WARNING: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Briggete's POV
Nagulat ako sa mga nangyayari sa paligid ko, kagigising ko lamang at narinig ko ang ingay sa loob ng aking silid. Nakita ko si Aquil at si Arthur, hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko na nandito si Aquil inirapan ko na lamang siya. Dumapo ang aking paningin kay Arthur at ngumiti ako sa kanya. Agad naman lumapit si Aquil sa aking kinaroroonan, nakita ko may dugo sa kanyang nguso, siguro nag karoon na mainit na tagpo kanina sa pagitan nila ni sis Geo, sis Wendel at Aquil.
Hindi ko masisisi ang mga boss ko, saksi sila sa lahat ng napag daanan ko, simula noong hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin, sa pag bubuntis ko at noong nanganak ako na halos nag agaw buhay ako.
Lumapit si Aquil at yumakap sa akin nakatitig lamang ako sa kinaroroonan ng kambal, nakita ko si Arthur na karga ang isa sa mga kambal, habang nag papaliwanag si Aquil sa mga nangyayari sa kanya kung bakit hindi na siya nakabalik at hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin. Hindi ko na namalayan ang pag landas ng mga luha sa aking mga mata, muli ko siyang tinanggap sa buhay namin ng kambal, dumako naman ang paningin niya sa kambal, gulat na gulat siya sa kanyang nakita dahil ang alam niya isa lang ang baby namin, hindi ko kasi sinabi sa kanya na kambal ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Tumingin siya sa akin namumula mula ang mga mata, hindi niya mapigilan ang pag landas ng mga luha sa kanyang mga mata.
" Why didn't you tell me, it' s twin? garal na boses niyang tanong sa akin.
" H hindi ka naman nag tanong,. pasensiya na hindi ko nabanggit 11qqsa iyo. Mahinang sambit ko sa kanya.
" No! It's okay, sobrang na surprise lang ako sa aking nakita hindi lang pala isa kundi dalawa. Wika niya sa akin, niyakap niya ako at panay hingi ng patawad. Sabay sabi ng mahal niya kami ng babies. Ilang saglit lang kumalas siya sa pag kayakap sa akin at papunta sa direksiyon ng kambal, nandito din kasi ang mga kasamahan kong models at ang limang bakla, sila ang mga boss namin, ang mga kasamahan kong modelo ay kilig na kilig, kay Aquil sikat kasi si Aquil kahit sa ibang bansa, may mga panahon kasi na naging cover siya sa isang sikat na magazine, doon siguro nila nakita si Aquil.
Lumapit siya sa kambal, ang isa ay buhat ni Arthur si Aquil naman ngayon karga ang isa pang baby, tuwang tuwa ang mag kakapatid sa kambal.
Hanggang sa isa isa nang nag alisan ang mga modelo, sunod na nagpaalam sila sis Geo at ang mga kasama nila, ang mga boss namin, si Arthur na lamang at si Aquil ang natira, nandito rin si ate Minda na nag aalaga sa kambal.
Nakauwi na rin kami sa bahay ni sis Wendel, hindi kami dumiritso sa condo dahil marami ang nag mamasid na tauhan ni mayor daddy ni Guin. Sila sis Geo na daw ang bahalang mag dala ng mga gamit ko. Kasama ko ngayon ang mag kapatid, nabanggit nila sa akin na dalawang linggo pa daw sila mananatili dito sa manila. Hindi ko mawari kung paano nila nautakan si Guin, kung paano man sila lang ang nakakaalam doon at hindi ko na rin aalamin
" Congratulations Bree.! sambit ni Arthur sa akin.
"S salamat po sa pag punta kuya,. mahinang sambit ko.
"Hmmm anu ka ba, wala iyon sister-in - law na rin kita ngayon, at sila ang mga totoo kong pamangkin. Sampid lang iyong isa." sambit pa ni kuya Arthur.
Nag pasalamat na lamang ako sa kanyang mga sinabi, at tumango tango tanda ng pag sang ayon. Ilang sandali pa lumapit si Aquil sa amin ni kuya Arthur, agad naman tumayo si kuya at nag paalam sa amin, tinapik niya ang balikat ni Aquil, tanda ng pamamaalam, pupuntahan daw muna niya ang kambal.
"Bree! Kumusta ka na? mahinang sambit ni Aquil.
"M medyo masakit pa ang aking tahi." mahinang sambit ko sa kanya, nakatitig siya sa akin ramdam ko ang pag alala niya sa akin. Yumakap siya ng mahigpit, panay sabi niya na mahal na mahal niya kami ng kambal. Ramdam ko naman na mahalaga kami sa kanya. Ngunit sa kabilang banda hindi ko maiwasan na maging malungkot dahil alam ko bilang lang ang mga araw nila dito, ayaw kung sanayin ang aking sarili na nandito siya baka masaktan lang ako..
"Wag ka muna mag kikilos kilos, kami na muna bahala sa kambal, tsaka tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." ani ni Aquil.
Si kuya na ang nag luto ng hapunan namin, si Aquil naman ang umaalalay sa akin, masakit pa kasi ang tahi ko medyo nahihirapan pa rin ako mag lakad. Ang daming niluto ni kuya Arthur, parang may handaan.
" Let's eat.! dinamihan ko ang luto celebration para sa kambal, hindi namin alam Bree na buntis ka, at lalong hindi namin alam na kambal sila, kaya ito let's celebrate, masayang masaya kami sa aming mga pamangkin" Ani ni kuya Arthur.
"Nag abala ka pa kuya, okay lang naman kahit hindi na, sanay na ang mga babies sa tiyan ko pa lang sila. masayang ani ko kay kuya.
" Anu ka ba hindi pwede iyan Bree, kuya mo na ako ngayon, hindi lang kita kaibigan ikaw pa ang ina ng mga pamangkin ko, kaya wag ka na mahiya." ani ni kuya.
Ngumiti ako kay kuya Arthur, at sinang ayunan ko na lamang ang gusto niyang mangyari. Si Aquil naman ay naka alalay pa rin sa akin pati sa pag kain, kulang na lamang sususbuan niya ako, ngunit agad naman akong tumanggi sa kaniya.
"A ako na, kaya ko naman kumain mag isa" nauutal na sambit ko kay Aquil.
"No! habang nandito kami, ako muna ang gagawa ng lahat, makabawi man lang sa lahat ng pag kukulang ko sayo Bree."ani ni Aquil.
"Bree I never see my brother did like this to other girls, sayo lang siya patay na patay ng ganito. Sabat ni kuya Arthur.
Nahihiya man ngunit pumayag nalang ako sa kanyang kagustohan. Sinubuan niya ako hanggang sa matapos kaming kumain, kahit sa mga maliliit na bagay, kahit sa pag suot ng b*a, panty ay siya ang gumagawa para sa akin, masaya ako sa aking natuklasan na sa kabila ng pagiging playboy niya noon, at mapanlait niya may nakatago pala siyang kasweetan sa kanyang kalooban,ngunit ayaw kong ibigay ang buong tiwala ko sa kanya dahil ilang araw lamang siyang mananatili dito, pag katapos, hindi ko na alam ulit kung kailan kami mag kikita.
"Bree! bukas na ang alis namin, babalik na kami sa probinsiya. Please wag mo akong kalimutan, babalikan ko kayo ng kambal Bree,. Mag papa DNA test kami iyan lamang ang paraan upang makalayo ako sa kanila." mahabang litanya ni Aquil.
" S sige, aantayin ka namin ng mga anak mo Aquil, kahit gaano man katagal ang iyong pag babalik. Aaminin ko sa iyo lang tumibok ang puso ko, simula't sapul ikaw ang secret crush ko hanggang sa lumalim ang pag tingin ko sa iyo. Mahal na mahal kita." Umiiyak na ani ko sa kanya.
Nasa loob kami ng isang silid, hindi kasi siya pumayag na hindi kami ng kambal ang una niyang masisilayan pag mulat ng kanyang mga mata.
Kay bilis ng panahon bukas na agad ang alis nila, at nasabi ko na rin kay Aquil na mahal ko siya, medyo nabunotan naman ako ng tinik sa aking lalamunan ng sinabi ko iyon sa kanya na mahal ko siya.
" Mahal na mahal kita Bree at ng kambal, Please! wag ka na mag hanap ng iba ha! Ako lang,,pag magiging okay na ang lahat mag papakasal tayo kahit saang simbahan ang gusto mo." lumuluhang sabi naman ni Aquil.
"Aquil!" Sambit ko sa kanyang pangalan.
"Sssshhh gusto ko tawagin mo akong honey." sambit ni Aquil.
Tumango ako tanda naman ng pag sang ayon sa gusto niyang itawag ko sa kanya. Ngunit hindi ko pa nga nasabi ang gusto kong sabihin ay siniil na niya ako ng halik, namiss ko ang kanyang malalambot na mga labi, gusto pa sana niyang may mangyari sa amin kaso pinigilan ko baka bumuka ang aking tahi, at alam niya naman kung gaano kasilan ito, kaya hanggang halik na lamang siya.Nahihiya pa ako kasi hindi pa ako nakapag toothbrush ni mumog wala pa.
" H hindi pa ko nakapag toothbrush,." nahihiyang sambit ko sa kanya.
" Kahit anu basta sayo lang, kumakain din ako ng amoy bagoong. turan niya na may kasamang ngiting aso.
Nagulat ako sa kanyang mga nasabi, hindi ko alam ganito pala siya, bigla ko siyang nahampas. mag kababata kami pero hindi ko alam ang kanyang mabuting side ng kanyang pag uugali, palagi kasi siyang galit sa akin noon. Naniniwala na ako sa kasabihan na
"THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE" sa amin dalawa ni Aquil.
" Aiii sorry napalakas ko pa ata. nakangiting sambit ko sa kanya.
" Gusto mo subukan natin?" tanong niya sa akin.
" Hindi na Aquil magkikita pa naman tayo diba? sambit ko sa kanya.
"Diba sabi ko honey ang itawag mo sa akin, kung hindi mo pa ako tatawaging honey may punishment ka sa akin." Ani niya.
"O okay honey! sambit ko naman.
"I love you hon.! Mahal na mahl ko kayo ng kambal." pag lalambing niya sa akin.
" I love you too Hon! Nga pala bago ko pa makalimutan ang plano namin ng mga boss ko, pag mediyo nakabawi na ako ng lakas, lilipad kami papuntang Japan, kasama ang kambal, sa Japan muna kami maninirahan, hindi ko alam kung kailan kami mananatili doon.".Ani ko sa kanya.
" S sino ang magiging kasama mo doon? parte ba ito ng trabaho mo? sunod sunod na tanong niya.
" Ou hon, matagal na dapat kami doon mag stay sa Japan, ngunit nalaman nila sis Geo na buntis ako kaya ipinag paliban nalang muna namin ang project doon. Si sis Geo lamang ang kasama ko, at tatlong modelo, isasama ko na rin si ate Minda para sa kambal." Mahabang sagot ko sa kanya.
Batid ko ang kanyang kalungkutan ngunit sinang ayunan na lamang niya ang aking sinabi, hangad din naman niya ang kaligtasan naming mag ina. Hindi ko sinabi sa kanya ang planu namin na tinanggap ko ang offer ng mga boss ko, ang mag papaayos ako ng aking sarili doon baka hindi niya ako papayagan.
Kahit naman hindi siya papayag wala din naman siyang magagawa sa aking desisyon..
Nangako siya sa akin na babantayan niya ang aking mga magulang sa mga kamay ni Guin, nangako din siya na hindi muna sabihin kay nanay at tatay ang mga nangyari, na may kambal na silang apo, hayaan nalang na ako na ang mag sabi pag dating ng panahon. Kausap ko pa rin naman sila at noong nakaraan pinadalhan ko na sila ng pera, budget para sa limang buwan nila iyon..Smooth naman ang lahat mabilis ang mga panahon 3months na ang kambal, wala kaming kontak ni Aquil ngunit tuloy naman ang komunikasyon namin ni Arthur, kay Arthur na lamang ako nakikibalita sa mga nangyayari. Bukas naman ang Flight namin papuntang Japan doon nakaplanu na ang lahat na gagawin namin may mga photo shoots nagagawin, hanggang anim na buwan after noon doon na gagawin ang pag ayos ng aking ilong at labi. Kung tutuosin kuntento naman na ako kung anong meron ako, ngunit ayaw kong palagi nalang nag tatago sa maskara at sa makapal na make up sa tuwing may ganap na guessting, runway at photo shoots.
Pumayag na rin sila nanay sa gusto kung mangyari kaya panatag na ang aking kalooban na mag papaayos ako ng ilong at labi,. Nakaready na ang lahat ng dadalhin namin, pati ang kambal at ibang modelo, tuwang tuwa naman sila at makakarating na silang Japan. Kasama namin si Rose at si Barbie sa mga photo shoots namin doon at may isa pa na modelo na baguhan lamang. Si sis Geo at may isa kaming photographer na kasama at si ate Minda na rin siya ang mag aalaga sa kambal doon sa Japan. Nabanggit ko na rin kay kuya Arthur na Ngayon na ang flight namin, kaya alam ko na alam na rin ni Aquil iyon. Pasakay na kami ng eroplano nang biglang tumunog ang aking telepono, si Aquil iyon nasa mansiyon daw siya para hindi marinig ni Guin at ng mga tauhan nila, kaya sumaglit lang daw siya sa mansiyon para makapag paalam at makapag usap kami, smooth naman ang pag uusap namin, walang naging problema.