Kinabukasan maaga akong nagising, I don' t even check the time. Basta ang alam ko ayaw kong inaantay ako ni sis Geo. Katatapos ko lang maligo, unang araw ko pa lang dito sa Manila tinatamad na ako, nitong mga nakaraan masiyado akong aligaga,parang may something strange happen inside my body, pero hindi ko maintindihan kung anu ito, palage akong gutom, siguro lage din ako nalilipasan ng gutom noong mga nakaraang araw, nanghihina ako at isa pa parang lagi akong lutang, minsan para akong nahihilo, ngunit, nilalabanan ko iyon.
Nasa biyahe na kami papunta sa studio na sinasabi ni sis Geo, ngayon daw kasi ako pipirma ng kontrata ngayon din daw ako mag uumpisa. Pagkatapos ko pumirma ng kontrata, pinaliwanag na ni Geo sa akin ang lahat, madali lang pala ang gagawin basta sunod lang daw sa sinasabi ng photographer. Pero bago ang photo shoot, dinala muna ako ni Geo na tinatawag na dressing room, doon daw niya ako lalagyan ng kolorete sa mukha. Pagkatapos ng mahigit kuarenta minutos, natapos din niya akong make upan, hinarap niya ako sa salamin, hindi ko pa kasi makita ang mukha ko dahil sabi niya kanina pipikit lang daw ako, hanggat wala siyang hudyat na idilat ko ang mga mata ko, wag daw muna ako dumilat.
Tinapik na niya ako, hudyat iyon na idilat ko na ang aking mga mata, namangha ako sa sobrang ganda,ngumiti ako sa kanya,hindi ako makapaniwala na iba talaga ang magagawa ng make up. Ganito pala ako kaganda pag naayos ang aking hitsura. Ang malapad kung ilong ay natakpan ng make up, tumangos ito, ang aking kilay, ang makapal kong labi, ang labas kong ngipin ay medyo hindi nahalata dahil sa kung anu man ang nilagay ni Geo ay nagpaganda ito sa akin.
" You are so gorgeous. Ohh may God, you see! I told you, pagagandahin kita sa napaka simpleng paraan" wika ni sis Geo na namangha rin sa pag babago ng aking hitsura.
Todo pasasalamat naman ako sa kanya,ilang sandali pa ay may limang pares ng damit silang dinala sa loob ng dressing room, iyon daw ang unang set ng damit ang isusuot ko ngayon sa pictorial, ang gagara ng mga ito, ang mamahal ng presyohan..Natapos namin ang araw na ito, tagumpay ang mga photo shoots, sa susunod na buwan pa raw ang launching ng mga damit na iyon, Hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. May ibang damit na katawan ko lamang ang kinuhanan, may dalawa sa damit na naka side view naman ako, atleast hindi naman kita ang aking mukha. May pagka strickto ang photographer pagdating sa trabaho niya, pero mabait naman siya pag nasa labas kami at hindi trabaho ang pinag uusapan, ang sabi ni Geo, isa din daw si Wendel sa shareholder ng modeling company na ito,yung photographer mag kasis din sila ni Geo.
" Sis may fashion show tayo sa darating na linggo, isa ka sa mga rarampa." ani ni sir Geo. Nagulat naman ako sa narinig ko, pero wala akong nagawa kundi sumali sa training, wala akong ideya kung paanu mag lakad sa runway ngunit susubukan ko. Kasama kasi ito sa pinirmahan ko na kontrata.
Nakauwi na ako sa condong tinutuluyan ko, nakakapagod kahit madali naman ang ginagawa ko,nagugutom ako, gusto ko kumain ng guyabano, pero isinantabi ko iyon, bakit ngayon lang na nadito na ako sa Manila, noon na nasa probinsiya ako hindi ako kumakain noon kahit may tanim si tatay sa aming bakuran, wala akong kahilig hilig sa guyabano, pero natatakam ako, at subrang naaamoy ko siya, binalewala ko iyon, pumunta akong kusina at nagluto nalang ng makakain..
Pagkatapos kung kumain hinugasan ko na rin ang mga pinagkainan ko. Nanood muna ako saglit ng tv, ngunit hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako, naalimpungatan nalang ako nang may nag doorbell sa labas. sinilip ko muna ito, nanlaki ang mga mata ko, si Geo nakabihis na, sinipat ko ang orasan na nakadikit sa dingding 7:30 na pala ng umaga 8:00 ng umaga ang pasok, dali dali naman akong pumasok sa silid para maligo, wala pang limang minuto tapos na ako maligo at mag bibihis na lang, ang bilis ko para akong si the flash.
Mabilis lang din akong nagbihis, pagkatapos lumabas na ako ng silid at dumiretso sa pintuan at binuksan ito, nakita ko ang pag kairita sa mukha ni Geo salubong ang kilay nito at naka pamaywang pa,. Maya maya pa ay nag aya na ito, malelate na daw kasi kami, pangatlong linggo ko na dito sa Manila, hindi naman ako pumalya na kumustahin sila nanay, namimis na ako ng mga magulang ko. naipadala ko na sa kanila ang unang sahod ko, dalawang beses sa isang buwan ko makukuha ang sahod ko. hindi ko akalain na malaki pala ang sasahurin ko dito. Pag katapos ng kontrata ko, uuwi muna ako sa probinsiya kahit isang linggo lang, balak ko na rin na ipaayos ang bahay namin, para may maayos na tulugan si tatay at si nanay, pati iyong barong barong nila sa bukid, lalagyan ko rin sila ng pwesto sa harap ng bahay namin, at pati na rin service nila sa pag deliver ng mga gulay, alam ko doon masaya ang mga magulang ko, kaya sisikapin ko na matupad lahat ng pangarap ko sa kanila.Sa susunod na buwan ipapadala ko ang buong sahod ko sa kanila. nasabi ko na kasi kay nanay na sa susunod na buwan pwede na nilang ipaayos ang bahay ng dahan dahan.
Natapos na naman ang panibagong araw, at madali lang pala rumampa, sanay din kasi ako sa sapatos na may mahabang takong, kaya mabilis kong natutunan kung paanu rumampa.
Tuwang tuwa naman ang mga bakla sa akin dahil madali lang para sa akin ang lahat.
"Sis" sabay apir sa akin, bongga as in bongga," hindi ako nag kakamali na kunin ka,. at isali kita dito, tomorrow is your chance, kung makikita ng mga may ari ng malalaking modeling company ang galing ninyo sa pag rampa, baka mag karoon kayo ng chance na rarampa all around the world." masayang wika ni Geo sa amin.
Kinabukasan ay gumayak na ang lahat, ready na sa pagrampa sa stage,. nakaready na rin ang kanya kanya naming isusuot. Isa isa na silang naglabasan at nag lakad sa stage na pinagawa nila sis Geo. huli akong labas ng stage doon kasi ako pina pwesto ni sis Geo, nakalive daw ito ngayon, sa buong mundo kaya kinakabahan ako, nang ako na ang lumabas naka focus sa akin ang camera, kahit kinakabahan ay isinantabi ko iyon, ngumiti ako sa mga nanunuod pero kunti lang parang nakaismid lang ng kaunti ang aking mga labi.. Kinakabahan ako sa mga manunuod mukha kasi silang may class, kailangan galingan para mabilis ang bentahan, final walk na ito namin lahat, ito na din ang huli namin na isusuot,. may mga tao na nag palakpakan, at manghang mangha kung paanu ako mag lakad sa stage, ang ganda din kasi ng suot ko, kaya hapit na hapit sa aking katawan, mayroong napapa wow at mayroon nag mine..Napa isip tuloy ako doon sa sigaw ng lalaki kung anu o sino ang imamine niya ako ba o ang damit na sinuot ko..
Matagumpay na natapos ang fashion show. " Hi sis! jusko gallor sis ikaw ang punterya ng mga boys na dumalo, biruin mo nag mine." wika ni Wendel
"Sis may kumausap na sa akin, sa isang malaking modeling company sa Middle East jusko sis mag dadalawang buwan ka pa lang to the highest level na ang ganda mo huh, milyones na agad." malanding Wika ni sis Geo na may kasamang pilantik sa daliri.
"Hmmm hindi naman sis, nagkataon lang iyon, kayo talaga" sambit ko.
" Wag ka nang pahumble, basta lucky charm ka sa amin ng mga shukits baklets.Wika naman ni Wendel..
Hindi ko akalain na sa pag kakataong ito, naging maayos ang lahat, nitong mga nakaraang buwan, nabanggit ni sis Geo na tumaas daw ang sales nila, kalalabas lang ng mga damit na ginamit ko, ngunit palung palo daw ito sa market, hindi lang sa Pilipinas pati sa ibang bansa. Kaya nag karoon ng kauntin kasiyahan kahapon.
Ang lahat ay nag saya particular na ang grupo nila sis Geo, kumpleto ang sangkabaklaan ngayon, pati mga nasa ibang bansa nag uwian rin at iyong nasa probinsiya nagsipuntahan rin dahil gusto dumalo sa paparty ni sis Geo at sis Wendel, nakakamangha talaga ang kaguwapuhan ng mga baklang ito, ang babait pa, napag kaalaman ko na sila sila lang pala ang nag mamay ari ng modeling company na pinag tatrabahuan ko..
Ang mga modelo ay nag gagandahan rin, anjan si Rose parang barbie ang mukha, nag iinuman sila, lasing na nga ata ang ibang modelo, ako naman hindi ako uminom, kanina pa kasi sumasama pakiramdam ko, nahihilo ako. Ngunit gusto ko na lamang umuwi at mag pahinga. Nakakahiya man kailangan ko nang mag paalam kay sis Geo at sis Wendel, agad naman nila akong pinayagan. Pag kauwi ko agad naman akong dumiretso sa kama at hindi ko na
namalayang nakatulog na pala ako.