Chapter 6

1232 Words
Aquil's POV Nababaliw ako sa kakaisip sa kanya, oo ako ang nakauna sa kanya, aminado ako na sa unang beses ko siyang nakita noong umuwi ako galing US ay namamangha na ako sa kanyang katawan, na para bang gusto ko nang angkinin anumang oras, kaya noong nagkaroon ako ng pag kakataon, sinunggaban ko na kaagad. Hindi naman siya maganda hindi siya katulad sa mga babae na nakikita ko sa US, kakaiba siya hindi siya maganda pero napaka busilak ng kanyang puso. Nagagalit ako, naiinis lalo na noong nalaman ko na may pag nanasa din si kuya Arthur sa kanya, mahirap ipaliwanag ang aking sitwasyon ngayon. Kinasusuklaman niya ako dahil sa mga hindi magandang nasabi ko sa kanya, natatakot ako na baka maunahan ako ni kuya Arthur. Lalo na noong nakita ko silang masaya at nag tatawanan, nag papalagayan na rin sila ng loob, nagagalit ako sa aking sarili dahil hindi ko kaya ang ginagawa ni kuya Arthur sa kanya, kaya gumagawa ako ng paraan para magpapansin sa kanya, ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon ay lumalayo naman siya sa akin. Sinusundan ko siya kahit saan man siya magpunta, nakikita ko sa kanyang mga mata na naguguluhan siya, bakit lage ako nakabuntot sa kanya. Gumawa ako ng paraan para mapalapit siya sa akin ngunit sa kabila noon ay lalo siyang lumay sa akin, Ang sama ko, hindi ako tao, mas monster pa ang ugali. Tama ang sinabi niya na mas monster ako sa kanya. Noong mga bata pa kami lihim akong nag kacrush sa kanya, ngunit ayaw kong iparamdam o ipakita iyon dahil natatakot ako na baka pag tawanan lang ako ng mga tao na nakapaligid sa akin lalo na ang mga kaibigan ko, para mapansin niya ako kunwari inaasar ko siya kunwari ayaw ko sa kanya, iyon ang paraan ko para mapansin niya ako, malayo pa lamang siya nilalakasan ko na ang boses ko para marinig niya ang pang aasar ko, tama siya stalker niya ako simula noon hanggang ngayon. Si Guinevere hindi ko talaga siya gusto, ayaw ko sa kanya dahil sobrang maarte siya at madaming kalandian sa katawan. Noong lumapit siya sa akin, siya ang lumandi sa akin, ayaw ko sana siyang patulan ngunit lalaki lang din naman ako at natutukso rin lalo na kapag may ibang putahe na nakahain sa mesa. Nagagalit ako kay mommy, dahil pinayagan niyang umalis si Briggete sa mansiyon, ayaw ko siyang paalisin natatakot ako na baka isang araw mainlove siya sa ibang lalaki, inaway ko si mommy noong araw na pinayagan niyang umalis ang babaeng mahal ko at hindi na babalik sa mansiyon. kaya gumawa ako ng paraan, pinuntahan ko siya sa bahay nila pero mga magulang lang niya ang naabutan ko, nagtanong ako sa kanila kung nandoon ba siya, sabi nila nag hahanap daw ng trabaho. Dali dali naman akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ito, una kong pinuntahan ang kumpanya nila Guinevere hindi ako nag kamali nandoon siya, muntik pa kaming hindi nag pang abot nag tago siya sa likod ng isang empleyado, kung hindi nag labasan ang mga empleyado sa bandang ikatlong palapag hindi ko siya makita. Hinarap ko siya at pinag masdan, nakayuko lamang siya, gusto ko sanang itanong kung iniiwasan bh niya ako, ngunit umatras ang dila ko, hindi ako naka pag salita. Pag bukas ng elevator sa unang palapag, dali dali naman siyang lumabas, at lakad takbo ang ginaw niya para makalayo sa akin, sinundan ko lamang siya ng tingin hangang sa hindi ko na siya nasilayan. Umakyat ulit ako sa ikatlong palabag, nandoon ang opisina ng hr nag text din si Guin sa akin na nandoon siya. Dire- diretso na ako, pag pasok ko sa opisina nabungaran ko si Guin at ang hr. Nag tawanan, lumapit si Guin sa akin at sinalubong ako ng halik. Napag usapan nila ang katatapos lang na interview kay Briggete, nang hihinayang ang hr dito, dahil mukha naman daw mabait ang dalaga, namangha din ito sa taas ng grades ng dalaga. Ngunit ayon kay Guin dapat maganda at presentable itong haharap sa mga kliyente, hindi mukhang monster. Aminado akong nasaktan ako sa sinabi ni Guin para sa kanya. Kung noon balewala sa akin iyon, ako pa nga ang nag sasabi noon sa kanya na ikinatuwa ko naman dahil iyon lamang ang paraan para mag papansin sa kanya. Lihim akong huminga ng malalim,. hindi ko inaasahan na mainlove ako sa kanya, ang dating lihim na pagkagusto ko sa kanya noon, nauwi sa pag mamahal ngayon. Ilang sandali pa ay nag paalam na ako sa kanila. Hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan, umuwi muna ako ng mansiyon. Mga bandang alas kuatro ng hapon pumunta ako sa paradahan ng tricycle nag tanung tanong kung dumaan na si Bree, kilala na siya dito sa paradahan dahil suki na siya dito. Ang sabi ng mga tricycle driver wala pa daw, hindi pa daw nakauwi, kaya hinintay ko muna siya hangang sa mag alas sais na, at gumagabi na wala pa rin siya. Maya maya pa nakita ko na siya sa aking side mirror, nakayuko siya, hindi niya ako pinansin, ngunit nag pumilit, nag usap muna kami saglit, pinasakay ko siya ngunit ayaw niyang sumakay hanggang sa pwersahan ko siyang pinasakay sa aking kotse, nakiusap ako sa kanya pinababalik ko siya sa mansiyon, ngunit sadyang matigas na siya ngayon, sa mga sususnod na araw ganoon din ang aking ginawa, pabalik balik ako sa bahay nila, araw araw din wala tao sa kanila isa o dalawang linggo na rin ganoon ang ginagawa ko, sa mga susunod na araw nag punta ulit ako sa bahay nila, may kapitbahay nila akong napag tanungan, kasama daw siya ng mga magulang niya nag punta sa bukid, sinamahan niya ako sa bukid nila nila Bree, naabutan ko sila doon, nakausap ko ang nanay niya at agad naman niyang tinawag si Bree. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ako, nagulat siya kung paanu ako napadpad sa bukid nila, paanu ko nalaman na nandoon siya. Kinausap ko siya kinumbinsi na bumalik na ng mansiyon, triplehin ko ang sahod niya ngunit hindi pa rin siya natinag, kaya umuwi akong hindi siya kasama. Sisiguraduhin ko sa susunod na balik ko, isasama ko na siya at hindi na siya makatangi pa sa akin.Wala pang babae na tumanggi sa akin. Lahat nagagawa at nakukuha ko sa isang pitik ko lamang, ngunit iba ang babaeng ito. Kakaiba siya sa lahat, hindi siya kailanman mabibili ng salapi. Sa susunod na araw susunduin ko na siya, at dito na ulit siya mag tatrabaho sa mansiyon.. Noong ginawa namin iyon hindi ako nagdadalawang isip na iputok sa loob niya ang aking similya, gusto ko mabuntis siya para wala na siyang takas sa akin kung saka sakali, pero alam ko na hindi siya papayag kung mangyari man iyon. Kakaalis lang ni mommy, siguro nasa US na siya sa mga oras na ito. Marami din kasi siyang mga investors sa kumpanya ni lola doon, kaya kailangan na niyang bumalik ng US. Naalala ko ang sinabi ni manang Martha sa akin noong nakaraang araw, nag titinda ng mga bagong ani na gulay ang mga magulang ni Bree, noong isang araw kasama daw si Bree tumulong siya sa kanyang mga magulang. Sa mga susunod na araw pinakyaw ko ang kanilang paninda, nag utos ako ng tauhan na ipamahagi sa mga farmers ang gulay at prutas na kanilang nabili galing sa pamilya ni Bree.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD