Warning: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Aquil's POV
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, gusto kong lumuwas ng Maynila ngunit maraming nakabantay sa akin na mga tauhan ni mayor na daddy ni Guin.
Alam ko hindi ako ang ama ng dinadala niya dahil ilang beses ko siyang nahuli na may kasama siyang ibang lalaki sa kaniyang condo,. isang beses lang may nangyari sa amin, noong pag uwi ko galing US. at simula noon hindi na nasundan iyon, dahil si Bree na ang hinahanap hanap ko.
Mag tatatlong buwan na, hindi pa rin ako nirereplayan ng taong mahal ko, kahit tawag hindi niya sinasagot nag aalala ako sa kanila ng baby sapagkat isa sila sa pinag bantaan ni mayor kung hindi ko pananagutan ang anak niyang si Guin, pati pamilya ni Bree ay madadamay. Kaya nakapag pasya ako na gagawin ko ito para sa kaligtasan ng pamilya niya at sa magiging anak namin. Marami akong text at tawag sa kaniya, ngunit balewala lang sa kanya iyon, sinisilip silip ko din ang mga magulang niya, ngunit malayo lamang ako na nakabantay sa kanila, ang laki na ng pinagbago ng buhay ng pamilya ni Bree simula noong naging sikat na modelo siya.
Alam kong walang kinalaman ang mga pamana ni lola sa pag papagawa niya ng bahay, pati maliit na negosyo nila, dahil noong nakaraan nakausap ko si atty. hindi pa daw kumukontak sa kanya si Bree. Kaya lahat ng pag babago sa kalagayan nila ay pinag hihirapan lahat ni Bree.
Natatakot ako na baka mawala sila ng anak ko sa akin, ou naging masama ako sa kanya noon, hindi ako naging mabuti sa kanya, ngunit nag bago na ako at nag bago din ang nararamdaman ko sa kanya, kung dati lihim ko siyang pinag mamasdan ngayon mahal ko na siya, lalo pa at mag kakababy na kami. Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang yakapin, at lalong gusto kong mahawakan ang tiyan niya, gusto ko silang alagaan ngunit ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay nilang mag ina dahil sa akin,.
Umuwi ako ng mansiyon, nararamdaman ko na may mga tauhan si mayor na sumusunod sa akin, kung tutuusin kaya kong pabagsakin si mayor kong ako lang, pero ginamit niya ang aking kahinaan, na idadamay niya ang aking mag ina kapag hindi ko pakakasalan si Guin. Ayaw kung mangyari iyon, inipit nila ako alam kong may hangganan din ang lahat ng ito, patutunayan ko sa kanila na hindi ako ang ama ng pinag bubuntis ng anak niya, iyon ang kasunduan namin ni mayor, pag nakapanganak na si Guin mag papa DNA test kami para mapatunayan na hindi ako ang ama ng bata.
Pag dating ko sa mansiyon dinial ko agad ang numero na binigay ni Bree sa akin, unang dial pa lang laking gulat ko at may sumagot sa kabilang linya. Subrang saya ko ng marinig ko ang kanyang boses, mahina malambing, nahihiya at parang natatakot..
Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyaring napag daanan ko, pinaliwanag ko rin sa kanya kung bakit hindi ako nakaluwas o hindi ko natupad ang usapan namin na babalik ako para alagaan siya, nararamdaman ko ang lungkot ng kanyang boses nang sumagot siya, ayaw kong nalulungkot siya, ayaw kung nasasaktan siya, lalo na at may baby sa kanyang sinapupunan, baka mapaano, kaya gustohin ko man na lumuha, pinigilan ko ang aking sarili sapagkat gusto ko maging matatag din siya.
Nangako ako na babalikan ko sila ng anak ko, pag katapos ng kasunduan namin ni mayor, sigurado ako na mag fafile agad ako ng annullment pagkatapos ko malaman kung anu ang magiging resulta ng DNA.
Ngunit nararamdam ko ang panginginig ng kanyang boses noong sumagot siya sa akin, alam kung subrang nasaktan siya ngunit ginagawa ko lamang ito para sa kanilang kaligtasan.
Pinatayan niya ako ng telepono pagkatapos niyang sabihin sa akin ang gusto niyang sabihin. Hindi ako mapakali sa kanyang sinabi sa akin, nasasaktan ako, mababaliw ako kung hindi man lang sila ang makakasama ko habang buhay. Hangang hanga ako sa kakayanan niya, kaya niyang isawalang bahala ang nararamdaman ko, kaya niyang kalimutan ako at kaya niya akong ipaubaya sa ibang tao. Kahit sinabi ko na sa kaniya na sa kanila na ngayong ng magiging anak ko umiikot ang mundo ko.
Pumunta ako sa kusina, sa subrang sakit na nararamdaman ko kumuha ako ng alak at nilaklak ko iyon ng walang pakundangan. Naka apat na bote na ako ng alak, nang may biglang tumapik sa aking balikat.
" Anu ang ginagawa mo dito bro? Bakit ka pa nandito? sunod sunod na tanong ni kuya Arthur.
" Wa...wa..la nang hik hik sa...say... say' ang b... buhay ko kuya, b...batid kong ki....ki..nalimutan na ako ng ba....babaeng m...mahal ko, hikhik, at ito ngayon na...nakatali ako sa hindi ko naman p...pina..pangarap na babae.." paputol putol na boses kong banggit kay kuya.
" Bro. Isasama kita sa business tour, ipapaalam kita sa asawa mo kailangan ka doon, as business owner, para maka hinga ka naman ng malalim at makapag isip isip ng maayos, ayaw kong masisira ang buhay mo dito bro. Ani ni kuya Arthur.
"Hikk..hikk ....hikkk, wa....la na.ng mas sa...saya pa sa a....kin kuya kung ...hikk hikk hi ...ndi ang makita ang hik..hikk..hikk ang aking mag ina. sambit ko kay kuya Arthur.
Hindi ko na namalayan na lumandas na pala ng tuluyan ang aking mga luha, batid ko na nanganak na ngayon ang aking pinakamamahal na babae, sapagkat pang siyam na buwan na ngayon ang kanyang tiyan, ngunit wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya wala akong balita sapagkat hindi naman niya sinasagot ang aking text o tawag.
Hangang sa bigla nalang akong nakatulog, kinabukasan naalimpungatan na lamang ako at ginising ako ni kuya.
Hindi pala ako nakauwi sa bahay na tinutuluyan namin ni Guin. Kabuwanan na din ni Guin, kaya hindi siya pwedeng mag isa sa bahay, ngunit marami naman silang bantay at kasambahay doon.
Dito na ako sa mansiyon pinatulog ni kuya, sa dati kong kuarto. dinalhan na rin ako ni kuya Arthur ng sopas, para mahimasmasan ako sa aking kalasingan, may nabanggit si kuya sa akin na business trip, dalawang linggo daw kami mawawala. Tinawagan na din ni kuya Arthur si Guin na nandito ako sa mansiyon namalagi kagabi.
Mamaya na ang alis namin ni kuya Arthur, sa Visayas ang trip namin. Hindi ko maintindihan si kuya ngayon lang siya nag aya sa akin ng business trip, samantalang kayang kaya naman ni kuyang lutasin kung anu man ang naging problema sa kumpanya, kahit noong mga kabataan namin,. Nasa biyahe na kami ni kuya Arthur papuntang Manila, ayaw pa sanang pumayag ni Guin ngunit wala na siyang nagawa at si kuya Arthur naman ang kasama ko, mayroon pa sanang siyang ipasama na tauhan ni mayor daddy niya kaso pinigilan na ni kuya Arthur.
Napansin ko iba ang dinaanan namin ni kuya, hindi naman ito ang daan papuntang airport, kaya tinanong ko si kuya kung saan ba talaga kami pupunta,.
"Nanganak na si Bree bro. gusto mo ba siyang makita? tanung ni kuya sa akin.
"of course yes kuya!" sabay ngising malaki sa kanya.
" Now this is your chance to see your love bro.." ani ni kuya Arthur.
"Thank you kuya"! How do you know? naguguluhang tanong ko.
" Alam ko hindi mo gusto ang makasama at makasal kay Guin at alam ko rin na napilitan ka lang sa mga nangyayari ngayon sa inyo ni Guin at kay mayor. Kapatid kita at nararamdaman ko ang pag hihirap mo bro. ginawa ko ito para sa iyo at sa magiging anak mo." mahabang litanya ni kuya Arthur.
Hindi ako iyakin na tao, ngunit para akong bata ngayon sa harap ng nakatatanda kong kapatid, halos napahagulhol ako, hindi ko ginusto ang mga nangyari sa ngayon, tama ang lahat ng sinabi ni kuya, napilitan ako na mag pakasal kay Guin, sapagkat ayaw kung mapahamak ang mag ina ko, at sila ang ginawang paing ni mayor, upang masang ayunan ko ang gusto nilang mangyari.
" P paanu mo nalaman na nanganak na siya kuya?, wala na akong balita sa kanya, natatakot ako, pinag bantaan nila ang buhay ng mag ina ko kuya, kaya wala akong nagawa." mahabang litanya ko sa kanya.
" Sinabi ng isa sa mga kaibigan ko, isa din siya sa mga investor ng modeling company kung saan nag tatrabaho si Bree." mahabang paliwanag ni kuya..
" Bro, tatanawin ko itong malaking utang na loob, hindi ko alam kung papaanu kita mapasasalatan." ani ko kay kuya
"Walang business trip na magaganap bro. dahilan ko lang iyon para makatakas ka pansamantala sa mga kamay ni Guin at mayor." paliwanag ni kuya Arthur.
Halos tumalon ako sa subrang tuwa sa aking narinig kay kuya Arthur. Magaling na business man si kuya Arthur, ngunit lingid sa aking kaalaman magaling din pala siya sa ganitong bagay.
"Paanu ko matutumbasan ang ginawa mo ngayon sa akin kuya?"Hindi ko alam kaya mo din palang gawin ito kahit alam mo na mapapahamak ka." ani ko kay kuya
" Ganyan ang mag kakapatid bro. kung tutuusin kayang kaya mo naman patalsikin si mayor, mas mayaman ka bro. wala sa kalahati ang yaman ng tatay ni Guin sa yaman mo." Not me bro. wag akong subukan ni mayor na banggain, baka sa kangkungan siya pupulutin, sabihin mo lang bro. at ako ang bahala kay mayor..Ani ni kuya.
" kuya hindi ko pwedeng gawin ang nasa isip mo, dahil nakasalalay ang buhay ng mag ina ko, pinag bantaan nila ang buhay ni Bree at ang pamilya niya."sambit ko kay kuya.
"Don't worry bro. mag utos ako ng tauhan ko para may makapag bantay sa mag ina mo. Actually nabanggit ng kaibigan ko na may nireport daw si Geo at Wendel nitong nakaraan, dahil nakabuntot daw ito sa isa sa mga talent nila, kaya pinag iingat nila ang mga ito." mahabang litanya ni kuya.
Kinabahan ako sa aking narinig kay kuya, nabanggit ni Guin sa akin noong mga nakaraan na alam niya ang lahat ng mga nang yayari sa babae na kinababaliwan ko. Ngunit binalewala ko lamang ito, kaya pala kampante si Guin sa mga nang yayari sa paligid niya dahil alam niya pala ang kalagayan ni Bree.
" Kuya mukhang hindi tayo ligtas sa pag bisita natin kay Bree, may mga tauhan sila Guin na nakamasid kay Bree.
" Don' t worry bro. ready na ako jan, nahuli ng mga tauhan ni Geo ang isa sa mga tao na nag mamasid kay Bree at napag alaman nilang lahat na tauhan sila ni mayor, kaya dinoble na nila ang pasahod sa mga tauhan ni mayor, para hindi na mag salita pina alis na rin nila ang mga ito sa condo.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni kuya Arthur, atleast kahit papaanu ay ligtas si Bree sa kamay ni Guin. Ilang saglit pa huminto na si kuya sa isang pribadong hospital.
"Let's go! I wanna see them." nanginginig na sambit ko kay kuya, sa subrang excitement at may halong kaba ang aking nadarama.
" Relax bro. ipapark ko lang maayos ang kotse, sabay tayong papasok sa loob, nandoon ang mga kaibagang bakla at mga boss ni Bree, hindi natin alam kung anu ang magagawa nila sa iyo." Ani ni kuya Arthur.
Sabay na kami pumasok ni kuya sa hospital at mabilis naman namin natunton ang kuarto ni Bree, pag dating namin doon, maraming tao, iyong iba siguro mga talent at ang iba mga bakla, nandito rin si Geo at Wendel, si kuya naman ay nakipag kumustahan sa isa pang kasama nila, palagay ko ay ito yong sinasabi ni kuya na kaibigan niya.
"Nagulat na lamang ako at lumapit si Wendel at Geo sa akin, sabay suntok ng pagkalakas lakas sa akin,." Kahit mga bakla sila ay lalaki pa rin silang maituturing.
"Ang kapal ng mukha mo bro. pagkatapos mong paasahin ang kaibigan namin, may mukha ka pang magpapakita sa kanya, nangako kami na poprotektahan namin siya, lalo na sayo at sa mga taong nag babanta sa kanya.." Ani ni Geo.