang mukha ko pag nasa runway ako o kaya may takip na maskara, nakatago lamang ang mukha ko sa mga bagay na iyan, tingnan mo ang aking mukha doc. diba mukha akong monster? mahabang litanya ko.
" Ano ka ba Bree, may mga tao talagang mapang husga pero kapag titingnan ka nila sa kabilang side, hindi lang sa iyong pisikal na anyo, masasabi nila na ikaw ang pinaka magandang nilalang na nakilala nila. Ani ni Doc. Brent
"I just hope na katulad nilang lahat ang pag iisip mo doc. para marealize ang ganoon, ngunit doc. sa mundong ating ginagalawan, maraming taong mapang husga doc. kung gaanu kasama ang pisikal mo na anyo, ganoon ka din nila husgahan sa iyong kaloob looban. mahabang sambit ko.
"What if sasabihin ko sayo na kilala kita, matagal na since we were young, and what if sabihin ko din sayo na may lihim akong pag tingin sayo? sambit niya sa akin.
Sa subrang gulat ko sa aking narinig, nahampas ko siya sa kanyang balikat, hindi kapani paniwala ang kanyang sinabi sa akin ngunit mukha naman siyang seryoso sa kanyang sinabi.
"Iyan ang hindi pwedeng mangyari, wag na wag kang mainlove sa isang tulad ko hindi ka magiging masaya sa akin. ani ko sa kanya.
Maya maya ay may kinuha siya sa kanyang bulsa, ang kanyang wallet, may ipinakita siya sa akin na picture noong high school pa lamang siya, may kasama siyang isang babae na parang kamukha ko naman. Nagulat ako at kilala ko rin ang lalaking kasama ko sa picture isa siya sa mga validectorian namin noong high school.
" S si Brent iyan, Brent Magaspang,." sambit ko sa kanya.
" Now you know me!" nakangiting ani niya sa akin.
" Hindi nga ikaw ba talaga iyan? Ang laki na ng pinag bago mo, ang guwapo mo na lalo.Ani ko sa kanya.
"Humm hulaan ko si Aquil pa rin ang crush mo no? nakangiting tanong niya sa akin.
Si Brent lang ang nakakaalam na crush ko si Aquil, dahil close kami noon dahil sa parehas kaming ipinanlaban sa mga competesyon ng school pag dating sa academics. Si Brent ang naging Validectorian at ako naman ang pangalawa. Kinuwento din niya sa akin kung paanu siya naging ganito ka successful, paanu siya napunta sa Japan at isang ganap na doctor.
"Ikaw hindi ka pa nag kwento sa akin kung anu na ang nangyayari sayo,?kung sino ang ama ng kambal.? Sambit niya sa akin.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin o sa amin ni Aquil, nakita ko ang lungkot at awa sa kanyang mukha.
" Mahirap tanggapin ngunit kailangan kong harapin ang katotohanan na hindi kami para sa isa't isa, kasal siya sa iba, may anak din siya,. Sambit ko sa kanya
"Nakakalungkot naman pala ang nangyari sa iyo Bree, hayaan mo na ako nalang muna ang tatayong tatay ng kambal, alam mo kung mahal ka talaga ng tao, pwede niyang tanggihan ang alok na kasal ni mayor isa pa mayaman siya, ngunit nag papaapi siya sa mga mas mababa sa kanya." Mahabang litanya niya.
Tama si Brent, kung talagang mahal niya ako pwede naman niyang tanggihan ang alok na kasal ni Guin, tsaka isa pa nag alok siya ng kasal kay Guin noong una pa lamang, kaya mahirap din paniwalaan na hindi niya gusto ang mga nangyayari, ngunit nangyari na naniwala ako sa mga mabubulaklak niyang mga salita sa akin noon, kaya nga ako umaasa na babalikan niya kami at kami ang pipiliin niya.
Mag iisang taon na rin ang nakalipas simula noong nangako sa akin si Aquil na babalikan niya kami, kung gugustohin niya naman talaga pumunta dito sa Japan para bisitahin kami ng kambal, pupunta siya upang makita kami nang kambal, ngunit hindi niya ginawa kahit noong birthday ng kambal hindi siya nakabati, nawawalan na ako ng pag asang mag antay ng mag antay sa wala.
Kailangan ko lamang ngayon ay mag pakatatag para sa kambal ko, sila ang aking inspirasyon ngayon upang magpatuloy, ang guguwapo nila at hindi ipag kailang anak sila ni Aquil, si Brent ang tumayong ama amahan nila, wala naman namagitan sa aming dalawa mag kaibigan kami simula noong mga high school pa lamang kami, nag tapat na rin siya ng kanyang nararamdaman sa akin nitong mga nakaraang buwan, ngunit naintindihan naman niya ang aking desisyon na may iba akong mahal at nag patibok ng aking puso at walang iba kundi si Aquil lamang.
Alam kung wala akong alam kung paanu umibig at kahit mahusgahan ako ngayon ng mga tao sa paligid ko, hindi ko na iisipin at papansinin iyon, martyr na ako kung martyr pero sa kanya lang tumibok ang aking puso.
Okay na rin ang aking mukha , na operahan na ako apat na buwan na ngayon ang nakalipas, mas lalo naman dumami ang projects at naging hectic na ang schedule namin, malaking advantage ang may maganda at maayos na mukha, kung noon umabot ng oras àng màglagay ng make up sa aking mukha, ngayon halos sampung minuto na lang.
Hindi ko akalain na ganito na ang hitsura ko ngayon kahit hindi na mag make up, maraming nag sabi na ala-barbie daw ang aking hitsura ngayon, natutuwa naman ako at may magandang resulta sa pag papaayos ko ng aking mukha.
Napakabait pa rin ng panginoon sa akin, marami siyang mga pinadalang tao upang umalalay sa akin upang makamit ang aking tagumpay,.
Si sis Geo madalas may kasama siyang babae, napakaganda rin niya ang liit ng mukha, half pinay half japanese naman siya kaya napakaganda niya. Maraming nag bago kay sis Geo, parang biglang naging tunay na lalaki. Tinamaan ata siya ni Athena yong babae na lagi niyang kasama. hindi ko na rinsiya nakakausapng maayos dahil sa busy siya, ngunit pag dating naman sa kambal lage siyang may oras. Masaya ako kung totoong umibig siya sa isang babae.