WARNING: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Geo's POV
Nakarating sa amin na manganganak na si Sis Bree, kaya isinantabi ko muna ang aking gawain para mapuntahan siya sa hospital, dinala na nila ate Minda si Bree kanina sa hospital, dali dali akong nag paalam kay sis Wendel at siya muna ang nag paiwan sa studio, agad akong sumakay sa aking sasakyan at dumiretso na sa hospital na kung saan isa ang tita ko sa mga nag mamay ari nito Ang Sy Memorial Hospital, ang tita ko rin ang doctor na mag papaanak kay Bree, pagdating ko sa hospital, nasa delivery room si Bree,ngunit ilang sandali lamang ay inilabas siya sa delivery room. Nag tataka ako kung bakit, kaya tinawag ko ang isang nurse, at doon ko nalaman na CS ang gagawin para makalabas ang babies kasi nahihirapan si Bree na ilabas ito, natatakot na ako para sa sis namin, pero alam ko kaya niya iyon.
Dalawang oras na ngunit wala pang doctor na lumabas sa operating room ni nurse wala pa din lumabas, ilang sandali pa may dalawang baby na inilabas sa operating room at ililipat daw sila sa nursery room, may mga pangalan na ito at napakagandang mga anghel, sambit ko sa aking isipan, maya maya pa ay nag kagulo nanaman sa loob may dalawang nurse na lumabas at nag mamadali, iyong isa napag tanungan ko kung anung nangyari.
"nawalan ng malay ang pasyente, dahil tumaas ang kanyang blood pressure, gagawin po nila doc ang lahat para magiging ligtas po ang asawa po ninyo. ani ng nurse." Pumasok na agad siya sa loob mga biyente minutos ang nakalipas, nag bukas nanaman ang pintuan ng operating room, nakita ko ang aking tiyahin na lumabas galing sa operating room.
"Aunt Mary, kumusta na po si Bree? tanung ko sa aking tiyahin.
" Stable na ang kanyang kalagayan, tumaas ang pressure ng dugo niya kaya nawalan siya ng malay. Don' t you worry ok na siya ngayon.
" Thank you Aunt Mary. sambit ko sa kanya. Ngunit nakiusap si Aunt Mary sa akin na kung pwede kami mag usap in private, agad ko naman sinang ayunan ang kanyang kagustohan, alam ko tungkol nanaman ito sa aking pamilya ang aming pag uusapan.Sa opisina ni aunt Mary niya ako dinala, doon walang ibang tao kundi kami lamang.
" Gerard wala ka ba talagang balak na umuwi sa pamilya mo?"umpisang tanong ni Aunt Mary sakin.
"Aunt Mary, wag muna natin pag usapan iyan sa ngayon, hindi pa po kami okay ng daddy."
Si Aunt Mary ang nag iisang babaeng kapatid ni daddy apat silang mag kakapatid si daddy ang panganay at ako naman ang panganay na anak nila daddy kaya malaking bagay kung ako ang mamamahala sa mga negosyo ng pamilya, ngunit hindi iyon ang gusto ko, kaya pag katapos ko mag aral sinubukan kong imanage ang companya ni daddy ngunit hindi talaga ako masaya doon, kaya binalik ko kay daddy ang posisyon na iyon, galit na galit ang daddy sa akin kaya pinalayas niya ako sa bahay, lahat ng bank accounts ko pina close ng daddy, pero lingid sa kaalaman ng daddy may sekreto akong savings account na pinangalan ko sa kaibigan kong si Wendel, mas malaki ang naipon ko doon, simula noong nag aral ako, lahat ng allowance ko doon ko pinahulog sa account ni Wendel.
Noong pinalayas na ako ng daddy, doon ko na inilabas ang aking tunay na katauhan na lalaki ako ngunit may babaeng puso. Noong nalaman ni daddy na isa aking binabae mas lalo siyang nagalit sa akin at itinakwil niya ako sa pamilya namin, kaya nag palit ako ng pangalan Gerard Sy ang tunay kung pangalan, pinalitan ko ito bilang
Geo Paje.
Doon na namin napag planuhan ng mga kaibigan ko na mag invest sa isang sikat na brand ng mga damit at underwares, nag tagumpay kami sa una hangang pang limang taon namin, nakahanap kami ng mga nag gagandahan modelo,hanggang sa nakilala namin si Bree, napakaganda ng kanyang katawan, hindi kagandahan ang kanyang mukha, ngunit napakaganda ng hubog ng kanyang katawan, bagay na bagay sa mga bagong ilalabas na designs na mga damit. Kaya kinausap ka siya sa isang food chain at binigyan siya ng calling card, hinintay namin ang tawag niya, halos isang buwan naming hinintay ang tawag niya. Hanggang isang gabi, biglang nag ring ang aking telepono, at isang malambing na boses ng babae ang aking narinig, noong una medyo nahihiya pa siya, at subrang mahinahon siya kung mag salita,. Dahil pumayag na siya at tinanggap na ang offer namin, iniskedule agad namin ni Wendel ang pag sundo sa kanya.
Unang buwan pa lang niya sa companya namin, tumaas na ang sales namin, hanggang sa nag tuloy tuloy na ito, may mga kumukuha sa kanya bilang modelo, may mga schedules din siya ng mga guessting international, at marami din kaming mga bagong labas na designs kaliwa't kanan ang schedules niya, hangang sa isang araw nalaman namin na nag dadalang tao siya sa hindi maipapaliwanag dahilan, nalaman din namin na isang milyonaryo ang ama ng kanyang dinadala ito pa ang hindi kapani paniwala, si Bree ay isang secret milyonaire, kung paanu nangyari iyan ang hindi namin alam. Ngayon nandito ako sa hospital nanganak na si Bree.,
May mga bagong products para sa infant, mother and child at para sa mga mommy na bagong panganak, para tuloy tuloy ang kanyang trabaho, kaya tinuturing namin siyang lucky charm ng grupo namin.
Lumabas na ako sa opisina ni Aunt Mary, hindi siya nag tagumpay sa kanyang hangarin na pabalikin ako sa pamilya ko. Pag labas ko ng opisina nakita ko si Sis Wendel papasok na sa kuarto na inuukopa ni Bree. Doon na namin napag usapan na papuntahin ang aming mga kaibigang bakla, para makita ang mga babies, ang tatangos ng ilong. Pangalawang araw na ngayon ni Bree dito sa hospital, hindi pa kasi siya pwede ilabas at, inoobserbahan pa siya ng doctor, baka bigla nanaman daw tataas ang blood pressure niya. Ilang sandali pa nag datingan na ang mga kaibigan kong bakla, hindi kami kumpleto, kasi ang iba nasa ibang bansa, kaya nag video call na lamang kami, at nakita na nila ang mga babies, excited na rin sa mga bagong damit na ilalabas. Malalim ang napag usapan namin, kausap din namin si Bree, hindi pa rin pala alam ng mga magulang ni Bree ang nangyari sa kanya.
Napag usapan pala namin nang kaibigan ko na sa mga susunod na buwan, dadalhin namin si Bree at ang mga baby sa ibang bansa sa Japan para doon muna mag stay, doon na rin magaganap ang pag papaayos sa mukha ni Bree pumayag na siya sa mga plano namin noon pa, ngunit naudlot dahil buntis siya kaya ipinag paliban muna namin dahil sa pinag bubuntis niya.
Kasag sagan ng seryosong pag uusap namin ng mga kaibigan ko sa loob ng silid ni Bree dito sa hospital ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang dalawang matipunong lalaki at ang isa ay ang ama ng ipinag bubuntis ni Bree si Aquil. at ang isa naman ay si Arthur na kaibigan ni Jana. Nagulat ako sa nakita ko, ipinakilala ni Arthur si Aquil sa amin bilang kapatid niya, naka babatang kapatid. Nagulat kaming lahat sa aming nalaman na mag kapatid pala si Arthur at Aquil, kaya pala may pag kahawig silang dalawa noong una kong nakita si Aquil.
Ngunit imbes na kamayan ay agad kaming lumapit ni sis Wendel sa kanya at sinuntok namin siya ng pagkalakas lakas. Agad naman siyang natumba sa suntok namin ni Wendel sa kanya, bakla kami ngunit lalaki pa rin kami, mas malakas pa kami sa mga lalaki, nakita namin na may lumandas na dugo sa kanyang nguso. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang kapatid na si Arthur, at nag paliwanag ito.
" Wait wait nandito ang kapatid ko para makita ang mag ina niya, alam kong mahirap paniwalaan ngunit hayaan muna natin mag paliwanag si Aquil, bago natin siya husgahan, ayaw kong mangialam sa problema nila at lalong wala akong pinapanigan sa kanila ngunit alamin muna natin kung anu ang nangyari bago natin siya husgahan." Mahinahong wika ni Arthur.
Nagising si Bree sa ingay namin sa loob ng kanyang silid, nakita niya si Aquil, agad naman siyang nilapitan ni Aquil at yumakap ito kay Bree, ngunit nakita ko na wala sa mood si Bree, kaya palalabasin na sana namin si Aquil ngunit pinigilan kami ni Bree. at gusto niya marinig ang paliwanag ni Aquil.
Mahabang paliwanag ni Aquil ngunit sa huli ay naintindihan naman naming lahat iyon. Sa mga sinabi ni Aquil mas lalo kaming na alarma at dinoble na namin ang security sa condo at lalo na sa room ni Bree. Humingi na rin kami ng paumanhin sa nagawa namin ni Wendel kanina, nag padalos dalos kami ng desisyon.
Pang apat na araw na ngayon dito ni Bree sa hospital at pwede na daw siyang lumabas ngayong araw, si Aquil at si Arthur muna ang mag aalaga sa mag ina nandiyan naman si ate Minda mag aalaga sa mga baby.
Hindi namin inuwi sa condo sila Bree, doon namin sila pinatuloy sa isang bahay ni Sis Wendel. wala naman nakatira doon. Dalawang linggo pa naman mananatili ang magkapatid dito kaya panatag ang aming kalooban.