Minerva's POV
Hindi ko alam kung anong oras na nang magising ako mula sa mahabang tulog. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon at medyo relax na ang katawan ko. Hindi na masakit ang ulo ko hindi katulad kanina na parang umiikot ang mga bagay sa paligid. kaya nagdilat ako ng mga mata dahil sa pakiramdam na may nakamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin sa akin si Kevin na Blangko ang mukha nito at parang hinihintay lang ako na magising para pagalitan. Nilibot ko ang paningin ko.
Teka kwarto namin to este kwarto niya to? Paano akong nakauwi? Nalaman ba nila Tatay?
May dextrose pa sa kamay ko at hindi na ako magtataka dahil puro naman doktor naman ang mga tao dito sa bahay.
"Buti naman at gising ka na." Malamig pa sa yelo na sabi nito. Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko ay magagalit na naman ito sa akin.
"Hindi ko alam kong anong ginawa ko sayo kagabi at inapoy ka ng lagnat ngayon. Hindi ko naman alam na ganyan pala ang wala pang karanasan."
"Ok lang ako." Sabi ko na nakayuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil parang binabasa niya ang kaluluwa ko.
"Pwede ka namang magpahinga kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Hindi ko nga halos alam paano sasabihin sa tatay mo ang nangyari." Sabi nito at tumayo na nakapamulsa. Ang gwapo ng hitsura nitong naka doctor's uniform pero mas gwapo siya kapag naka.casual lang.
Bakit hindi pa rin ito nagbibihis ng pambahay, aalis pa ba siya? Mas mabuti pa yun dahil Mas nanaisin ko pang mag isa kesa kasama siya na nakakatakot dahil biglang nagagalit.
"Sorry po. Ano pong nangyari? Paano mo ako naiuwi? Paano pag hinanap ako ni tatay?"
Tanong ko dahil gusto kong malaman paano niya ako naitakas doon sa hospital. Paano na lang kapag nalaman ng mga tao at ni tatay na isa akong bayarang babae at namimigay ng anak?
Kevin:
Sila pala ang tatay at kapatid ni Minerva na tinutulungan ni lola. May galit pa rin ako pero mas galit ako sa lola kong banyaga ang ugali. Mana sa ama nitong Espanyol na masama ang ugali pero hindi ko na yun naabutan. Parang wala lang sa matanda ang nangyari at ngiting-ngiti pa rin ito kinabukasan nang makita ako.
Maaga akong pumasok dito sa hospital para maiwasan ko si Minerva, ayoko man siyang buntisin ay kailangan ko pa rin para hindi ako mawalan ng mana. Sakim ba? Wala na akong pakialam dyan. Sila din naman ang may gawa nito sa akin. Para akong bata na pilit akong binibigyan ng mabigat na responsibilidad.
Pero naisip ko ang nangyari kagabi, I thought virgins were very much okay pagdating sa kama, pero hindi pala dahil natatakot ako baka mag collapse ito while we do it dahil sa sakit at kahit papaano ay naawa ako sa babae dahil nasugatan ko ito. Ano ba kasing ginagawa nito at hindi man lang nakaranas ng ganyang bagay hindi ba siya nagkaroon man lang ng boyfriend? Sobrang boring naman ng buhay nito.. Hindi ba siya katulad ng makikita ko sa lansangan na bata pa ay buntis na o di kaya ay may anak na? I felt obligated sa nangyayari sa kanya. Kanina sa ospital, Okay na ang roving namin, ng biglang bumukas ang pintuan at inuluwa don si Minerva na may dalang pagkain. Sobrang putla nito at halata talaga na may sakit na dinaramdam. Akala ko ba magpapahinga lang ito?
Ngiting-ngiti si Liam habang lumapit ito sa dalaga at alam ko sa sarili ko na magpapapansin ito sa babae.. Nagtatagis ang bagang ko dahil sa sinasabi nitong baka balang araw ay maging manugang daw ito. sa loob ng ilang oras na nakasama ko siya sa bahay ay ngayon ko lang nakita na ngumiti si Minerva. Sobrang lalim ng dimples nito at hindi ko alam dahil na-attract ako sa ganda ng dimples nito. She's beautiful when she smiles like that.
Hindi ko alam kung bakit parang sumisikip ang dibdib ko ng makipagkamayan si Liam sa asawa ko. The way he looks on her ay puno iyon ng pagnanasa at paghanga sa babae. Kahit papel lang yan ay legal na asawa ko si Minerva. I already signed those damn papers this morning at ibinigay sa lola ko. Kahit naiinis ako ngayon ay hindi ko rin naman kayang talikuran si Minerva dahil sa ginawa ko kagabi lalo na sa mga pasa nito sa dibdib nito. Napatitig ako sa maliit nitong mukha, malinis ang ayos ng mahabang buhok nito na hanggang beywang, plain black tshirt at pantalon at sandal lang ang suot nito. I find her cute sa ayos nito. Sobrang simple at walang arte sa katawan. Bakit parang nagtransform siya?
Napatingin ako sa ama at kapatid nito pAreho nga sila ng pangangatawan ng ama at kapatid nito na mga payatin. Walang makakain minsan. Naawa ako sa isiping nasa tabi sila ng kalsada nakaranas ng tulog at isa ang asawa ko na nakaranas ng buhay sa lansangan. Sa isiping baka magkaanak kami ni Minerva ay hindi ko yata makakayang isipin na natutulog din ang anak namin sa tabi ng kalsada na walang laman ang tiyan. Of course hindi ako papayag dyan. Kahit na aalis na si Minerva ay hindi ko ito papayagan na magbalik sa lansangan. I will still give her a good place to stay sila ng tatay at kapatid nito.
Pero ang pamilya ni Minerva, Hindi nila alam na pumasok ang dalaga bilang surrogate mother para makalaya si tatay sa kulungan at para mapaospital ang kapatid nitong nagdedeliryo. Baby maker, surrogate wife... Alam ko na kung bakit pumayag itong maging baby maker Sobrang laki ng pagsubok nito sa buhay pero ako pa talaga ang naisipan ng tadhana. I can help but I can't love. No way I can love her.
Mapagmahal siyang anak at maalalahanin sa ama at sa kapatid nito and obviously too good to be true for me. Too young to have that kind of responsibility and sad to say, she did it.. Mahimbing ang tulog nito matapos ko siyang pakainin ng hapunan. Binabantayan ko lang siya at gusto kong iparamdam sa kanya na may nag-aalaga din sa kanya. Not as a husband but a doctor, I think.
At sigurado akong mapagmahal din siyang ina sa magiging anak namin Pero hindi ako papayag na magkaroon siya ng pagmamahal sa magiging anak ko dahil hindi ko siya kayang mahalin at hindi rin siya magatatagal sa poder ko. Gusto ko lang siyang alagaan sa ngayon at makilala ng husto. Nothing's wrong to befriend her. She'll become a mother of my child sooner.
Earlier sa hospital:
"How is she?" Tanong ni mama nang pumunta kami sa office ng gynecologist dito sa hospital Happened to be Anna, my one lucky friend.
"She wasn't r***d but she experienced a major cut in her hymenal caruncle. She's just having s*x with a bulky p***s kaya siya dinugo until now, dinugo pa rin siya. Wala ba siyang kasama--"
"She's my friend. Nasa itaas ang tatay at kapatid niya parehong na.admit. Baka maubusan siya ng dugo, what should I have to do, Anna?" sagot ko kaagad.
Pero lalong nagdududa sa akin si Annabelle.
"Sigurado kang hindi mo p***s ang pumasok dito, Kevin? " Aissi this woman, walang preno pa rin kahit babae.
"Of course not!! Yang bibig mo ha! Kaya nga hindi ka type ni Nic dahil ganyan ka eh." Sabi ko sa kanya pero hindi ito nakinig kaya lumabas na ako at naghintay lang dito sa labas. Paano ko ba maiuwi si Minerva. Maya-maya ay lumabas na si mama at hahanapan nito ng paraan para maiuwi si Minerva.
"Let her take some rest, Kevin. Hindi mo man lang dinahan-dahan gayung wala pa yang karanasan?"
"Anong alam ko sa mga virgin ma? It's all your fault, gusto ko bigyan ko na kayo kaagad ng apo para matahimik na kayo at tigilan ako. No, dadalhin ko pauwi si Minerva ngayon din." Sabi ko sa ina ko pero kinurot lang ako sa gilid. This life is so insane. Nakakainis na ang mga tao sa bahay.
Mahaba-habang oras din ang tulog nito dito sa kwarto ko. Gumalaw ito palatandaang gising na.
"Mabuti naman at gising ka na."
Sabi ko pero hindi ito sumagot at nakayuko lang ito. Nahihiya ba siya kapag kaming dalawa lang? I smirked. Yang moves na yan ay alam ko na yan. Lumang tugtugin kumbaga.
Kanina sa ospital, paglabas ni Anna mula sa kwarto ni Minerva ay kinuha ko ang natutulog na babae. Sobra niyang gaan na parang grade one lang yata ang timbang sa sobra niyang light. She seriously needs to eat healthy foods from now on.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Minerva ay dumating si lola mula sa ballroom dancing nito kaya lumabas ako at pumuntang Scenario at doon na ako uuwi sa hospital may mga damit ako doon. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko kay Minerva at baka duduguin na naman ito. Once is enough.
Note to self Never f**k Virgins.
My so-called wife is enough. Ngayon lilibangin ko nalang ang sarili ko sa mga babaeng sexy at wild.
********
Days passed at isang beses lang tumawag sa akin si lola at tinanong kung bakit hindi na ako umuwi. I just answered her honestly na hindi muna ako uuwi. I already did what she told me to do. Nasa kanya na yun kung hindi pa rin ito magbubuntis. Galit na galit sa akin si lola and forbid me to come home para makita ang manok nito. What a manipulating and cunning old woman.
Paglabas ko mula sa silid ko ay naabutan ko si Trevor.
"You're here? Anong pakay mo?" Tanong ko. Bihira lang yan mapunta dito.
"Nothing. I am just so happy today." Masayang sabi nito.
"Why?" I lazily ask at isinuot ang coat ko para sa roving.
"Nothing. I just fell in love."
"With whom?"
"Secret." Sabi nito na nakatingin lang sa cellphone nito.
"Then what are you doing here?"
"Nah, dumaan lang talaga ako. Pupunta ako sa Italy today."
Nanlaki ang mga mata ko. Tama, si Kamille, baka mag.propose na ito.
"Proposal na ba yan?"
Pero biglang naging ingot ang mukha nito at umiling-iling. Tumayo ito at sabay na kaming lumabas.
"We're living together." He drops his bomb na parang nandidiri ako sa sinasabi niya.
"Ha?"-- napatingin ako sa tatlong tao na nasa escalator papuntang second floor. It's been days at napakabilis ng transformation nito. She's glowing at bagay sa babae ang suot nitong black halter dress at puting pantalon. Para itong tuta na nakasunod lang kay lola pero isa lang ang kinaiinisan ko ngayon. Tuwang-tuwa talaga si Liam habang nakabuntot sa asawa ko at ano na naman ang pinagsasabi nito at bakit ba pinapakita ni Minerva yang mga dimples niya sa lalaking yan? Bakit ako ang kasama niya lagi siyang nakayuko at parang puppet.
"Are you listening?" Pukaw sa akin ni Trevor.
"No. Can you just go home at andito ang andito ang lola ko?"
"Oh, yeah kanina ko pa sila nakita. Pambihirang Liam, girlfriend niya ba yan? Swerte naman ng loko."
"What?" Napatingin ako sa kanya. Paano niya nasabing girlfriend ni Liam ang asawa ko?
"Oo. Look at him, halata namang gustung-gusto niya ang babae the way he looks at her."
"Paano mo nasabi?"
"Ganyan talaga kapag inlove pare. Gusto mo siyang nakitang nakangiti palagi. The way he looks at her as if she's his world. I can feel that."
Napatingin ako sa baba at wala na sila sa escalator. Nilibot ko ng tingin pero wala na talaga sila. Damn.
"I have to go pare." Paalam ni Trevor nang may tumawag sa cellphone nito.
"O." Sagot ko.
Tama, hindi yan pupunta dito ng walang dahilan. Baka dinalaw nito ang tatay nito. Dali-dali akong pumunta sa elevator para pupunta kaagad sa room 308
Dali-dali kong binuksan ang private room ng ama nito at nakita ko si Minerva na nagpapak ng orange kay Van.
"Oh ayan na pala si Doc pogi." Sabi ni Van at napatingin ang babae sa akin.
Bigla itong pinamulahan ng mukha at nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako at binati ko sila.
"Kev, you're here." Sabi ni Lola.
"Ah, madalas siyang dumalaw sa amin dito doktora para dalhan kami ng mga makakain." Sabi ni tatay. "Ang bait ng apo niyo."
Ngumiti lang si Lola. "Mabait talagang bata ang apo ko." Sagot nito.
"Tatay naman, dinadalhan din naman kita ah." Singit ni Liam at tumawa lang si tatay.
"Salamat ng marami."
"Lola, ihahatid ko kayo pauwi."
"Really Liam?"
"Opo. Off duty na rin naman po ako."
"Sure thing hijo, ang bait talaga nitong batang 'to. Ang bait ng magiging manugang mo Melchor kung si Liam ang magiging asawa ni Minerva baka next two years.." sabi ni lola at kumuyom ang kamao ko. She is my wife at bakit niya dini-deal sa iba ang asawa ko?
"Nakakasiguro ba kayo sa pinagsasabi niyo? Huwag niyong manipulahin ang buhay ni Minerva dahil hindi yan biro." Sabi ko sa kanila at natahimik silang lahat.
"Kevin, we're just joking you know." Defensive pang sagot ni lola.
"Well it's not a good joke." Sabi ko at lumabas na ng silid. Ako pa yata ang lumabas na masama dito.
APAT na oras na ang nagdaan at gusto ko ng hilahin ang oras para uuwi na ako sa mancion. Hindi ako uuwi dahil kay Minerva ha, wala na talaga akong damit at kailangan ko lang kumuha para may damit ako dito.
Defensive ba?
Hindi ah.
Six o'clock sharp ay dinala ko ang bag na may maruruming damit at dali-daling lumabas ng hospital. I drove my car back to mansion and drive as fast as I can.
Pagkaparada ay naabutan ko si lola at ang private nurse para sa massage therapy nito.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Hindi ko siya sinagot at dali-dali akong umakyat sa kwarto ko.
She's in front of the vanity mirror at nagsusuklay ng buhok nitong basa. Nagulat ito ng makita ako at umiwas na naman ng mata. f**k. That eyes. Bakit ba ganyan siya sa akin?
Minerva:
Kinabahan na naman ako ng makita ko siya sa reflection ng salamin. Ilang araw din itong hindi umuwi dito sa mancion. Wala itong salita na pumasok sa banyo para maligo. Bumaba muna ako para magtimpla ng gatas para kay lola. Nakakahiya din siyempre kung hihintayin ko hanggang sa lumabas si Kevin may disiplina din naman ako sa sarili ko.
"La, heto na po ang gatas niyo." At mahina kong inilapag ang baso ng gatas sa tabi.
"Thanks hija. Come here. Magkwentuhan muna tayo."
Umupo ako sa tabi ni lola habang nagkwentuhan muna kami. Inaamin ko, kahit nakakahiya kay lola ay dito na ako madalas inaabutan ng antok at makatulog sa kama nito gabi-gabi. Sobrang lungkot lang kasi sa kwarto ni Kevin hanggang sa hindi ko napansin ang oras at nilamon na ng kadiliman ang diwa ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
1 week later.
Minerva's POV
Nakauwi na sina Tatay sa bagong bahay na bigay ni Lola Minda dito sa probinsya. Tahimik dito at ito ang pangarap kong lugar para sa aming bagong panimula. . Kami lang ni Lola Minda ang nakakaalam sa lugar na to na malayong-malayo sa Maynila. May munting pangkabuhayan para kay tatay na bigay din ni Lola Minda. Labis labis na rin ang tulong ni Lola pero hindi ko pa rin siya mabigyan ng kahilingan nito. Hindi pa rin ako buntis kahit gabi-gabi na may mangyayari sa amin ni Kevin. Sa tuwing makatulog ako sa kwarto ni lola ay nagising na lang ako na nasa kwarto na ako ni Kevin at hindi naman nito pinapalampas ang pagkakataon.
Ngayon na andito kami ay walang alam sina Kevin, Mama Grasya at Papa Jonas na sa lugar na to kami binilhan ng lupa at bahay ni Lola. Confidential daw sabi sa akin ni lola at nirerespeto ko yun.
Darating ang panahon sa ilang buwan pagkatapos kong manganak ay dito ako uuwi at hinanda na ni Lola Minda ang full scholarship ko para sa College ko kailangan kong mag-als para makapag-college ako kaagad.
Sobrang laki ng naitulong sa amin si Lola Minda kaya hindi ko siya kayang saktan di bali ng masaktan ako sa tuwing may babaeng maglambitin kay Kevin. Si lola lang naman ang tumulong sa amin para mamuhay kami ng ganito at tinatanaw naming utang na loob yun habang buhay dahil malayung-malayo na kami sa anumang buhay namin noon na natutulog kahit gutom..
"Tay baka sa susunod na taon na ang uwi ko. MAgtitipid ako para makapag-aral kami ni Van ha? Basta mag-ingat kayo dito." Umiiyak ako habang niyayakap ko si Tatay. Naiiyak ako dahil nagsinungaling ako sa tatay ko. Wala siyang ka.alam-alam na magpapabuntis lang ako at iiwan na parang tuta ang anak ko sa ibang tao para gawing tagapagmana. Wala akong kasingsamang ina. Ni hindi iyon ginawa ng mga magulang ko kahit mahirap lang kami. Pero kahirapan din ang nagtulak sa akin para gawin ko ito.
"MAg-ingat ka anak At alagaan mo ng mabuti ang sarili mo at si Dok Minda ha? Binago niya ang buhay natin kaya nararapat lang na balikan natin siya ng magandang loob.." Payo sa akin ni Tatay at sa nakikita ko ay kontento siya at masaya sila ni Van dito. Wala naman kaming kamag-anak doon sa kamaynilaan kaya hindi kami kawalan dun sa Maynila.
Pagkatapos ng mahabang pamamaalam ay umalis na kami ni Lola Minda gamit ang chopper nito at namimis ko na kaagad silang dalawa. Sobrang layo dito sa Maynila. Sobrang layo ko sa magiging anak namin ni Kevin pero Pilit kong pinatatag ang sarili ko dahil ito ang pinili ko.
Kinausap ko si Lola na kapag ba darating kami sa punto na mabigyan ko siya ng apo ay may karapatan pa ba akong makita ko ang anak ko sa malayo. Dramatic ba? Natural lang naman siguro na ganito ang pinag-iisip ko dahil diyan din naman ang punta ko. Pinakiusapan ko siyang siya lang ang makakaalam kung nasaan ako. May isang salita si Lola Minda na malugod niyang tinanggap yun na pwede kong gagawin yun..
Sa Manila, hindi ko pa masyadong kilala ang mga ugali ng mga kasama ko at nandun pa rin ang takot at pag-alala.
At ang buhay namin ni Kevin ay okay naman kami hindi bilang mag-asawa kundi bilang amo at parausan. Nasundan ang pagniniig namin ng ilang beses. At least ngayon kinakausap na niya ako na parang normal lang. Hindi katulad noon na palaging galit sa akin at kay Lola Minda.
Inaamin ko habang tumatagal ay palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa binata at hindi ko mapigilan dahil kakaiba din ang kinikilos nito sa akin. Sweet siyang binata. Nakikipag-usap na siya sa akin pagkatapos namin sa sexy time, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nakapangako na ako kay lola.
"Salamat Lola Minda sa tulong at sa pagbago mo sa buhay namin." Sabi ko at pinisil ang kamay niyang manipis na.
"Kunting BAgay lang yan hija at nagpapasalamat ako dahil ako ang nakatulong sayo At salamat din dahil tinanggap mo ang hiling ko."
"MAgpahinga ka muna Lola at isang oras lang darating din tayo sa Maynila."
"Thank you hija." At hinawakan niya ang kamay ko at pumikit ito.
______________________________________
Lumapag kami sa helepad ng hospital. First time ko talagang sumakay ng helecopter kaya ini-enjoy ko ang sarili ko sa kakatingin dun sa himpapawid.
"Doctora Montero, it is good to see you. It's been a while, How are you po? " masayang bungad ni Doc Liam. Itong si Dok Liam napapansin ko na talaga ang pagiging malapit nito sa akin. Kung hindi lang ako nasabit sa ganitong sitwasyon ay malamang na magiging kaibigan ko si Dok Liam. Ito lang naman si Kevin ang may ayaw na makikipag-kaibigan ako sa mga kaibigan nitong lalaki. Sa anong dahilan? Yan ang hindi ko alam.
"I am great, Liam. Come with us Have you seen Kevin?"
Marinig lang ang pangalan ni Kevin ay kinikilig na ako at nagwala ang pulso ko, nababaliw na yata ako at hindi na yata normal ang ganitong pakiramdam. Lahat na lang yatang ugat ko ay nabubuhayan. Paghunosdili ka nga dyan Minerva.
"Oh maybe roving time. Salamat naman po at isinama mo si Ms. Diaz, doktora. Hi Minerva, kumusta? Ok na ba ang pakiramdam mo?" Ngiting sabi nito sa akin at napangiti ako at tumango sa kanya.
"Hi din dok okay na po ako.".
"Doktora, single pa ba tong si Minerva. Payag po ba kayong liligawan ko siya?---"
Napatingin kaming pareho kay Liam at si Lola ay talagang natigilan.
"Too bad your late, Liam my boy." Isang baritonong boses ang nagpapatigas ng buo kong katawan. Wala itong alam na galing kaming probinsya at kakauwi lang din namin. Pagkatapos nitong halikan sa pisngi si Lola Minda ay tinakasan yata ako ng dugo ng bigla niya akong halikan sa labi sa harap ba naman mismo ni Lola Minda at ni Doc Liam.
"Liam, meet my wife, Mine." At para akong naiihi sa sobrang kilig dahil nasa beywang ko ang braso nito.
"Are you serious , Kevin? Since when?" Hindi maitatago ang pagkairita sa boses ni Liam.
"For more than a week I guess. Private kasi kaya hindi ka invited so stop thinking to pursue her. No one's yours boy." Sabay tapik sa balikat ng kasama nitong doctor. "So can I have a date with my wife, lola. If you'll excuse us?"
"Sure thing hijo. Liam, come with me."
Sagot ni lola at nakita ko ang kakaibang ngiti nito. At hawak kamay kaming umalis sa harap nilang dalawa.
Medyo nasanay na ako na hinahawakan ang kamay ko pero ang halikan ako ay hindi ako sanay. At pumasok kami sa isang silid at kaagad niya itong ni-lock ng nasa loob na kami. Malaki ang tanggapan nito at malinis.
"How's my wife having a date with the old woman?" Sabi nito habang hinahalikan ako at isa-isang tinatanggal ang mga butones ng damit ko. Hindi niya pwedeng malaman na galing kaming probinsya.
"Masaya kasama si Lola--oohhh aahh Kevin."
NApaungol ako dahil sa bigla niyang hinalikan ang dibdib ko at sinisip yun, minamasahe yun at pagkatapos ay hinahalikan ako ng todo-todo na halos kinakapos na ako ng hangin.
"Let's talk later." At binuhat niya ako papunta sa isang pintuan. Dali-dali siyang naghubad ng uniform niya nang pumasok kami sa private room nito. Doon ay may single bed.
Nagawa na namin to kaninang umaga at kahit bago ito umalis ay pinaakyat niya ako sa silid namin kunwari daw ay pinapahanap niya sa akin ang long sleeves nito pero iba ang pakay nito.
Oh my gosh isa nga pala itong makina na hindi marunong magpahinga.
___________end of chapter 3___________