Minerva's POV
Kumakalam na ang sikmura ko dahil pasado alas dos na ng hapon at wala pa akong kain simula kaninang umaga. Namamaga ang mukha ko dahil sa kalmot at sampal na inabot ko sa nobya ni Kevin, naintindihan ko siya kahit naman siguro ako ay magwawala kapag nalamang may baby maker ang nobyo ko. Pero grabe ang natamo ko sa kanya walang totoong nobya si Kevin mula ng ikinasal kami dahil natural lang kay Kevin na pabago-bago ang mukha ng mga babae nito dahil likas na sa binata ang pagiging playboy....
Pero umabot na sa ganitong punto na sinasaktan na ako bahagyang namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iiyak na wala namang patutungohan.
Narinig ko ang ugong ng sasakyan na umalis ng mansyon kaya bumangon ako. Dali-dali akong lumapit sa bintana at nakita ko ang kotse na papalabas na ng gate. Baka hinatid na ni Kevin yung girlfriend nito dahil medyo tumila na ang ulan kaya dali-dali akong lumabas para kumain dahil talagang gutom na gutom na ako. Ayokong lumabas kanina dahil andyan sila at paniguradong aawayin ako ng girlfriend ni Kevin at kakampihan din ni Kevin ang babae. Sino ba naman ako di ba para
Kanina ko pa gustung-gusto kumain nitong lechong paksiw na nasa ref ko nilagay kagabi. Akala ko ay kinain Iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako. Noon ay hindi ako makakain ng ganito dahil hindi namin kayang bumili ng ganitong pagkain. Naintindihan ko kung bakit hindi man lang namin ito nakain ni Van noon. Bagoong lang at asin ay sapat na talaga sa amin minsan pa ay walang bigas na masaing. Dali-dali ko itong nilagay sa microwave at kumuha ng coke sa ref. May kaunting kanin sa rice cooker pero hindi na ako nagsaing baka babalik kaagad sila Kevin at yung jowa nito at pagdidiskatihan na naman ako. Para akong magnanakaw sa ginawa ko at halatang patay gutom. Sobrang bilis ng galaw ng mga mata ko dahil sa pagmamasid sa paligid. MAsama ang ugali kapag mayaman ka pero hindi naman lahat yun ay opinyon ko lang ang ibig ko lang sabihin ay si Stephanie. Simula nung dumating ako ay ito lang ang nananakit sa akin. Bihira lang ang nakakaintindi sa aming mahihirap. Karamihan ay parang basahan talaga ang turing sa amin at sanay na ako sa ganyang pakikitungo. Matapos kong mainit sa microwave ang lechong paksiw ay kaagad akong kumain.
Halos mabulunan na ako sa pagkain ng balat ng lechong baboy dahil sa pagmamadali. Inorder ko pa ito kahapon dahil nakakatakam at gusto ko lang maranasang kumain ng lechong baboy na ulam ng mga mayayaman. Promise, pag-uwi ko ay ililibre ko si Tatay at si Van ng ganito dahil napakasarap.
"Take it slow Minerva." Sa gulat ko ay nalunok ko ang kinain ko kaya dali-dali kong binuksan ang coke pero inagaw niya yun sa akin.
"See? Mabubulunan ka niyan. Do not drink like this... it's not good for your health. water is enough, " Natigilan ako sa pagkain at may nilagay itong isang basong tubig sa tabi ko. . Kaagad kong inilugay ang aking buhok baka mapansin ang sugat sa mukha at bahagya kong niyuko ang ulo ko.
"Ahm.. gusto ko ng soda, Sir." Sabi ko at nanginginig ang kamay ko sa takot. Takot akong masaktan o kaya'y pagbuhatan ako ng kamay.
"Sir? Are you making fun of me, Minerva? Why not call me baby, darling, babe, love or whatever dahil pinakasalan mo naman ako dahil sa pera. Damn I am your husband kaya wag mo akong matawag-tawag na sir." Galit na turan nito. Aba ang galing. Husband daw o saan naman niya napulot ang husband na yan. May husband ba na nagdadala ng kabit sa bahay?? Gusto kong itanong pero baka iba ang aabutin ko sa kanya.
Gustong sabihin sa kanya kung asawa ko siya bakit siya nag-uwi ng babae dito. Paano na lang kung biglang darating si lola at mabulilyaso kaming dalawa na ganito pala kami kapag wala sila sa bahay?. Pero pinili ko na lang ang manahimik kesa makipagsagutan sa kanya.
"Uuwi si Lola----f**k! What the hell happened to your face Minerva, I am very much sure wala pa yan kagabi!! Sinong may gawa nyan?!" Nagtaas ito ng boses ng bigla niyang hawiin ang buhok ko. Para itong natakot sa mukha ko kaya nilugay ko ulit ang buhok ko at isang butil ng luha ang tumakas sa mata ko. Ayokong tawaging pabebe kaya hindi na ako nag salita. Alam ko namang hindi siya maniniwalang kagagawan to ng girlfriend niya.
"Ok lang. Nabangga lang ako---"
"Stop telling lies. Sinaktan ka ba ni Stephanie?? "
"Wag kang mag-alala hindi ko naman sasabihin kay Lola Minda. Tikom ang bibig ko. Wala ni isang salita ang lalabas sa labi ko na nag-uwi ka ng babae dito. Kaya ko ang sarili ko."
"Bullshit!!! That's not what I am concerning for, damn it! " Tinitigan niya ang mga sugat ko at kumuha ng first aid kit sa banyo. "Face here."
At iniharap niya ako sa kanya. MAhapdi ang paglapat ng bulak na may betadine sa sugat ko. Ayokong makarinig siya ng reklamo kaya nagtiis lang ako. Tumulo na naman ang luha ko na hindi ko alam kung bakit naging iyakin ako ngayon. Kaagad naman niya iyong hinipan.
"I told you, marrying me is like looking for trouble woman. It is still not too late to back off as long as hindi ka pa buntis." Sabi niya at tumagos yun sa puso ko. Napalunok ako ng laway at pinigilan ang sarili na wag iiyak sa harap niya mismo.
"Bakit ang lamig mo sa akin?" Gusto kong sampalin ang bibig ko pero huli na ang lahat. Yucks nakakahiya ang tanong ko at kahit siya at natigilan din sa tanong ko na bigla na lang lumabas sa labi ko..
"Well to answer that question, ayokong mahulog ang loob mo sa akin lalo na at wala akong planong tugunan ang mararamdaman mo Minerva. Hindi ako nagmamayabang pero iniiwasan ko lang ang posibleng mangyayari sa buhay natin. Lahat ay ginawa ko lang para magbuntis ka bigyan ng apo si lola kahit ayoko pa para lang matahimik siya at tigilan ako. I just hope and pray na sa isang araw ay wala ka na sa poder ni lola at magsimula ng bagong kabanata sa buhay mo. You don't belong to my world dahil masasaktan ka lang."
"Pero bakit... Bakit naging mabait ka sa akin?" Gusto kong pumiyok pero gusto ko pang marinig ang sasabihin nito kahit nasasaktan na ako.
"Kahit papaano ay darating ang panahon na magiging ina ka sa magiging anak ko. Hindi naman masama ang magiging mabuti sayo. Wag mo lang bigyan ng halaga ang pakikitungo ko sayo. I did this to you as you're my surrogate wife.." sabi niya at nakuha ko na ang ibig sabihin nito. Mas mabuti pa ngang sa akin na lang ang nararamdaman ko sa binata.
Maya-maya ay may tumawag sa cellphone nito. Nakita ko ang pangalang Stephanie at hinayaan niya lang yun na nagri-ring.
"Sagutin mo na. Ok lang naman ako." Sabi ko at iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.
"Stop being kind. Ayokong ganyan ka kaya ka nga pinagsasamantalahan ka ng mga tao dahil wala kang reklamo kung inaabuso ka na.." At tumayo ito at sinagot ang tawag. "Hello, magkita tayo. Ngayon din.." Tumayo ito at ibinalik sa banyo ang first aid kit.
"Aalis muna ako. Wag mo na akong hintayin uuwi din naman ako."
"MAy ulan pa Kevin."
Pero hindi siya nakinig at iniwan ako dito sa kusina.
Ako na naman naiwang mag-isa sa malaking bahay na to. May mga kasambahay naman dito pero nasa kabilang building naman silang lahat nagpapahinga dahil sa ulan. Wala namang trabaho dito sa mansyon at walang may gustong kaibiganin ako.
PAgkatapos kong kumain at uminom ng tubig ay pumasok ako sa silid na tinutulugan ko kagabi. Naantok na ako sa sobra kong busog. Baka tataba ako nito ng husto baka insulto ang maabutan ko nito. Lumapit ako sa bintana at umaambon pa rin sa labas Nagpalit ako ng swimsuit na bigay ni Mama Grasya at pumunta sa swimming pool. Wala namang tao kaya nagpasya kong magpaulan sa pool at nagbabad. Sobra kong inaliw ang sarili ko dahil first time sa buong buhay ko ay nakaligo na rin ako ng swimming pool.. Marunong naman akong lumangoy dahil dati naliligo kami noong bata pa kami sa may ilog Hindi kalayuan sa squatter na tinitirhan namin. Wala naman kaming pakialam noon kung madumi yun o hindi basta marami kaming maliligo at nag-eenjoy. NAgdadalaga na ako saka ko lang naisip na madumi yung tubig.
Dati hindi kami nakikinig kay Tatay dahil kanya-kanya kami ng takbo para maligo lalo na kapag sobrang init ng panahon. Napangiti ako sa naisip ko noon. Ang sarap maging bata. Balang araw kapag magkaroon na ako ng sariling pamilya at mga anak ay hindi ko ipagkakait sa kanila ang kasiyahan ng pagiging bata.
"Hi."
Muntikan pa akong makainom ng tubig sa pool nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Hindi ko naman kasi namalayan na nasa gilid na din pala ako ng pool habang nakalutang lang ako.
Hindi siya si Kevin pero gwapo siya at nakangiti ito. Friendly ang hitsura niya at wala sa mukha nito ang pagiging strikto. Aware naman ako na naka swim suit ako kaya umahon ako at nagsuot ng robe na nilagay ko sa bleacher.
"Ahm, sino po sila?" Tanong ko. Hindi ba nito alintada ang ambon?
"I'm John, and you are??"
"Ahm, ako si Minerva. Ah, umalis kasi si Kevin, kaya wala siya dito. "
"Yun nga ang sabi sa akin ni manang. Hindi nga ako nagkakamali sa duda ko. Bakit ka ba nagpapaulan?"
Ngumiti ito, hindi ko alam kung bakit nakangiti siya sa akin na Parang kilalang-kilala niya ako.
"What's wrong with your face?" Alalang tanong nito na akmang aabutin niya ang sugat sa mukha ko pero maliksi akong umiwas.
"Ah wala to. Teka lang po magpapalit lang po ako ng damit."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dali-dali akong pumasok sa bahay at saglit na nagbanlaw sa banyo. Sino nga ba siya at parang tuwang-tuwa ito na nakita niya ako.
Isinuot ko ang bigay ni Mama Grasya na bulaklaking short at puting fitted sando at bumaba na. NAkita kong nakaupo ito sa upuan ng Island counter at naglalaro ng games sa cellphone nito. .
"Excuse me, sir, ano pong gusto niyong inumin." Tanong ko sa kanya at huminto ito sa paglalaro at nilagay ang cellphone sa tabi.
"Brandy will do, Minerva. Yung JD. Stop calling me sir, balang araw ay tatawagin mo ako sa pangalan ko."
"Ok po." Tumalikod ako at kumuha ng maiinom nito. Isa siguro siya sa mga pinsan ni Kevin.
"Walang binanggit si Kevin sa akin na may Maganda pala siyang babae na itinatago dito sa bahay niya."
"Ah kaanu-ano ka po ni Kevin?"
"Ikaw talaga feeling ko matanda na ako niyan na laging may po sayo. Pinsang hilaw ko siya. My foster mother is his mother's half sister so ganun. I used to stay here whenever I want, kaya nagulat ako na may babae na dito."
Napatulala ako sa sinasabi niya. Hindi ko masyadong na-gets. Ano bang ibig sabihin ng foster?
"Aah ganun ba?"
"Seriously Minerva, hindi mo ba ako naalala?" Tawang tanong ni John at lihim na iniirapan ko siya. Kung kilala ko siya ay malamang na magsasaya ako dahil may kakampi na ako at masusumbongan ng mga problema ko.
"Ah hindi po. Parang familiar sa boses mo pero di ko lang maalala kung saan kita unang narinig." Sagot ko na lang at tumango-tango ito at nagseryoso ulit ang mukha nito.
"I'm so happy to see you again. hindi naman ako masamang tao at kilalang-kilala mo ako noon dahil sabay tayong lumaki. Maaaring nakalimutan mo ako pero hindi ako nakalimot. Masyado ka nga lang bata para maalala mo pa ako. Remember yung bad boy sa lugar kung saan tayo lumaki, yung si boy galos?"
Pilit kong inaalala kung saang banda sa squatter kami nagkita. Wala namang gwapong nilalang na napadpad dun. Hinahayaan ko lang siyang magsalita at baka may kamukha lang ako na kilala niya at ako ang napagkamalan niya. Wala naman akong naalalang boy galos sa panahon na yun.
"Hey man." NAgulat ako ng biglang sumulpot si Kevin sa likuran ko at agad pumulupot ang braso sa beywang ko at hinalikan ako. Sa ginagawa niya ay gusto ko siyang sampalin dahil sa pambabastos nito. akala mo kung sinong sweet kapag kaming dalawa lang. At hindi ako natuwa sa ginagawa niya. Halatang nagulat si John pero umiwas ito ng tingin. Akala ko ba umali ito at nakipagkita kay Stephanie bakit ang bilis naman yata niyang bumalik wala pang dalawang oras ang nagdaan.
"Where have you been man?"
Sabi ni John kay Kevin at nag fist bump silang dalawa, akma akong aalis pero humigpit ang hawak sa akin ni Kevin.
"Just outside. You've meet my wife huh, it's Minerva." Tumingin si Kevin sa akin at parang pinagduduhan ako dahil kinausap ko ang isa sa mga kaibigan nito. Hindi ko naman sinabi kay John ang usapan namin at makatingin siya sa akin parang ibinulgar ko ang lahat-lahat. "This is against in our agreement." Bulong niya sa akin kaya napalunok ako.
"Yeah, your wife? I didn't hear that. Is that Lola Minda's idea? I found her sa pool at naistorbo ko yata ang swimming session niya nang dumating ako."
Nakita ko ang pagtatagis ng bagang ni Kevin at mukhang natigilan ito sa narinig ni John. Ang OA niya kung ganun.
"Care to go upstairs baby, I'll follow you later." Bulong nito sa akin kaya tumayo ako at dali-daling umalis.
"Nice meeting you, Minerva. See you later." Sabi ni John at nginitian ko lang siya.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang ako sa sinasabi nito. Iniwan ko sila at pumasok ako sa silid na tinutulugan ko kagabi. Nakita ko na naman sa bintana na umuulan. Masama yata ang panahon ngayon. mabuti na lang at hindi malakas ang hangin sa labas. Wala naman akong narinig na may bagyo ngayon.
NAisip ko, Hanggang kailan ba ako dito? Kailan ba ako makakauwi sa probinsya, at bakit parang kilala ako ni John?
Wala naman akong balak makinig sa usapan ng magkakaibigan kaya sa aking pagkukulong sa kwarto ay naghanap ako ng basahan na ililinis ko sa sahig. Sumasakit na ang katawan ko sa kakahiga sa malaking kama kaya gusto kong maglinis. Dito na ang kwarto ko kaya lilinisin ko ito at kukunin ko ang mga damit sa kwarto ni Kevin mamaya.
Inayos ko ang beddings at nagpalit ng bagong kumot. Pinatay ko ang aircon at binuksan ang bintana. Sumalubong sa mukha ko ang lamig ng hangin. Napaka.presko. Umaambon pa rin. Binuksan ko na rin ang terrace at en-enjoy ang buong view ng mansion nila. Sarap sa taenga ang patak ng mga ambon at naisip ko na namang maligo pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko kailangang magkasakit dahil yun ang ayaw ni Kevin. Matanda na si lola para mag-alala pa sa akin.
Si lola, tumatanda na si Lola pero sa napansin ko ay walang time ang pamilya niya sa kanya at naaawa ako kay lola. Paano na kung nasa higaan na ito tumatambay at dahil sa busy sila Kevin ay maaring walang panahon sila kay lola.
Balang araw pagkatapos kong mag-aral ay dadalawin ko palagi si lola at ako mag-aalaga sa kanya. Hindi ko kayang isipin na pinabayaan na si lola sa edad nito. Kung ok na nga sana ang mga papeles ko ay malamang daw na dadalhin ako nito sa ibang bansa para may kasama siya pero hindi pa kasi tapos ang mga dokumento ko.
Kapag mayaman nga naman ay hindi mahalaga sa kanila kanila ang bonding kundi paano yumamam ng husto. Hindi naman masama ang mag-isip ka ng pera, pero para sa akin, buo at masaya ang pamilya ko at makakain kami ay sapat na para sa akin. Ayokong mamulubi ulit at baka matukso akong magnakaw para may laman ang tiyan namin at ayokong yumaman ng husto at baka makalimutan ko kung saan ako galing. Yun ang mas nakakahiyang bagay.
Umuulan din kaya sa probinsya?? Gustuhin ko mang umuwi ay kailangan ko munang tapusin ang mission ko sa pamilya Montero.
Pumasok ulit ako sa silid nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. Sobrang miss ko ang ganitong lamig pero nga lang sa amin noon sa skwater kapag uulan ay sari-sari din ang mga dumi na magkakalat sa paligid. Nandun yung mga tapon na mga diaper, basura na itinapon sa ilog ay nadadala ng tubig pabalik sa bahay namin dahil karamihan ay kulang sa disiplina at ganun na rin ang nagisnan naming mundo. Marami akong kaibigan dun pero ngayon ay kanya-kanya ng diskarte sa buhay para lang may pera at isa na ako dun.
Bago pa magha-hapon ay lumabas ako para kunin ang mga gamit ko sa kwarto ni Kevin. Iilan lang ang mga damit kong dala dito sa mansion at ngayon ay para ng basahan ang hitsura dahil magaganda ang binili nila ni lola at mama Grasya para sa akin. Alam ko na dinamitan din nila ako para hindi ako magdala ng kahihiyan sa pamilya nila at kailangan ko lang matuto at sabayan ang status nila na libreng
Bumalik ulit ako sa guest room at bumalik ulit sa kwarto ni Kevin para maglinis. Sobrang gulo ng kama at nagkalat sa sahig ang mga damit.
Napabuga ako ng hangin, ganito pala ang gusto ni Kevin? Masasabi kong wild nga siguro sa kama yung Stephanie na yun halata naman sa hitsura kahit mukha siyang anghel ay mala-demonyo pa rin ang ugali.. Pinulot ko ang mga damit at nilagay sa basket. Inayos ko na rin ng bagong bedsheet at kumot. Nung isang araw ko pa ito pinalitan kaya hindi ko muna ito tatanggalin.
"Kapag mayaman nga naman hindi talaga sanay sa paglilinis. Inaasa lang lahat sa mga katulong." Sabi ko sa sarili ko at itinapon sa basurahan ang bra na naiwan nito sa kama. Wala rin naman akong magagawa kong magagalit at magwawala ako. Ikumpara kay Stephanie ay mukha akong yaya sa ganda niyang yun.
Pagkatapos ay umupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang tingin ko kwarto.
"Para na akong fairy nito." Sabi ko at nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Medyo mahaba nga ang sugat sa pisngi ko at hindi ko talaag ito makakalimutan kahit pa mabura ito pagdating ng panahon. Ito ang tanging alaala ko na natanggap ko dahil sa ginawa ko... Mahapdi pa rin at iniisip ko na lang na para lang akong nakagat ng langgam.
Dahil sa pagod ay humiga muna ako sa kama para magpahinga. Wala naman akong balak na dito matutulog pa. Last na to kaya pagbigyan niyo muna akong mag-isip ng magagandang bagay.
___________end of chapter 5___________