Aquil's POV
Nanlumo ako, nang nalaman ko na wala na sa kanila si Bree, sabi ng mga magulang niya umalis ito at sa Manila na daw ito mag tatrabaho, iyon lang ang sinabi nila sa akin, hindi na rin ako nag usisa sa kanila, hindi ko alam kung saan banda sa Manila ko siya hahanapin, nagpatulong ako sa kakilala kong investigator, magaling siya pag dating sa pag iimbestiga, ipapahanap ko sa kanya si Bree sa Maynila, kailangan mahanap ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nakakaramdam ako ng pananabik sa kanya. Kinausap ko si kuya Arthur, baka alam niya kung saan banda sa Manila si Bree o kaya kung nag text sa kanya ang dalaga. Ngunit bigo ako, isang linggo na daw silang hindi nag usap ni Bree at lalong wala siyang numero ni Bree.
Maya't maya mino monetor ko ang aking hinire na investigator sa Manila, hindi pa daw niya ito mahanap, nanghihingi siya ng picture sa akin ni Bree ngunit wala akong naibigay, hindi ko rin kabisado ang buong pangalan niya, kaya impossible na mahanap niya ito.
Pangatlong linggo na ngayon simula noong umalis si Bree, lage akong nasa beerhouse nag iinom, nag lalasing sinubsob ko ang aking sarili sa alak, bakit kung kailan mahal ko na siya tsaka pa siya nawala sa paningin ko, mahihirapan akong hanapin siya dahil wala akong kumpletong impormasyon. Umuwi akong lasing na lasing sa mansiyon, naabutan ko si kuya Arthur sa sala.
" ohhh anung ginagawa ng magaling kong kuya dito? tanung ko kay kuya Arthur.
"Aquil kailan ka pa nagka ganito? Ang sabi ni manang Martha, gabi gabi ka daw lasing. Ano ba ang problema mo?"
" Kuya iuwi mo dito si Briggete,." umiiyak na sambit ko kay kuya Arthur, kita ko naman ang pagka gulat sa kanyang mukha.
" B bakit si Bree? nauutal na tanong ni kuya sa akin.
" Kuya alam kung mahirap paniwalaan, pero mahal ko na siya, ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko, alam kung marami akong kasalanan sa kanya, palagi ko siyang ni lalait, iyon lang kasi ang paraan para mapansin niya ako, simula noong mga bata pa lang tayo, ayaw ko mapahiya sa mga barkada ko, at pagtatawanan ako, pag nalaman nila noon na may lihim akong pag tingin sa kanya,.Please kuya help me!" umiiyak na wika ko kay kuya.
"Lasing ka lang kaya mo siguro nasabi iyan, bukas nalang tayo mag usap, ayusin mo ang sarili mo, you look wasted Aquil". Sambit ni kuya na akay akay ako ngayon papunta sa aking silid.
Kinabukasan heto nanaman ako, masakit ang aking ulo, dalawang buwan na akong ganito, ni hindi ko mahanap ang mahal ko, bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha sana ng malamig na tubig,.Naabutan ko naman doon si kuya Arthur na nag aalmusal, pinaupo niya ako at pinakain, may pag uusapan daw kaming mahalaga. Nag tataka naman ako ngayon lang ganito si kuya sa akin. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon, basta tuloy tuloy lang ang kanyang subo , ganoon din naman ako kumain na rin ako dahil ilang araw na rin akong hindi kumakain puro nalang alak ang laman ng aking tiyan.
Pag katapos namin kumain sinundan ko si kuya sa sala at may hawak siyang magazine at binuksan ang tv, fashion show ang palabas at live ito, inabot din niya sa akin ang magazine na hawak niya, naka sealed pa ito at nabalutan pa ng plastic.
"Anu ang gagawin ko dito kuya? Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganito." seryosong wika ko kay kuya Arthur.
" Kailangan mo nang matutunang mag basa ng magazine Aquil, baka nanjan ang lahat ng sagot sa iyong katanungan at mahanap ang matagal mo nang hinahanap." Seryosong wika naman ni kuya,.
Binagsak ko lang ito sa table at umupo ako sa upuan, nakatutok ako sa tv na pinapanuod ni kuya na fashion show, napabalikwas ako at biglang napatayo nang nakita ko ang katawan ng babaeng lihim kong hinahangaan, simula noon hanggang ngayon.
"Bree? sambit ko sa aking isipan.
Lumingon si kuya sa akin, at sabay tingin sa magazine. Kinuha ko ang magazine at binuklat ko ito, mga bagong damit na katawan lang ng babae ang kuha, at may ilan na naka side view. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang katawan ni Bree siya ito.
" Sinipat ko si kuya Arthur. Did you know? tanong ko sa kanya.
" I have a gay friend isa sa mga shareholder ng modeling company na pinapasukan ni Bree, ininvite niya ako noon sa party, nakita ko siya sa party noon, pero hindi ko siya nilapitan dahil may kausap siyang dalawang lalaki, ngunit tinanong ko ang aking kaibigang bakla kung sinu sino sila, si Bree ang isa sa mga modelo nila, si Geo Paje ang nag recruit kay Bree at nag sundo sa kanya dito kasama si Wendel, mga bakla din sila at isa din sa mga shareholder ng company." mahabang paliwanag ni kuya Arthur.
Nabuhayan ako sa aking narinig kay kuya, nakikita ko rin siya sa tv ibang iba na siya ngayon at sobrang nakakamangha ang kanyang ganda, kahit naman noon gandang ganda na ako sa kanya, kaya ko lamang natatawag siyang monster kasi akala ko hindi ako mahuhumaling sa kanya, at dahil na rin sa mga kaibigan ko, natatakot ako na baka pag tawanan nila ako.
"Tiningnan ko si kuya, nakatingin din ito sa akin, kuya mahal ko na si Bree. mahinang sambit ko.
"Aquil! mag paparaya ako sa ngayon, alam mo na mahal ko din si Bree, ipapaubaya ko na siya sayo, ipangako mo na aalagaan mo siya,mahalin at wag na wag mong sasaktan, dahil kapag nalaman ko na sinaktan mo siya babawiin ko siya sayo at hinding hindi ko siya ibabalik kahit lulubod ka pa sa harapan ko." seryosong wika ni kuya Arthur.
Niyakap ko si kuya Arthur at nag labas na rin ng luha ng kasiyahan.
"Maraming salamat kuya," sabay tapik sa balikat.
" Mayroon silang tour sa iba't ibang bansa para ipromote ang mga bagong products na ilalabas sa susunod na buwan, may fashion show din sila at si Bree ang nangunguna sa lahat ng modelo kaya isa siya sa sa mga kasama sa tour.
Nag pasalamat ako kay kuya Arthur, ilang saglit pa ay nag paalam na rin si kuya Arthur, bago pa man siya makalabas ng gate huminto ito saglit at may paalala sa akin.
" You look wasted bro. ayusin mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa kanya, nakakahiya kapag humarap kang ganyan sa kanya. Ani ni kuya.
Tumango ako at ngumiti na lamang din sa kanya. Maya maya pa ay tinawagan ko na ang hinire ko na investigator at pinahanap ang address ni Geo Paje. Kinabukasan tumawag sa akin ang aking investigator na nasa Makati ito nakatira at binigay na rin niya ang kumpletong address kung saan ito nakatira, sa ngayon nasa ibang bansa pa daw sila, sa mga susunod na linggo pa daw ang balik nila dito sa Pilipinas, tamang tama makakapaghanda ako ayusin ko ang akin sarili para maayos akong haharap sa kanya pag nagkita na kami. Miss ko na siya kung magkikita kami, magtatapat na ako sa aking nararamdaman sa kanya, alam kung mahirap paniwalaan dahil ang alam niya wala akong gusto sa kanya, at ang alam niya puro panlalait lang ang alam kong gawin sa kanya.
Kailangan ko nang lumuwas ngayon sa Manila bukas na ang dating nila galing sa ibang bansa. luluwas akong Manila ngayon nag pabili na rin ako ng condo sa aking kaibigan kung saan nakatira si Bree at si Geo, ang sabi kasi ni Rey yung hinire kong investigator na kaibigan ko rin, nasa anim na palapag daw si Bree at si Geo naman nasa unang palapag, kay Geo daw iyong condo na tinitirhan ni Bree, kaya nag pabili na rin ako iyong malapit sa room ni Bree. Sinuwerte naman ako dahil may bakante naman doon mismo sa pang anim na palapag.
Nasa biyahe na ako papuntang Manila labin dalawang oras din ang biyahe, kararating ko lang dito sa Manila diretso na ako sa Makati sa condo mismo, nag aantay na dun ang aking kaibigan na si Rey, pag dating ko sa condo nasa baba si Rey nag aabang, pagka park ko ng aking sasakyan sa parking lot, bumaba na ako at sinalubong naman ako ni Rey. Dumiretso na kami sa pang anim na palapag, tinuro naman ni Rey kung anong room # ang kay Bree at iyon ang room 143, at ang sa akin naman ay room 144 talagang mag katabi lang kami ng room, sinadya ko talaga ito para mapalapit kay Bree, at sisiguraduhin ko na hinding hindi na siya makawala pa sa akin.
Kinabukasan maaga akong nagising, Nag babakasakali na nakarating na sila, naligo muna ako nag pabango, inayos ko muna ang aking sarili para maayos ako pag kaharap ko na siya. Ilang sandali pa nakalabas na ako ng pintuan nang nakita ko na may dalawang lalaki na nasa tapat ng kuarto ni Bree,.
" Aiiiiii bakla may guwapong bagong lipat dito. Ang swerte naman natin, goods na goods ang morning nating shukla." Banggit ng isang bakla.
baka ito na iyong mga baklang sinasbi ni kuya Arthur na Geo at Wendel nakiramdam lang ako sa kanila, habang sila naman ay todo kilig, inaantay ko kung kailan lalabas ang babae sa loob.
"Pogi may inaabangan ka ba? tanong ng isa na namang bakla.
" Ahh W wala." nauutal na sagot ko sabay tumalikod pababa ng building,.Narinig ko pa silang nag tatawanan at nag titilian, gusto ko na siyang makita ngunit umaatras ang aking mga paa. Wala akong lakas na loob upang harapin siya, lalo na ngayon abot kamay ko na siya.
Sa susunod na pag kakataon na lamang, marami pa naman pag kakataon, natatakot ako baka maunahan ako ng iba. Huminga ako ng malalim upang mailabas ang inis sa aking sarili..
Paanu ko kaya siya kakausapin paanu ako haharap sa kanya, paanu ko ipag tatapat ang nararamdaman ko sa kanya kung gayo'y umaatras ako sa tuwing may pag kakataon na kakausapin siya. Nasa coffee shop ako at napasabunot sa aking buhok,.Bumalik ako sa aking ulirat nang dumating ang inorder kong kape.
" Here is your coffee sir. enjoy po. ani ng isang empleyado dito mediyo bata pa ito.
Uminom ako ng kape, tinawagan ko na rin ang aking kaibigang si Rey dahil gusto ko ng makausap ngayon, wala pang trenta minutos ay dumating na siya. Naikwento ko sa kanya ang nangyari kanina, na sinayang ko ang pag kakataon makita at makausap ko na sana siya. Ayaw kung dumating ang pagkakataon na baka masayang lahat ng effort ko, kaya ako nandito para sa kanya, iniwan ko ang mansiyon para puntahan siya at maibalik siya sa mansiyon, gusto ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, na mahal ko siya at hindi na mag babago iyon. Nagsisisi ako na nag propose ako kay Guin, doon ko narealise na hindi pala talaga siya ang mahal ko, iba ang gusto mo lang sa mahal mo na. Pag naibalik ko na si Bree sa mansiyon tsaka na ako makikipag hiwalay kay Guin, at babawiin ko ang proposal ko sa kanya..
Alam ko ang pag kakamali ko, pero wala na akong pakialam basta makuha ko lang si Bree at maibalik siya sa mansiyon. Noong nakaraang araw dumaan ako sa kanila nakita ko na maayos na ang bahay nila, may hangang second floor na at malawak rin ang harap nila, galing iyon sa pag susumikap ni Bree. Alam kong hindi niya pa ginamit ang pamana ni lola sa kanya dahil hindi ganoong klaseng tao si Bree, at noong nagkita kami ni Atty. sabi niya hindi pa daw ulit sila nagkita ni Bree. Kahit noong mga bata pa kami, hindi siya iyong tipong umaasa sa iba, hindi din siya iyong tipo na mahilig mang utos sa iba sa halip siya mismo ang gagawa noon. Kaya ko siya nagustuhan kahit noong mga bata pa lang kami.,