SIMULA
"YOU only have 5 months to prepare the money, iyon ang saad sa akin ni Madam kanina Cora..."
Pabagsak akong naupo sa aking kama habang nakasalikop ang magkabila kong mga palad sa aking tuhod. Limang buwan? Hindi ko kayang mag-ipon ng dalawang-daang-libo sa loob ng limang buwan.
Saan ako kukuha ng ganon kalaking pera?
"What's your plan now?"
"Hindi ko din alam," napahilamos ako sa aking mukha.
"Bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok ng kakilala ko? He's a good boss my dear friend at malaki siya kung magpasweldo, I knew him since we were in high school diba I told you naman about this? He need a personal maid at ikaw lang ang nakikita kong perfect for the job... " mahabang sinabi niya na hindi man lang pumapasok ng husto sa aking isipan.
Nag-angat ako ng tingin sa kaibigan at umiling.
"Hindi pwede, hindi ako pupwedeng mawalay kay Reva."
Napabuntong hininga si Rui at napahilot sa kanyang sentido.
"Eh kung magbenta ka nalang kaya ng laman-- aray tangina!" reklamo ng kararating lang na si Zelah nang batukan ito ni Rui.
"You stupid rat, bakit ngayon ka lang?"
"Naghahanap-buhay ako, bakit ba?" inis na singhal niya kay Rui.
Hindi tuloy ako makapag-focus. Sobrang gulong-gulo ng isip ko, hindi ko alam kung ano ang unang iisipin. Malaking pera ang kakailanganin para ipambayad kay Madam? At sa loob ng limang buwan ay dapat may ipon na ako ng ganon kalaki, ngunit saan ako kukuha?
Bigla kong naisip ang sinabi ni Rui. Malaki kung magpasweldo ang kakilala niya, iyon nga lang malayo ang Manila dito sa Davao.
"Any suggestions everyone?"
"Teka nag-iisip pa ako..." ani Zelah at basta-basta nalang naghubad ng damit sa aming harapan.
"Don't think, it may sprain your brain kawawa naman ang utak mo--"
"May problema ba tayo Rui, kanina ka pa ah!"
Hindi ko na gusto ang mga nanagyayari dito. Masyado na silang maingay para makapag-isip ako ng malalim. Padabog akong tumayo at lumapit sa pintuan.
"Puntahan ko lang si Reva," paalam ko at umalis na mula sa silid.
Naisanla ni Nanang ang lupa noon nang ipinanganak ko si Reva. Malaki ang nagastos at sobrang nahiya ako dahil hindi naman nila ako kadugo ngunit gumastos pa sila ng malaki para lang mabuhay kami ng anak ko.
The loss of a loved one is one of the most tragic and devastating things a person could endure.
Naalala ko pa hanggang ngayon na minsan na iyong sinabi sa akin ng kung sino.
Itinakwil ako ng aking pamilya noong nalaman nila ang pagbubuntis ko. Wala akong nobyo ng mga sandaling iyon. Isang gabi na puno ng pagkakamali, ganoon ang nangyari sa akin.
Ang pangarap kong maging madre noon ay hindi natupad, sa halip ay nagpursigi akong makahanap ng matutuluyan at trabaho para sa batang nasa sinapupunan ko. Kung saan-saan ako napunta at dito ako sa Davao inihinto ng tadhana.
Naalala ko pa kung papano ako naghirap na makahanap ng masisilungan noon. Wala akong sapat na pera, walang ni isang gamit na dala-dala dahil ipinagkait sa akin ng pamilya ko ang lahat ng iyon.
Napabuntong-hininga ako bago lumapit kay Reva na tuwang-tuwa sa pinapanood na cartoon sa television.
"Reva?"
Hindi ako binigo ng mga mata ni Reva nang tumingin ito sa akin. Sobrang ganda niya, na panandalian kong nakalimutan na may problema akong dala-dala. Kagaya ko ay kulay asul ang mga mata niya, kulot ang buhok at may matambok na mga pisngi.
"Ma yakap!" tumalon pa ito mula sa pagkakaupo kaya mabilis ko siyang dinalo at niyakap. Napangiti ako.
Hindi, hindi ko kayang iwanan ang anak ko. Magtatrabaho ako dito sa Davao at babayaran ko si Madam sa utang ko.