Warning: Expect grammatical errors, spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Briggete's POV
Dalawang buwan na nang umalis si Aquil, simula noong umalis siya hindi na siya nakabalik, hindi rin siya nag paramdam sa akin, bago siya umuwi sa probinsiya kinuha niya muna ang numero ng aking telepono.
Maayos naman na siyang nag paalam sa akin, ngunit ang kanyang pangako na isang buwan ay nauwi sa dalawang buwan na mahigit ngayon, mag pipitong buwan na rin ang aking tiyan. Hindi siya ni minsan tumawag o nag text man lang sa akin.
Nakatulala ako at nakatitig sa kawalan nandito ako ngayon sa studio, malaki na rin ang aking tiyan. Mamaya dadaan ako sa clinic, schedule ng check - up namin ni baby, naisip ko, siguro binobola lang ako ni Aquil, nalungkot ako, kung bakit nagtiwala ulit ako sa kanya, okay naman ako noong wala siya, ngunit noong nag pakita siya sa akin at nangako na pakakasalan niya ako, hindi na siya nawala sa aking isipan, Lagi nalang akong wala sa ulira't. Namumbalik ako sa aking katinuan nang may biglang nag salita sa aking likuran.
" Hindi na babalik iyon kalimutan mo na siya." ani ni sis Geo
lumingon ako at ngumiti sa kanya, sabay punas sa luhang lumandas sa aking pisngi.
" Wala na po iyon, sa pag kakataong ito hinding hindi na ako mag titiwala sa kanya." sambit ko sa kanya
" Sis sa guwapo noon hindi ako naniniwalang mahal ko noon,. kaya payong kaibigan sis, kalimutan mo na siya sa ngayon ang baby ang mas mahalaga, baka mapaano ang mga baby, kung lage kang ganyan.
Hindi na ako umimik pa, tumango na lamang ako iniiwasan ko na rin mag salita baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili at mapahagulhol pa ako. Ilang sandali pa ay tumayo na rin ako, oras na rin para mag ayos ng aking sarili, tama si sis Geo kakalimutan ko na ang taong iyon, marami akong dapat pag kaabalahan, sa halip na isipin siya ibinaling ko nalang ang aking panahon sa maraming bagay na kahit papaanu ay naiwawaglit ko siya sa aking isipan.
Minsan doon namamalagi si sis Geo at sis Wendel sa aking tinutuluyan, subra silang nag alala sa akin at baka ma paano daw ako.
Ngunit sa pag kakataong ito, sinisigurado ko sa kanila na ok na ako, kakalimutan ko na siya at hinding hindi ko na siya iisipin. Nag paalam na ako kay sis Geo at sis Wendel at sa mga kasama ko. Mag papacheck up ako ngayon, pero bago ako pumuntang clinic dumaan muna ako sa condo, iniwan ko muna mga gamit ko, at kinuha ang record ng baby. Palabas na sana ako ng condo,nang napansin ko na umiilaw ang cellphone ko, ito yong luma kung cellphone, sa anim na buwan mahigit ko na pamamalagi dito sa condo, saglit ko lang ito nahawakan ginagamit ko lang kasi ito pag tatawag ako kay nanay at tatay. May binigay kasi na cellphone si sis Geo sa akin at simula noon iyon na ang ginagamit ko.
Nakita ko na maraming minsahe ang dumating at maraming ding tawag na hindi ko nasagot, mga unknown na numero hindi sila registered number. sinubukan kung basahin ang isa sa mga text, natakot at nanindig ang aking balahibo sa aking nabasa.
Unregistered number : "Gusto ko lang malaman mo na tuloy ang kasal namin, lubayan mo na siya ikakasal na kami malandi ka!!. Wag lang mag cross ang landas natin kung ayaw mong ililibing kita ng buhay!!. mang aagaw!!!!"
ilan lamang iyon sa mga mensahe na natanggap ko galing sa hindi ko kilalang numero. Natakot ako sa aking nabasa, kahit hindi siya nagpakilala sa kanyang mensahe alam ko sa aking isipin na si Guin iyon, may pag babanta ang kanyang minsahe sa akin, sa takot na baka mawala si Aquil sa kanya. May ilang pang hindi ko kilalang numero na nag abot ng minsahe sa akin. Ngunit hindi ko na iyon binasa sa halip pinatay ko nalang ang aking lumang telepono.
Palabas na ako ng building nang may napansin ako na kanina pa sumusunod sa akin, pag labas ko kanina sa kuarto nakita ko siya hangang sa elevator nakasabay ko siya at ngayon parehas kami ng pupuntahan, pupunta din kaya siyang klinic? tanong ko sa aking isipan.
Huminto muna ako sandali sa may guard house, hinanap ko ang aking telepono sa aking bag at agad ko tinawagan si sis Geo, sinabi ko sa kanya na ganoon ang napapansin ko. Wala pang biyente minutos dumating ang dalawang bakla, si sis Geo at sis Wendel. Malapit lang kasi ang studio dito sa condo kaya mabilis lang sila nakarating, agad naman nilang kinausap ang guardiya. Sa palagay ko iyong tungkol sa nangyari ang ipinakiusap nila sa guwardiya.
Nakampanti naman ako sa kanilang ginawa, sinamahan na rin nila ako sa clinic. Wala naman problema sa pinag bubuntis ko parehas naman daw kaming healthy ng mga baby, pag katapos ay hinatid na muna ako ng mga kaibigan kong bakla sa condo, agad naman silang lumisan dahil marami pa silang gagawain sa studio.
Wala naman akong gagawin, nasa loob lang ako ng condo, naka double lock ang punto ng unit na tinutuluyan ko, sa takot na baka mapasokan pa ako ng mga masasamang loob. Kinuha ko ang aking telepono na kanina ko pa pinatay para matawagan ko sila nanay at tatay, kumusta na kaya sila, matagal tagal ko din silang hindi nakausap, tatawagan ko na sana sila nang may biglang tumawag at aksidente ko itong nasagot.
"Hello! Bree. ani ni kausap ko sa kabilang linya.
"H hello! nauutal kung sagot.
" Bree ako ito! Nag aalala ako sa inyo, kumusta ka na? si baby? ilang beses kung tinawagan ang numerong iyong ibinigay, ngunit hindi ka sumasagot, marami akong text at tawag sayo, ni isa hindi mo nireplayan o sinasagot." ani ni Aquil.
" Ss sorry!" iyan lamang ang aking nasambit sa kanya, naalala ko ang lumang numero pala ang aking naibigay sa kanya, kaya hindi ko napapansin o namamalayan na kumukuntak siya sa akin.
"B buntis si Guin. Dahilan kung bakit hindi ako makaluwas ng Maynila. Bree I'm sorry! Tuloy ang kasal namin ni Guin,. Bree pangako babalikan ko kayo ng anak natin. mahabang litanya ni Aquil.
" O okay lang kami ng baby, wag mo na kaming alalahanin ang mahalaga ang kayo ni Guin ang baby ninyo, tanggap ko naman kung anu ang naging desisyon mo, kaya namin ni baby kaya kong mag isa. Malungkot na wika ko sa kanya ngunit hindi ko na lamang pinapahalata, ayaw kung malaman niya na subra akong nasaktan sa kanyang sinabi.
"Babalikan ko kayo, pangako! please! wag mo akong kalimutan, kayo ang gusto ko makasama, ikaw ang mahal ko at sigurado ako sa aking nararamdaman para sa iyo, hindi ako makakaluwas ng Maynila dahil pinagbantaan nila ang buhay mo at ng baby. Patawarin mo ako kung hindi ko tinupad ang sinabi ko na babalikan kita at ikaw ang ihaharap ko sa altar. Bree gagawin ko to para sa kaligtasan ninyo ni baby. Kapag nanganak na si Guin mag papa DNA test kami, sigurado ako hindi ako ang ama ng dinadala niya Bree, pinaako lang niya sa akin kasi alam niya na ikaw ang laman ng aking puso' t isipan"". mahabang paliwanag ni Aquil.
" S ssalamat, ngunit hindi ko maipapangako na maantay kita, gawin mo kung anu ang tama, kung tayo naman talaga para sa isa't isa, mag tatagpo at pagtatagpuin tayo ng tadhana, sa ngayon Aquil, ipapaubaya na kita sa kanya. Pigil ang aking hininga habang nag sasalita, dahil ayaw kung mahalata niya na subra akong nasaktan at nanlumo sa mga nangyayari. Pagkatapos pinatay ko na kaagad ang akong telepono. Doon ko na binuhos ang kanina ko pang pinigilan na luha at napahagulhol ako, ilang saglit lang naalala ko na buntis pala ako may dalawang buhay pala akong inaalagaan at iniingatan sa aking sinapupunan, inayos ko ang aking sarili, tumayo ako at uminom ng tubig sa kusina, huminga ako ng malalim. Nakalimutan ko na ang mga magulang ko, sila dapat ang kakausapin ko kanina. Kinuha ko ang aking lumang telepono at nakita ko napakaraming mensahe na pumapasok. binalewala ko na lamang iyon, dinial ko na lamang ang numero ng aking mga magulang.
Tuwang tuwa sila nanay at tatay sa pag lago ng kanilang negosyo, masaya ako sa tagumpay ng aking mga magulang, sa pag sisipag nila nakakuha kami ng limang tauhan, dati isa lang ngayon lima na sila, dalawa ang kasama ni tatay sa taniman, isa ang kasama ni nanay sa bahay, at dalawang tauhan naman sa palengke, sa mga susunod na mga linggo luluwas si tatay at ang dalawa niyang tauhan para makapag deliver ng mga gulay at prutas particular na sa mga karatig na probinsiya. May sarili na rin kasing service si nanay at tatay, natupad na lahat ng pangarap ko sa aking mga magulang, ngunit hindi pa nila alam ang aking kalagayan, kailangan ko na siguro ipaalam sa kanila sa lalong madaling panahon.
Kabuwanan ko na subrang laki na ng aking tiyan, sabi ng doctor kaya ko naman daw i normal delivery ito, kakayanin ko para sa mga anak ko, may kinuha na rin si sis Geo para makasama ko dito sa condo, nitong mga nakaraan lage silang busy bukod kasi sa tuloy tuloy ang pag taas ng sales sa market, marami rin mga investors na gustong mag invest sa company nila. Ang yaman na talaga ng mga bakla.Isang buwan na rin akong naka leave sa trabaho, sabi ni sis Geo baka mapaanak pa ako ng wala sa oras, kaya pinatigil na ako sa trabaho at kumuha ng makakasama ko sa condo.
Napakaswerte ko sa kanila, may mga ginintuang puso ang mga baklang iyon. Maya maya pa ay bigla na lamang sumakit ang aking balakang kasama na ang aking tiyan, ilang sandali pa naramdaman ko na parang may pumutok sa aking puwerta. Agad ko namang tinawag si ate Minda na kasama ko sa condo,.Tinawagan niya kaagad ang driver nila sis Geo upang maihatid ako sa hospital kung saan ako manganganak. Pag dating namin sa hospital tinawag agad ni ate Minda si doc. Sy ang doctor na mag papaanak sa akin, dinala na agad ako sa delivery room, pag dating sa delivery room, may mga test pa na ginawa si doc. Sy, napag alaman ko rin na, maliit ang sipit sipitan ko, kaya hindi ko kayang i normal ang bata, naubusan na daw kasi ako ng panubigan, kaya nag pasya na si doc Sy na CS ang gagawin para mailabas ang babies sa madaling panahon. Agad naman nila akong inasikaso at dinalada na agad sa operating room.
Doon kinabahan ako ngunit kaya ko ito para sa mga baby ko. Ilang sandali pa para akong hihimatayin may tinusok ang doctor sa aking likuran,.nakahiga lamang ako na para bang manhid ang katawan, siguro dahil ito sa tinurok sa akin ng mga doctor kanina, gising ako ngunit hindi ko nararamdaman ang kanilang ginawa, nakikita ko sa salamin ng ilaw sa itaas ang mga nangyayari, tumutulo ang aking mga luha, siguro dahil sa tuwa na mag kakaroon na ako ng baby, kakayanin ko ang lahat para sa kanila. Ilang sandali pa, may narinig akong iyak ng baby, unang baby pa lamang Kier at Kelly ang pangalan nila at alam na ng doctor iyon, pitong buwan pa lang kasi ang tiyan ko alam ko na babae at lalaki ang kanilang kasarian. Iyon naibigay ko na kaagad kay doc. ang mga pangalan nila. Nakalabas na ang pangalawang baby, hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.