Warning: Expect grammatical errors, spelling ang typos.
READ AT YOUR OWN RISK!
Biggete's POV
"Aray! ang sakit ng ulo ko!" sambit ko sa aking sarili habang sapo ko ang aking ulo. Hindi naman ako uminom kagabi, nakikikain lang ako. Kagabi nag paparty ang grupo ni sir Geo dahil tumaas daw ang sales nila. Noong mga nakaraang linggo, parang lage aking naduduwal, ngunit isinantabi ko iyon, hindi naman kasi mahalaga iyon baka kako umataki lang ang ulcer ko, samantalang kagabi, hindi ko talaga napigilan, parang mas nauna pa akong nalasing sa kanila,.
Pagkagising ko ngayon ito nanaman, maduduwal nanaman ako.Nakaisip ako ng plano, pagkatapos ng pictorial mamaya mag papaalam muna ako kay sir Geo na dadaan muna ako sa clinic malapit dito sa condo niya, para malaman ko kung anong meron.
Nagtatanong na may halong pag tataka ang ibang mga modelo ni sir Geo, tumaba daw ako, kay bilis naman mag tatatlong buwan pa lamang ako dito sa Manila, hindi naman ako nag kakakain, pero tumaba ako, kaya kailangan ko magpa konsulta sa doctor para malaman ko kung anong meron.
Pagkatapos ng pictorial hindi muna ako umuwi sa condo,hindi na rin ako sumabay sa mga modelo, lalo na sa grupo ni sir Geo, dumiretso na ako sa clinic, doon napag alaman ko na 9 weeks na pala akong buntis, at nabanggit din ng doctor na may dalawa siyang nadetect na heartbeat ng baby, sa pag kakaintindi ko sa sinabi ng doctor twins daw ito kaya kailangan ang dobleng pag iingat, naalala ko ang pam bababoy ni Aquil sa akin, ilang beses niyang pinadama sa akin ang mainit na likido sa aking sinapupunan. Nanlalamig ako at naninigas sa aking kinatatayuan, hindi ko na namalayan na lumandas na pala ang mainit na luha sa aking pisngi. Kakaumpisa ko pa lang, mag tatatlong buwan pa lang ako sa pagiging modelo, ngunit heto ako ngayon, hindi ko alam kung matutuwa ako o kaya magagalit, pero ang alam ko walang kinalaman ang mga bata sa aking sinapupunan, napag pasyahan ko na itutuloy ko ito bubuhayin ko ang baby at palalakihin ng maayos at tama, mamaya pag dating sa condo, pupuntahan ko si sir Geo, ipapaalam ko sa kanya na buntis ako, at kung kailangan na umalis ako sa pag kamodelo ay aalis ako, babayaran ko na lamang sila sa natitirang buwan, dahil sa hindi ko matatapos ang kontrata.
Nasa tapat na ako ng silid ni Geo, nag doorbell muna ako, ilang sandali lang may nagbukas na ng pinto at si Geo iyon,. pinapasok niya ako sa loob ng kanyang silid, nandito din pala si sis Wendel, hindi na ako nag paligoy ligoy pa, sinabi ko na sa kanila ng diretsahan ang aking pakay sa kanila, ang buong akala ko ay magagalit sila sa akin, ngunit laking gulat ko dahil natuwa pa sila sa aking ibinalita sa kanila.
"Perfect sis, may mga bagong ilalabas na designs at para ito sa mga buntis, maternity dress naman ang tawag dito sis., kaya hindi na kami mahihirapan na maghanap ng ibang modelo, sa susunod na buwan na ang labas nito." Ani ni sis Geo
"ikaw talaga ang lucky charm ng mga bakletas sis. hindi mo na kami pinahirapan ang bait mo talaga,." Ani naman ni sis wendel na may kasamang pilantik sa mga daliri.
" Anyway sis hindi pa naman masyado halata ang iyong tiyan, may mga damit pa tayong ilalabas, at ikaw pa rin ang magdadala ng mga ito." ani ni Geo.
"Talaga sis h hindi niyo po ako paaalisin? nauutal at Nakangising tanung ko sa kanila.
"at bakit ka naman namin paalisin aber! perfect ang mga nangyayari sayo ngayon sis, umaayon ang lahat sa tema ng bagong designs na ilalabas sa susunod na buwan. mahabang paliwanag ni sis Wendel.
" Sis curious lang ako, sinu ang ama niyang dinadala mo? wala ka namang nabanggit sa amin na lalaki, na may boyfriend ka,." tanung ni sis Geo
" Oo nga sis sinu nga ba ang ama niyan?" tanung naman ni sis Wendel.
Nakaismid ako at nagbabadyang lumandas ang luha sa aking mga mata, nang hindi ko na mapigilan ay humagulhol na ako. Nilapitan ako ni sis Geo at niyakap ng mahigpit, sumunod na rin si sis Wendel pinapakalma nila ako.
" Don' t worry we are here, kami ang tatayong father ng baby mo, hindi ka namin pababayaan hanggat nandito ka sa puder namin sagot ka namin." wika ni sis Geo.
"Thank you sis, hindi ninyo ako itinuring na ibang tao kahit pangit ako at hindi kaaya aya ang aking hitsura, tinanggap niyo ako ng buong buo, at lalong hindi niyo ako ikinahiya. Sa inyo lang ako nakaramdam ng totoong pag mamahal ng isang kaibagan.. Mahal ko kayo sis". madamdaming sambit ko sa kanila.
"Hmm anu ka ba bawal mastress kapag buntis baka mapaano si baby. Wika ni Geo.
"Kakalimutan ko na nakatagpo ako ng isang lalaki na kahit kailan hindi matatanggap ang aking hitsura sis, kaya kahit anung mangyari hindi ko ipapakilala sa kanya ang mga anak ko." Malungkot na wika ko sa kanila.
" What? you mean hindi lang isa?" nakangiting wika ni sis Geo.
"Yes sis they are twins.nakangiting saad ko naman.
"Ayyy bongga sis, appir tayo jan.. excited na wika ni sis Wendel naman.
" Wag kang mag alala, nandito kami, wag lang mag tagpu ang landas ninyo ng lalaking iyon, kahit mga bakla kami lalaki pa kami sa lahat ng lalaki. Ani ni sis Geo.
Hummm akala ko hangang dito nalang ang pagiging modelo ko, hindi ko akalain na mag tuloy tuloy ito, napakabuti talaga ng panginoon sa akin, ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako matangap tanggap sa probinsiya, ang daming kumpanya ang tumanggi sa akin dahil sa hindi kanais nais ko na hitsura, ngunit ito ako ngayon, isa sa pinakasikat na modelo ng mga branded na damit sa loob at sa labas ng bansa, madami na rin akong schedule sa runway ngayong buwan na ito,ang sabi ni Geo maliit pa naman ang aking tiyan at hindi pa halata, kaya pa raw irampa ito. May mga ipapa cansel sana siyang schedule namin, ngunit hindi ako pumayag, nag pumilit ako na kaya ko,. Ito na nga siguro ang kapalaran ko, hindi ko na matatanggihan ito. Pag katapos ng kaliwat kanan na schedule namin sa iba't ibang bansa, medyo maluwag na rin ang schedule ko, pinabawasan na rin ni sis Geo ang gagawin ko para hindi ako mastress at baka anu pang mangyayari sa amin ng baby. Apat na buwan na ngayon ang tiyan ko, Katatapos lang din namin mag tour sa iba't ibang bansa para ipromote ang mga products namin, at para dumalo ng mga guesting.
Sa susunod na linggo naman ilalabas ang mga maternity dress na sinasabi ni Geo.
Bukas naman schedule ko sa pag papa konsulta sa doctor para macheck kong healthy ba ang mga babies, nagpresenta na rin sina sis Geo at sis Wendel na sasamahan nila ako sa lahat ng lakad ko, lalo na sa pag papakonsulta, kapag may libreng oras sila,iyan ang ipinangako nila sa akin, sila kasi talaga ang pinakaclose sa akin simula noong nakarating ako dito, walo yan silang magkakabarkada, iyong iba ay nasa ibang bansa, yung iba naman nasa Visayas,at Mayroon din sa Mindanao si Geo lang at si Wendel ang na assign dito, noong fashion show nandito ang lahat ng tropa ng mga kabaklaan,.Parehas ang guguwapo nila, ang kikisig nga ng pangagatawan, halatang alaga sa gym at suki din sa gym. Si sis Wendel ang isa sa nag mamay ari ng Gym dito sa Manila, nag expand nga ito noong nakaraang linggo, sa Mindoro at Neuva Ecija. Makikita mo sa mga billboards ang kikisig ng katawan ng mga models nila, pero mga shukets daw pala. Natatawang sabi ni sis Wendel. Si sis Geo naman isa pala siyang anak ng bilyonaryo, ngunit ayaw niya sa kumpanya nila kasi hindi daw niya gusto ito hindi siya masaya dito, kaya nga, nagtayo siya ng sarili niyang business na gusto niya. Mayroon siyang mga Salon dito sa Pilipinas, Mayroon na siyang branch sa Visayas at Mindanao mas marami naman dito sa Maynila..
Hindi mo akalain na ang yayaman ng mga baklang ito, ang sisimple kasi ng buhay nila, biruin mo, isang sasakyan lamang ang meron sila, pero kung susumahin mo, kaya nilang bumili ng dose dosenang kotse kung tutuosin. Ngunit hindi sila ang tipo ng tao na sunod sa kanilang mga luho, sila ang mga tipo ng mga tao na may malaki at malawak na pang uunawa. Napakarami na nilang natulongan, ang mga empleyado nila ay may kanya kanyang kwento.Si Rose isa sa mga modelo nila, bago ito naging modelo ay isa daw itong takatak girl, nag lalako ng mga sigarilyo,sumasampa sa mga bus para makabenta ng paninda, nadaanan lang daw nila ito sa tulay noon, nag lalakad may dalang paninda. Napakaganda naman kasi ni Rose ang nipis din ng kanyang katawan,kaya inalok nila ito para maging isa sa mga talent nila. Si Barbie she was only 10 years old daw, namamasura daw ito noong nakita nila, inalok nila ito at pumayag naman ang bata, dahil minor de edad pa ito kaya personal nilang pinag paalam ito sa mga magulang ni Barbie, mag tatatlong taon na ito sa modeling. Napakarami pa nilang mga talent may kanya kanyang estorya, kaya naman sa lahat ng mga taong nakilala ko sila ang mas may malambot na puso, isa na rin ako sa halimbawa, noon akala ko imposible na matanggap ako dito, tingnan mo ba naman ang hitsura ko,ngunit nagkamali ako ng inakala dahil possible pala na mangyari ito, baguhan lang ako dito tingnan mo naman, ako ang isa sa pinalamalaki ang kita sa lahat ng talents, naipagawa ko na ang bahay namin at iyong barong barong ni nanay at tatay doon sa bukid. Mayroon na rin silang pwesto sa harap ng bahay, kung saan doon nila nilalatag ang kanilang mga gulay, mayroon din sila sa palengke, binilhan ko rin kasi sila ng pwesto sa palengke, doon may kinuha si nanay at tatay ng mag babantay doon, sila naman nasa bahay. Balak ko din silang bilhan ng service sa susunod na sahod ko, kahit 2nd hand lang ang importante maayos pa at kayang kaya pang service papunta sa palengke para mag hatid ng gulay na paninda.
Unti unti ko nang natupad ang pangarap ko kay nanay at tatay, kung bakit ang bilis naman,magtatatlong buwan pa lang ako namangha ako at nag tatanong sa aking sarili. May nabanggit si sis Geo at sis Wendel sa akin noong nakaraan, may bagong lipat daw sa kabilang unit, nagtitilian pa silang dalawa dahil sa goddess daw ito sa kaguwapuhan,. talaga naman itong mga bakla kong boss, minsan ko lamang sila narinig na may pinag uusapan na lalaki, pero kakaiba itong ngayon, kung makatili kasi wagas ang dalawa nag aagawan pa, napapatawa nalang din ako sa kanilang mga hitsura,.Ang guguwapo pa naman ngunit kung makatili naman dinaig pa ang mga tunay na babae.