Kevin and his b*tch

2935 Words
Few days passed by... "Dito na ang bago niyong tirahan, ha?" Napangiti ako habang dinidiligan ko ang mga bagong bili na mga bulaklak ko. Lumabas ako kanina para bumili ng lechong paksiw at bumili na rin ng mga bulaklak nang napadaan kami sa tabi-tabi, pandagdag sa mga bulaklak ni lola. Mukhang mamahalin ang mga bulaklak ni lola kaya hindi ko nilagay ang mga pamili ko sa garden nito na binili ko ng tig two hundred.. "Gusto ko pag-uwi nila ay namumulaklak na kayo ng bonggang-bongga. Paniguradong magugustuhan kayo ni Lola." Sabi ko sa mga bulaklak. Napangiti ako dahil sobra nilang ganda. Noon pa man ay mahilig na ako sa mga Rose. Kaya limang klase ng rose ang binili ko. "Ma'am Minerva, tumawag si Doktora Minda." Tawag sa akin ng isang kasambahay kaya tumakbo ako papasok ng bahay. "Hello la?" Sabi ko nang mahawakan ko kaagad ang telepono. Namiss ko na din kasi si lola. "Oh. Tumakbo ka ba?hehehe wag ka ngang tumakbo madapa ka pa. Kumusta ka dyan?" "Ok lang po ako. Galing po ako sa labas, may bulaklak po akong binili kanina." Kaagad kong balita kay lola at tumawa lang ito. "Ikaw talagang bata ka. It's good to hear that. May kakampi na ako pagdating sa mga bulaklak." "Kumusta po kayo dyan la?" "Heto kakauwi ko lang from my check-up. Ikaw hindi ka ba inaway na ni Kevin?" Napangiti ako sa tanong niya dahil para naman akong bata para aawayin. "Ok naman po kami dito. Wag mo po akong alalahanin. Pag-aawayin niya ako uumbagin ko po ang apo ko." Biro ko sa kanya at tanging matunog na halakhak lang ang sagot nito sa akin. "Oh siya, mabuti nga't naisip mong hindi ka magpapaapi sa kanya." "Mag-iingat po kayo dyan la..." "Of course, hija. Kumain ka na ba?" "opo..." "Oh siya, hindi na ako magtatagal dahil gabi na't kailangan ko pang magpahinga." "Tumawag ka po palagi ha?" "I can sense na nababagot ka na dyan. Andyan ba si Kevin ngayon?" "Wala po ako lang mag-isa ngayon sa bahay....." "Hindi na naman umuuwi yung batang yun? Tell me." Napaisip ako. Hindi naman talaga madalas umuuwi si Kevin pero kapag sasabihin ko naman yun sa kanya ay malamang na magagalit sa akin si Kevin dahil nagsusumbong ako kay lola. "Dito naman po ang uwi ni Kevin gabi-gabi la......." "Good. Mag-ingat ka dyan. May pera ka pa ba? Bumili ka kung anong gusto mong bilhin. Or mag-shopping ka today. Don't worry uuwi  na ako at may pupuntahan tayong lugar tiyak na magagandahan ka. Excited na akong umuwi. " " Ok po la hihintayin ko po kayo la. Nakaka-excite nga po yang plano niyo.. Hindi pa naman ako masyadong bored la.. good night po dyan la.." "Goodnight din." Toot toot toot. Ibinaba ko na ang telepono at umupo ulit sa mahabang sofa. Tumawag si Lola at binalita na tapos na ito sa regular check-up nito at excited na daw itong uuwi. Tumayo ako at pumunta sa kwarto at nagkulong. Ano bang gagawin ko dito?? Inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng silid ni Kevin. Ngayon ko lang napansin na sobrang boring ng kulay ng kwarto na kulay dark gray at light gray ang combination. Kinuha ko sa drawer ang isang papel na  Kanina ko pa iniisip basahin ng paulit-ulit ang Agreement namin ni Kevin na hawak-hawak ko Matagal na itong binigay sa akin at palagi ko lang binasa-basa At hindi pa pinipermahan. Minsan naisip ko talaga na sobrang galit si Kevin sa akin at minsan ay napaka-isip bata. Itong agreement na to wala rin namang kwenta to dahil may kontrata naman kami ni lola na aalis ako isang buwan pagkatapos kong manganak pero nga lang hindi pa ako nabubuntis.. Para siyang hindi professional mag-isip at bigyan talaga ako ng ganitong piraso ng papel. Gusto niyang loyal ako sa kanya, ibig kong sabihin sa kasunduan namin na wala akong ka-third party. Sino naman ang magkakagusto sa akin na walang pinag-aralan at walang maipagmamalaki sa buhay. Kahit pa sinong lalaki ay gusto nila ang mga babaeng matalino at may ipagmamalaki sa buhay. Wala ngang kami pero may gusto ako sa kanya na hindi ko maisatinig. Syempre baka aatakihin siya sa puso kapag nalaman niyang crush ko siya. Ayoko namang mangyari ang ganun. Hindi naman siya mahirap magustuhan. Mayaman, gwapo, at halos nasa kanya na ang lahat. Napaka-perpekto na niya para sa akin Sobra ko na ngang swerte dahil andito ako ngayon sa tabi niya kahit parang hangin lang ako nito ngayon dahil hindi na ito umuuwi simula ng nagpunta si Lola sa Amerika. Palagi namang out of town sina Mama Grasya at Papa Jonas dahil sa medical mission o di kaya ay voluntary mission nila at kahit ganito ako ay hindi nila ako tinatratong alipin o hindi kapamilya. Maalalahaning ina si Mama Grasya at madalas din niya akong dalhan ng pasalubong kung uuwi na ito. Madalas mga mamahaling damit at bag ang dala nito. Panay din ang tawag nito at kinukumusta ako, kahit nahihiya na ako sa kanya. Tinuring niya akong anak dahil noon pa man daw ay gusto nitong magkaroon ng anak na babae. Ngayon na umalis na naman sila para sa trabaho ay inaamin kong nababagot ako ngayon dito sa mansyon. Tanging libangan ko lang ang pagtatanim ng mga bulaklak dahil hindi naman ako marunong magluto dahil hindi ako kinakaibigan ng mga katulong dito sa bahay. Narinig ko pang hindi raw ako makatao dahil ganito ang pinili ko. Kung hindi lang sana nagsisigaw si Kevin noon ay hindi nila malalaman na isa akong surrogate wife. Iniiwasan nila ako na parang may sakit akong nakakahawa at Ako lang ang kadalasan naiiwan dahil nasa trabaho naman silang lahat.Isa pa si Kevin na hindi talaga umuuwi kapag hindi lasing. Nakakauwi lang dahil hinahatid ng malanding babae. Tama bang ganyan siya? Nagdala siya ng malanding babae noong isang gabi, pareho silang lasing at doon sa kabilang kwarto sila natutulog. Hindi ako dapat masaktan pero naiiyak ako habang rinig na rinig ko ang mga ginagawa nilang dalawa. Porke ba at wala ang pamilya niya ay gagawin niya sa akin yun? Babae lang din naman ako at nahuhulog kay Kevin kahit inaayawan niya ako. Kahit ilang beses ng may nangyari sa aming dalawa ay hindi ko maiwasang mahulog ang loob ko sa kanya. Kinaumagahan ay hindi ako lumabas ng silid hangga't hindi sila umalis ng bahay. Nagtulug-tulogan lang ako noong pumasok si Kevin sa silid namin para maligo ito. Ayaw ko namang matulog sa kwarto ni lola baka may mawala doon na mahalagang bagay. Mabuti sana kung hindi na yun naulit pa pero parehong babae pa rin ang dinala niya at doon na talaga sila sa may sala gumagawa ng milagro. Gusto kong magreklamo at magsumbong kay lola pero wala akong magawa dahil isa lang akong hamak na babae na binabayaran para gumawa ng anak para sa pamilya Montero. Tinampal ko ang ulo ko at iwinasiwas ang mga bagay na nangyayari. Buhay niya yan at hindi ako dapat maging ganito. Tumayo ako at nagbihis ng casual lang na suot. Hindi naman bagay sa akin ang mga damit na binili ni Mama Grasya dahil sobrang mahal. Lilibangin ko ang sarili ko. Bakit ko nga ba sosolohin na isipin ang lalaking yun? Mamaya niyan ay aatakihin ako sa puso dahil sa pag-iisip ko ng todo sa kanya. Kevin: "Buti naman at hindi nagagalit ang sinasabi mong asawa Kev sa tuwing uuwi ka at kasama mo si Stephanie?" Napaangat ang tingin ko kay Karlos na kasalukuyang nagmi-mix ng alak at tinignan ko ang babaeng nagpapa-cute ngayon kay Karlos. "Bakit naman niya gagawin yun? We made an agreement." "Agreement. Para saan? Here's your drink lovely lady." Sabi nito na ibiigay ang wine glass at sabay kindat sa babae. I scoffed. Ang landi talaga nito. "She can't claim to be my wife. Palpak nga yata si Lola dahil hindi pa ito buntis. I should get rid of her soon." Sabi ko at tinungga ang baso ko. "What if you can't?" "There's nothing I can't do, Karlos. Pero sa ngayon wag muna, commander nito si Lola at kailangan kong mag-isip ng paraan para makuha ko ulit ang kalayaan ko." "Bakit nga ba halos lahat sa atin ay mga babaero." Napatawa ako sa tanong niya. Kahit ako ay napaisip din sa tanong na yan. Bakit ba maraming babae ang naghahabol sa amin gayung alam naman nila na mga babaero kami. Still they chose us. "Kasalanan pa ba yan natin?" "Hey Kev." Napangiti ako nang dumating na si Steph from the dance floor. Maiksi ang suot nito at kitang-kita ang abs ng katawan nito na pinagpapawisan. "Have some beer here." Ibinigay ko sa kanya ang isang baso ng serbesa at uminom naman. Pagkatapos kong magpahinga sa ospital ay kaagad akong bumisita dito sa Scenario. Mamaya na ako uuwi to check kung ok lang ba si Minerva sa bahay. Hindi na ako nagreklamo nang halos kumandong na si Steph sa akin should I say, nagpapalambing sa akin ang babae libre ang himas ko sa balingkinitan nitong katawan. Hmmm ganito rin ang katawan ni Minerva pero hindi ko lang napagtuonan ng pansin yun since hindi naman ako interesado.               -------------- Ngayon para akong tanga na nakatulala dito sa silid. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa rin ako natutulog ngayon dahil Pasado ala una na saka ko lang narinig ang ugong ng sasakyan ni Kevin. Inayos ko ang kama kahit alam kong hindi ito matutulog sa kwarto na to nang biglang bumukas ang pinto at hubad ang katawan ng babae na parang sawa na nakapulupot sa beywang ni Kevin habang hibang ang dalawa sa paghahalikan. Sobrang sakit at isang malaking sampal yun sa pagkatao ko. Napabangon ako nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nila. "Kevin." Mahinang sabi ko. "Oh s**t who is she?" Galit na tanong ng babae kay Kevin. "Oh come on, she's nothing but a w***e. Get out Minerva." Lasing na Sabi ni Kevin at hindi ko mapigilan ang maiyak. Panay ang halik sa leeg nito ang babae. Napalunok ako ng laway sa sobrang inis. Bakit ba ang hilig nila sa naglalandi? "Bakit dinala mo siya dito? Bakit di na lang dun sa kwarto niyo?" Iyak kong turan pero irap lang ang sagot ni Kevin. Kahit hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay ay nasasaktan pa rin po ako. "And whose room is this? Hindi porke't asawa kita sa papel ay masagut-sagot mo na ako. Get out Minerva." "Kevin." "He said Get OUT!" Sigaw ng babae sa akin at hindi pa nakuntento ay sinugod niya ako at sinabunutan habang hinihila ang buhok ko palabas ng silid na halos mahiwalay ang buhol ko sa anit ko kaya todo ang iyak ko dahil nasasaktan ako. "Wag mong sinasagad ang pasensya ko b*tch. Masama akong magalit." Sabi nito at itinulak niya ako ng malakas at malakas na isinara ang pintuan.. Ang haba ng mga kuko niya na nagkasugat yata ang mukha ko.. Ano itong pinapasukan ko? Lola nasaan na kayo? Hindi ko na yata kaya. Panghihinaan ako ng loob kapag ganito palagi. Hindi ako sanay na may nananakit sa akin physically. Di bali ng pagalitan ako o awayin ako dahil tinitiis ko yun. Tatay, paano ba ako makauwi. Bakit naging ganyan si Kevin? Bakit biglaan siyang nagbabago?. Lumipad lang sa ibang bansa si Lola ay naging demonyo na siya. Hindi siya ang kilala kong Kevin kapag andyan ang pamilya niya. Nasasaktan ako kahit hindi niya ako kinakausap. Iniiwasan niya ako. Sa ngayon ay lumipat ako sa guest room at doon umiyak. Gusto ko ng umuwi sa probinsya. Doon ay paniguradong masaya, tahimik at wala si Kevin at Siguruduhin kong walang Kevin doon. Gustung-gusto ko ng tumakas pero natatakot ako sa karma. Tatay, gusto ko ng umuwi. Kahit tayong tatlo lang ni Van ay masaya ako at sobrang miss ko na kayo. Naupo ako sa sofa, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang pabugso-bugsong damdamin na nararamdaman ko ngayon sa binata. Bakit nga ba ako pumayag na ipakasal.? Gusto lang naman ni Lola na legal ang baby pagkapanganak ko At para saan pa at maghihiwalay din naman kami. Tinignan ko ang langit na ngayon ay bahagya ng umaambon hanggang sa lumakas ang bagsak ng ulan. Napaiyak ako lalo dahil namiss ko sina tatay at Van. Siguro ay masaya sila sa probinsya. Gustung-gusto ko ng umuwi pero hindi ko matatakasan si Lola Minda kapag nagtangka akong maglayas. Hindi ko rin kaya yun. Kailangan  ko pang suklian ang kabutihan ni Lola sa akin at sa pamilya ko. Niyakap ko ang sarili ko at nahiga sa sofa. Ayaw kong isipin ang mga tao sa itaas dahil hindi ko naman sila kilala. Nasasaktan ako ngayon dahil hindi ko binantayan ang sarili ko na mahulog sa isang lalaking hindi para sa akin. Marami namang lalaki bakit siya pa? Napapikit ako ng husto dahil paulit-ulit na nag replay sa utak ko ang nakita kong hubad na katawan ng babae habang malaya itong hinahalikan at niyayakap si Kevin. Gayung ako ang legal na asawa ay hindi ko nagawa yun. Ni hindi kami nagkatinginan kahit minsan. Gabayan sana ako ng Panginoon sa ganitong pagkakataon. Napapasubok ako ng husto... sobrang hirap maging mahirap pero masaya ka naman sa pamilya mo. Ang pagiging mayaman, hindi ko makita ang kasiyahan nila. Kanya-kanya sila ng alis at halos hindi na nagkikita... Kanya-kanya din nga kaligayahan. ayaw ko ng ganitong pamilya. Hindi ko mapigilan ang hikbi na lumabas sa labi ko ng isipin ko sina tatay at Van. Gusto ko na silang makita para humingi ng tawad. Hanggang ngayon ay hindi ko pa sila matawagan dahil wala naman akong cellphone o kahit sila ay wala din. >>>>>>>>>>>>>>>> "Do you think I don't know everything? Baby maker ka lang. Ibig sabihin parausan at talagang ang boyfriend ko pa ang tinarget mo!" At bigla niyang hinila ang buhok ko at sinampal ang mukha ko ng sobrang lakas. Feeling ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at nakakita ako ng mga bituin. Para akong nawalan ng buhay sa ginawa niya.. Galit na galit ang mga mata niya Hindi naman ako makapanlaban dahil mas malaki siya sa akin at mas malakas. "Aray. Tama na!! Maawa ka tama na! Wala akong atraso sayo! " Hindi ko mapigilan ang umiyak. Ano bang kasalanan ko sa babaeng ito? Ako pa talaga ang pinagtripan nito dahil lang sa wala akong kakampi dito. "Ano? Magpapabuntis ka at yang magiging bastardong anak mo ang makakakuha ng yaman ng lola ni Kevin ganun ha? Ito ang nararapat sayong mang-aagaw ka!" Hindi ko siya mapigilan sa pagkubabaw niya sa akin at sampalin at sabunutan ang buhok ko. "Parang awa nyo na tama na po. Aray!! Ano ba!!!" Tulak ko sa kanya. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ka aalis sa bahay na to. Ako ang girlfriend ni Kevin at ako ang mahal niya kaya umalis ka sa pamamahay na to!"  Galit nitong bulyaw sa akin habang hinihila ang buhok ko. "Tama na po." Tila napagod ito at sinuntok ang sikmura ko kaya namilipit ako sa sakit. Tumingin ako sa kanya at kung nakakamatay lang sana ang titig ay malamang nakahandusay na itong babaeng ito. Bakit ba siya galit na galit, sa pagkakaalam ko ay flavor of the week lang siya ni Kevin? Ito pa ang matapang. "Ano lalaban ka? Sinong kakampi mo? Ang matandang si Minda? NAsaan siya ngayon? Wala siya dito. Go, magsumbong ka nakakaawa ka. Amoy lupa ka kaya ayaw kang katabi ni Kevin at wag na wag kang umasang titigilan kita ha? No way!!!" At nagmartsa itong lumabas ng silid. Ang sakit ng mukha ko dahil nasugatan sa kalmot ng kuko niya at napapaiyak akong lalo dahil sa hapdi. . Kung mayaman lang din ako ay hindi ako papayag na ganito ang gagawin ko. Ganito ba araw-araw ang mararanasan ko? Ito ba ang sinasabi ni Kevin na napakalaking pagkakamali ang ginawa kong desisyon? Nasasaktan na ako. Nanahimik lang ako dito. Ayoko na. Hindi ko na talaga kaya. Lumaki ako sa eskwater lang pero lumaki akong hindi pinagbuhatan ng kamay kahit sobrang sama ng nanay ko. Ayaw niya sa akin pero hindi niya ako sinasaktan ng ganito. Ito pa kayang babaeng ito na hindi kailanman kilala at wala akong balak makilala siya. Humiga ako nagtalukbong at tahimik na umiiyak. Galit na galit ako kay Kevin at sa babae nito. Kung pwede pa lang sanang tumakas ay matagal ko ng ginawa pero ayokong may magagalit sa akin. Lalo na si Lola. Ngayon na mag-isa lang ako ay kailangan kongaging independent at matatag. Hindi porke't mahirap lang ako ay mamaltratuhin nila ako na parang basura na nangangamoy tae. Balang araw, Kevin, ipapangako kong pagsisihan mo ang ginawa mong p*******t sa akin ng ganito. Kahit kunting respeto mula sayo ay ayaw mong ibigay kaya ginaganito ako ng babae mo. ___________end of chapter 4____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD