Chater 7

1520 Words
Briggete's POV Nasa kuwarto ako ngayon, iniisip ang mga nangyayari sa akin, mahirap pala makahanap ng trabaho, kailangan pala with pleasing personality. Marami na akong inaapplayan, halos lahat ng gusali dito sa probinsiya naikot ko na. Sa kursong aking natapos kailangan daw presentable, may inalok sa akin ang ibang kumpanya, pero tinanggihan ko iyon. Naalala ko si Aquil pinababalik niya ako sa mansiyon, naguguluhan lang ako kasi kung pababalikin niya ako sa mansiyon, ano naman ang magiging trabaho ko doon? tanong ko sa aking isipan,.Katulong din ba? wala naman masama sa pangangatulong, marangal naman na trabaho iyon, gusto ko lang kasi talaga na gamitin ang napag aralan ko. Pero mukhang malabo na mangyari iyon dahil ngayon pa lang wala nang tumatanggap sa akin, dahil sa hitsura ko. kung tutuusin isa akong instant milyonarya ngayon, dahil sa pamana ng senyora sa akin, tama si Guinevere pwede ko iyon gamitin upang umayos ang hitsura ko. Ngunit hindi iyon kailan man sumagi sa aking isipan, hindi ko pinag hirapan iyon. Kung mag papaayos man ako ng mukha sisiguraduhin ko na galing sa sarili kong bulsa ang igagastos at pampaayos doon. Nakatingin lang ako sa kisame nakatulala nanaman, bigla nalang sumagi sa isipan ko ang calling card na binigay sa akin ng bakla noong nakaraang dalawang linggo, mag iisang buwan na rin, kinuha ko ang aking wallet at tiningnan iyon, naging interesado ako sa aking nabasa, isang sikat na brand ng mga damit at underwares pala ito, ngayon lang nasagi sa isipan ko na tawagan siya, masiyado kasi akong nawili kahahanap ng trabaho noong nakaraan. Kinuha ko ang aking telepono at sinubukang idial ang numero na binigay ni sir Geo sa akin. Nang Nakadalawang ring na tsaka may sumagot na sa kabilang linya. "Hello! May I talk to Geo Paje?" mahinang wika ko sa kabilang linya. " Yeah speaking,! may I know who is this please! may pagkasarkastikong tono ng kanyang katanungan. Nanahimik ako, napapaisip kung itutuloy ko ba o hindi. " Are you still on the line? nasasayang ang oras ko miss marami pa akong tinitrain na mga modelo,. " inis na wika niya sa akin. " Ah tumawag po ako para sabihin sa inyo na tinatanggap ko na po ang inaalok niyo sa akin." mahinang sambit ko sa kabilang linya. " Who is this by the way? Para naman maalala ko kung sinu at saan kita pwedeng sunduin. wika niya sa akin. " iyong pangit po na probinsiyana na nilapitan niyo sa isang sikat na foodchain, doon niyo po inabot sa aking ang calling card ninyo." mahabang litanya ko. Maya maya pa ay nag palagayan na kami ng loob at binigyan niya ako ng schedule kung kailan niya ako susunduin dito mismo sa bahay namin . Sa makalawa ang binigay niya na schedule sa akin, kailangan kung subukan at sumugal, kailangan ko mag paalam kay nanay at tatay, alam kung mahihirapan sila na malayo ako sa kanila, alam kung maiintindihan nila ako. Kinabukasan maaga akong gumising, gusto ko rin sumama sa kanila sa bukid at susulitin ang mga oras na kasama ko sila. Habang nag lalakad kami, nabanggit ko kay nanay ang tungkol sa modeling, hindi agad naniwala si nanay, paanu naman kasi hindi ako pasado sa mga kumpanyang inaapplayan ko na magaganda ang kinukuha, samantalang sa modeling pasado ako. Alam ko naman na ganoon talaga ang magiging reaksiyon ng lahat, pag nalaman ang dahilan ko kung bakit pupunta ako sa Maynila. Kahit masakit sa kanila ang naging pasya ko, pinayagan pa rin nila ako. " Anak malaki ka na, may sarili ka nang desisyon, napakabait mo na bata kailangan mo na rin makihalobilo sa iba. Malambing na sambit ni tatay. Yumakap ako kay tatay at nag pasalamat sa pag mamahal na pinadama nila sa akin. Napakaswerte ko at sila ang naging magulang ko, siguro kung hindi sila ang nanay at tatay ko,malamang tinakwil na ako. Natigil lang ako sa kakaisip ng kung anu ano nang naramdaman ko ang pag vibrate ng aking telepono, unregistered number pero pamilyar ito sa akin, ito iyong tinawagan ko kahapon na numero, si sir Geo. Agad kong sinagot ang kanyang tawag, Mahaba ang napag usapan namin, tungkol sa pag sundo niya sa akin bukas, alas diyas ng umaga niya ako sunduin dito, alam na rin nila nanay na maaga akong sunduin ni sir Geo sa bahay, tumango lamang si nanay, napapansin ko sa may gilid ng mga mata niya ay namumula, tanda iyon na kahit anung oras ay babagsak ang kanyang mga luha. Kararating lang namin sa bahay, dumiretao na ako sa aking silid upang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko bukas, mga importanteng gamit lamang ang aking dadalhin,. Maaga din akong natulog para hindi ako mapuyat, mahaba pa kasi ang biyahe papuntang Manila, hindi na rin muna pumuntang bukid sila nanay. Gusto daw nila makita at makausap si sir Geo. Ilang sandali lamang ay may pumarada na sasakyan sa aming tapat, bumaba roon ang dalawang makikisig na lalaki, isa na roon si Sir Geo, ang guwapo naman ng baklang ito, sambit ng aking isipan. Kinausap muna nila saglit si nanay at tatay, maya maya pa umiyak si nanay na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pinapakalma ko muna si nanay, naiyak na rin ako, pati si tatay. natigil lamang ang moment namin nang may tumikhim sa aming likuran si Geo iyon, tanda na aalis na kami, nag paalam na rin siya kay nanay at tatay. Ang dala ko lamang ay isang bagpack na may lamang importanteng gamit lamang at isang shoulder bag. Habang nasa biyahe kami maraming naikwento si Sir. Geo sa akin, tungkol naman sa magiging trabaho ko, sakto lang daw na tumawag ako sa kanya, nag hahanap daw talaga sila ng modelo na bagay sa mga bagong designs na ilalabas pa lang daw. Nataranta ako at Inaaalala ko ang aking hitsura, na agad naman niya akong pinakalma, kung ayaw ko pa daw mag paayos ng mukha, makukuha naman daw sa make up iyon, pwede daw takpan ng make up ang mga hindi kanais nais na parte ng mukha ko,ayun kay sir Geo. Nakarating na kami sa Manila at dumiretso na kami sa accomodation, kung saan doon ako mananatili hanggang sa matapos ang aking kontrata, anim na buwan daw ang nakasaad sa kontrata, pag magustohan nila ako, pwede daw ako maregular sa kumpanya nila. Ang laki ng kuwarto, sabi ni sir Geo sa kanya daw itong condo, matagal na daw walang nakatira dito, ayun sa kanya nakabili siya ng bagong condo niya kaya hindi na niya nauwian ito. Completo ito sa lahat may kuwarto, banyo, kusina at may malambot na kama, sa kusina may ref at maraming laman ito. Parang napag handaan ni sir Geo ito, kinakabahan ako sa magiging role ko dito sa Manila ngunit kailangan ko mag tiwala sa aking sarili. At pagkatiwalaan ang taong nag hatid sa akin dito, sabi niya maaga niya akong sunduin bukas, nasa unang palapag lang daw ang bago niyang condo, nandito naman ako sa pang anim na palapag. Kailangan ko nang mag pahinga ng maaga ngayong gabi para hindi na mag hintay sa akin si sir Geo, nakakahiya naman kung ako lang ang hihintayin, ayaw kung isipin ni sir na mapag samantala ako. Nagpahinga ako at nag buga ng hangin, masakit ang katawan ko, dahil siguro ito sa haba ng biyahe namin kanina,.Maya maya pa may nag doorbell sa labas, na ikinagulat ko naman dahil wala naman akong inaasahang bisita, at isa pa kararating ko lang, tumayo ako saking pagkahiga, lumabas ako ng kuarto at dumiretso sa pintuan ng condo. Sumilip muna ako bago ko ito buksan, Si Sir Geo kaagad ko naman inunlock ang pintuan at binigyan siya ng malawak na espasyo upang makapasok siya sa loob ng condo. "Good evening sis still awake?" maarteng tanong ni Sir Geo sakin. " Opo sir. matutulog na rin ako maya maya. " ani ko naman sa kanya. " By the way sis, here are some of may may stuff, matagal ko nang hindi ginagamit kaya ipapagamit ko muna sayo, wag ka mag alala bagong laundry iyan." mahabang litanya ni Geo. "S salamat po sir Geo, hindi na sana kayo nag abala pa." nahihiyang sambit ko sa kanya. " Ano ka ba, sis nalang itawag mo saakin masyado ka namang formal, parehas lang naman tayo babae eh, lamang lang ako sayo kasi mas maganda ako." malanding wika niya sa akin. "Ah sige po, sis." wika ko naman. " oh ayan ha, wag ka na mahiya sa akin, ako na bahala sayo bukas pagagandahin kita ng bonggang bongga. iyang insecurities mo, palung palo iyan bukas.Magtiwala ka lang sa akin." malandi at mahabang litanya niya. "okay sis! sagot ko naman. " Siya aalis na ako ha, mag pahinga ka ng maaga para maganda ang gising bukas." wika niya sabay apir sa akin.. Nakakatuwa pala siya tsaka mabait, siya pala ang isa sa mga shareholder ng kumpanya na ito, pero hindi ko alam kung bakit sobrang bait niya sa akin, siguro ganito talaga siya sa lahat ng modelo niya. Nakahiga na ako, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na din pala ako, sa subrang pagod na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD