Kriiiiiiiing.
Kaagad akong napabalikwas ng mag-ingay ang alarm clock ko sa tabi at siyang paglabas ni Kevin galing sa banyo. Naligo ba siya di ba nag-iinuman sila ni John sa baba? Napalunok ako ng laway habang napatingin sa katawan niya na parang gawa talaga sa isang sculpture, napakapresko nitong tingnan at napaka-sexy dahil magulo ang buhok nito.. agad naman akong pinamulahan ng mukha dahil ang gwapo niya promise.. Blanko ang mukha nito na nakatingin sa akin kaya kaagad akong Napatingin sa bintana at nanlaki ang mga mata ko dahil umaga na pala at talaga bang dito ako nakatulog kagabi?
"Ahm, Kevin, umaga na ba?" Tanong ko baka lang naman na nananaginip lang ako at umangat ang kilay nito na para bang sinabi nitong ano bang pinag-iisip ng babaeng ito.
"Should I say good morning to you, my wife?" Sarkastiko nitong tanong sa akin. Oo at hindi lang naman ang sagot talagang sasagot pa ng nakakainis.
"Ahm hindi. Hindi kasi ako makapaniwala na dito ako nakatulog kagabi."
"I let you sleep here since nasa kabilang kwarto si John. Nakainom na kaming pareho kagabi kaya doon muna siya natulog. Aalis muna kami ni John. Baka mamayang gabi pa kami uuwi. Hindi ako maghahapunan dito, may ipapabili ka bang ulam para mamaya?" Napalunok ako ng laway dahil sa hiya. Natatagalan yata ako ng tingin sa macho niyang katawan kaya lihim kong sinampal ang mukha ko.
"Lechong paksiw, ok lang ba?" Kaagad kong sagot sa kanya.
Nagtatakang tumango ito at lumabas na ng silid. Nakapagtataka ang kilos nito lalo na at nagtanong kung anong uulamin ko bukas. Hindi naman siya nakikialam kung anong kakainin ko basta may grocery naman dito palagi.
Wag mong kalimutan Minerva ang sinasabi niya kung bakit mabait siya sayo. Wag puro assume.
Isip ko. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Kesa naman maglalandi ang utak ko dito sa kama wala rin namang mapapala.. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Kevin kaya inayos ko muna ang kama bago ako bumaba.
Wala naman akong magawa dito sa bahay kaya nagpasya akong mag movie marathon sa sala nang umalis na silang dalawa.
"Good morning Minerva." Napatayo ako ulit nang biglang may pumasok at si John yun. Nakangiti na naman siya na parang naaaliw sa akin habang kilala niya ako at nananatiling misteryo siya sa akin. Siya daw si boy galos.
"Good morning din. Akala ko aalis kayo."
"Ah oo. Nakalimutan ko lang ang cellphone ko. What's up for today?"
"Ah manonood sana ako ng movie." Sabi ko sa kanya at tumango-tango lang ito at dali-daling umakyat sa hagdan at pumunta sa silid at bumaba rin kaagad bitbit na ang cellphone nito. Nakita ko si Kevin na papasok rin kaya umupo ako kaagad at namili ng movies sa tv. Nagpapaturo naman ako noon kung paano ito e-operate kaya alam ko na kung paano gagamitin itong remote ngayon.
Umupo din si John sa tabi ko at sabay itinutok ang cellphone nito sa amin.
"Cheese."
Sabi nito at naiwan akong nakatulala dahil sa ginawa nitong pagkuha ng litrato sa aming dalawa. Dali-dali din itong lumabas kasama si Kevin. Napalunok ako ng marami dahil nakatingin si Kevin at baka inisip nitong nilabag ko na naman ang usapan namin. Napabuga na naman ako ng hangin at napasuklay sa buhok ko.
Naghanap ako sa tv ng magandang movie at hindi ko pa na play ang movie ay may dumating na sasakyan. Akala ko ba mamaya pa sila uuwi? Hinintay ko lang silang pumasok sa mansyon... ulit.
"Surprise, hija. I'm home."
Si lola minda. Paanong nakauwi kaagad si Lola?
"Lola, bakit po kayo umuwi kaagad--" napatayo ako at kinakabahan ako dahil seryoso ang mukha nito na imbes na masaya ay galit na galit ito.
"I really rush coming home nang mabalitaan kong may ibang babae na dinadala si Kevin dito sa pamamahay ko and your face explains everything."
May maitatago pa ba ako sa isang Dra. Luzviminda Montero?? Pinamulahan ako ng mukha dahil nalaman nitong nagsinungaling ako.
"That guy really need to be punished. Don't worry hija ipaghihigante kita. Walang pwedeng manakit sayo dito at tuturuan ko ng magandang leksyon ang dalawang yun."
Nalungkot ako sa sinasabi ni Lola. KAya naging suwail si Kevin dahil masyado nila itong pine-pressure na parang bata pa ang iniisip. Malaki na ito. Ako na naman ang pag-aaksayahan ng panahon ng nobya ni Kevin at ayoko ng maulit pa na masusugatan ako.
Niyakap ko si lola...
"Hija what's wrong?" Alo niya sa akin.
"Lola, wag na po. Tama na po, wag na po.. Naisip ko po kanina na pwede namang idaan sa mabuting usapan si Kevin. Nasasaktan na din po ako dahil daw inagaw ko si Kevin sa kanya."
"What do you mean, Minerva? We can sue that woman if you want at wala siyang karapatan na saktan ka ng babaeng yun. You are a legal Montero at wala ng iba pa." Naupo si Lola sa bakanteng upuan.
"Lola, naintindihan ko po si Stephanie. Nasasaktan po kasi siya, nagseselos po siya sa akin. Dahil dyan ay sinasaktan niya ako. Paano na lang kung mas higit pa nito ang gagawin niya sa akin. Lola lalong lumalayo ang loob ni Kevin sa inyo dahil iniipit nyo po siya. Gusto nya pong malaya ang lahat. Gusto niya po si Stephanie at hindi ako ang gusto niyang makasama at magiging ina ng anak niya po" humahalo na ang sipon ko sa mga luha ko at binigyan ako ni lola ng panyo nito at hindi na ako nahiyang gamitin yun.
"So your saying that you're quitting now?" Malungkot na tanong nito.
Marahan akong tumango. Huminga ito ng malalim.
"Then in one condition..."
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Ano po yun la?"
"Wag ka munang umuwi sa probinsya hija. I just can't let you go like that easily. Masaya ako na nagkaroon ako ng isa pang apo at alam kong napakabait mong bata. Hindi pa kita basta-basta papauwiin at baka magbubuntis ka na at ako ang sisihin ng ama mo. Be my personal assistant for the mean time. Mahigit pa rin ba dyan ang kapalit ko para sa kalayaan ng apo ko?"
Nalungkot ako ng maisip ko na kailangan ni lola ng kasama habang tumatanda ito. Naaawa ako sa kanya kaya inabot ko ang kamay niya.
"Ok po la. Hindi ko po kayo iiwan dahil aalagan pa po kita. Inalagaan niyo po ang pamilya ko, at kung kailangan niyo po ako ay hindi ako magdadalawang-isip na tulungan kayo."
Niyakap ako ni lola ng mahigpit. Ang desisyon namin ngayon ay paniguradong para sa ikabubuti ng lahat.
______________________________________
Kevin's POV
"Hey babe. What's the rush---ouch! Ano ba Kevin nasasaktan mo ako."
"Bakit mo ginawa yun kay Minerva?"
She rolled her eyes of annoying.
"That b***h deserved it. Nilalandi ka niya and what---"
"She's my damn wife at kapag nalaman yan ng lola ko ay tiyak na malilintikan ka sa ginagawa mo. Kilala mo ba ang lola ko, huh?"
"I'm not scared."
"Then don't call me babe. I don't need another bitch." Sabi ko sa kanya pero bigla niya akong sinampal.
"Kinakampihan mo ba siya? Kevin you know that I give you my all--"
"Were you virgin? Of course not di ba. You don't give me your everything. Walang ibang babae makapagsasabi niyan, only my wife."
Natigilan ito at iniwan ko siya out of irritation. She's just my bedwarmer.
Umuwi na ako kaagad galing sa pakikipagkita kay Stephanie. Pagkaparada ko sa garahe I know that someone's here at alam ko kung sino ang nasa bahay, naabutan ko silang dalawa sa may counter. Si John, Natural lang sa kanya ang pagiging palakaibigan at si Minerva napaka-inosenteng tingnan ng babae na parang walang maintindihan sa pinagsasabi ng lalaki. Is he trying to scheme Minerva? Napalunok ako ng maraming beses dahil humatak kaagad sa mga mata ko ang hita ng babae. Curvy, yun na ang masasabi ko sa kanya at tanging tachado lang ay ang sugat nito sa gilid ng pisngi. Mahaba ang sugat na natamo ni Minerva mula kay Stephanie at ang sabi ng huli ay at parang sumulak ang dugo ko kaya itinapon ko siya na parang basahan lang.
Nilapitan ko sila at sinabi kong paakyatin ito sa kwarto.
"Ang swerte mo, man. It's a good thing at mabait ang magiging pinsang hilaw ko dito." -John
"You like her?"tanong ko sa kanya. Wala naman akong problema kung pakikipagkaibigan lang ang pakay nito.
"I like her to be my friend. She's kind." Napatingin ako kay John. John is naturally friendly but something inside me doesn't like his style..
Wala akong masagot sa sinasabi niya since totoo naman.
"Paano mo naging asawa si Minerva? Pabigla-bigla yata?"
"It's my grandma. Alam mo naman si Minda., hindi kami ikinasal ni Minerva sa judge or sa simbahan, just a piece of paper."
"What the hell? What for?" Napatingin ako sa kanya dahil tumaas ang boses nito. Sinasabi ko na ba at magagalit ito kapag sinasabi niyang ganito ang lola ko. Tinungga ko ang inumin ko.
"To give me a child. She's my surrogate wife, Johnny."
Natahimik si John sa sinasabi ko at kinuyom ang kamao nito..
"So you don't like her and you don't threat her like a wife, ganun ba?"
"Come on. Anong magagawa ko kung kahit ako ay ginulat lang din? Impossible din namang mamahalin ko siya gayung hindi ko siya kilala."
"Paano na lang pag maagaw siya ng iba? Count me off, I'm just being good to her." Depensa pa nito sa sarili.
"Not yet. Not unless bigyan niya ako ng anak."
"What the hell were you thinking? Parang humingi ka lang ng tuta ah?"
"I have no choice."
"Please be nice to her, she's kind at naninibago din siya sa mga tao dito."
"As long as you're nice to her."
"Of course. She's a friend now."
Nagtawanan kami and clank our glasses.
"How's married life? Is it exciting?" Tinignan ko si John na puno ng kuryosidad ang mga mata nito pero hindi ko lang
"Still the same. Parang walang nangyari lang. At first, syempre nagalit ako pero sa ngayon kailangan ko munang tanggapin ang katotohanan para tigilan lang ako ni lola next year."
"How sad huh? Kung ako lang ang nakahanap sa kanya ng una ay bihira lang talaga ako lalabas ng bahay just to spend time with her."
Napatingin ako sa kanya.
"John, you mean you like my wife?"
"We're friends and she's my friend."
"That doesn't answers my question."
"Of course not. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ako mapapagaod maghanap ng maaasawa. Bahala na si batman." Tawang sabi nito.
Wala naman siya sa posisyon na tanungin ang pribadong buhay mag-asawa namin ni Minerva. Para siyang kabote na curious sa aming mag asawa. Minsan iisipin ko na talagang may gusto ito kay Minerva. Well, he's late. Asawa ko na eh. He loss. . I don't know kung bakit parang palagi kong iniisip na karibal ko siya sa lahat ng bagay. Masyadong pambata pero hindi ko maiwasan din minsan.
Nag-inuman lang kami hanggang sa lumalim na ang gabi. Syempre hindi ko na siya pinauwi pa dahil nakainum din ito. Pagpasok ko sa kwarto ay payapang natutulog si Minerva. Hindi ko na ito ginising para maghapunan dahil baka maistorbo ko ang panaginip nito.
------------
Kinabukasan din ay maaga akong nagising dahil may duty pa ako at magtatambay din kami ni John sa Scenario pagkatapos ng duty ko.
"Why did you do that?" Tanong ko sa kanya nung umalis na kami sa bahay.
"What?'
"Picture taking with her without my permission."
"Hahahah come on. Sasabihan ko ang mga kaibigan natin na lihim kang nag-asawa bro."
"You can't do that."
"Hahaha try me."
Hindi na ako sumagot pa dahil talagang susuwayin nito ang lahat ng gusto ko kaya madalas ay naiinis ako sa kanya. Dumaan lang ako sa bahay niya then I drove away. He has his own car pero nagtitipid daw ang loko kaya naki-hitch ito.
_________________
Dala ko ngayon ang ointment pagkatapos ng duty ko sa ospital. Naubusan na pala ako sa bahay kaya nagdala na ako para sa sugat ni Minerva. Hanggang ngayon, I hate Stephanie for hurting to Minerva, Takot ko lang na malaman ni lola. Though Minerva is not really my type, masyado siyang young para sa akin, at maliit. Wala naman na akong magawa dahil kasal na kami, though masaya ako na ako ang unang karanasan niya, still gusto ko pa rin ang maging malaya talaga. Ang buhay binata. Bata pa rin naman ako... by heart.
Pagkarating ko sa Scenario ay dumiretso na ako sa private room namin ng mga kaibigan ko. Si Trevor na kahit may asawa at anak na ay pinapayagan pa rin ni Odi na may boy's night out pero nga lang hanggang twelve o clock lang.John is already there at preskong-presko pa ito. Si Harold na single dad at hindi ko alam kung bakit naging ok dito na chickabeb ang yaya ni Guia alam ko kayang hate na hate ni Harold ang mga chx, yun ang balitang alam ko ngayon. Maganda din yung Aya na yun. Crush ko. . pero nga lang na may asawa ako ay limitado na ang paglalandi ko. Maiisip ko naman minsan si Minerva eh.
Walang mga bebot dito sa private room namin dahil nga bawal kay Trevor. Sobrang tapang ni Odi kapag nagagalit yun, iiyak tong si Trevor. Pero secret lang ha.
"Kumusta bro. Galing duty?" - Harold
"Uh.. musta si Guia?" Tanong ko.
"Ah, andun sa bahay. Bisita ka naman dun minsan."
"Sure?"
"Of course not. Biro lang. Wag kang pupunta dun. Ayokong magpapapunta ng mga kaibigan sa bahay ko." Napaka-straightforward nito at hindi ko lang alam kung bakit na-ban kami ha.
"How's Steph?"-Knight
"Hahaha para mo ring tinatanong kung kumusta na kayo ni Kayla. Anyway, Wala hiwalay na kami. Tapang eh."
"Cheers to the happy life everyone." -Chase.
"Cheers!!!!."
At napuno ng tawanan ng silid namin and in unison we clank our glasses as if we're celebrating our victory in basketball.
"Hi. Ikaw ba to Minnie mouse?... wala ka bang cellphone para doon na lang tayo mag-uusap.... Ay wala? Kailangan yun eh di bali bibigyan kita.. Hmmm talaga? Seryoso ka ba? Ah sige po,sabihin kay lola papunta na po ako." Narinig ko si John as always, panay ang tawag nito kahit na sino eh.
"Hey Kev... alam mo ba na umuwi na ang lola mo?" Pukaw sa akin ni John. Para akong kinabog dahil sa sobrang kaba at bakit napaaga ang uwi ni lola?
"What?" Napatingin ako sa kanya. Kanino niya nalaman?
"Yeah, tumawag ako sa mansyon niyo, and Minerva is on the line" -sagot nito at umangat ang kilay ko. Bakit niya naman tatawagan si Minerva sa bahay? What made him think na pwede niyang tawagan si Minerva whenever he wants to?
"s**t I have to go. Pre mauna na ako. Nasa bahay na daw si Lola eh." Paalam ko sa kanila.
"Pero hindi ka daw hinanap ni lola." -John
"....tsk, I have to explain."
"Sige, get rid of your grandmother Kev. You are living under her spell. Para kang under de saya niyan kapag mag-aasawa ka na." Sabi ni Chase na talagang ayaw niya sa lola ko.
"May asawa na nga kasi si Kevin, Chase." Sagot ni John, damn this man. Sobrang taklesa kaya pinandilatan ko siya for him to get the clue.
"WHAT?????" They answered in unison.
"Weeh? Maniwala? Pakita mo nga. Puro ka bubbles eh." Sabi ni Dex.
"Look here. Oh di ba, ganda ng asawa niya." At ayun ibinibida pa ni John ang picture ni Minerva.
Trevor and Harold's reaction. Knowing Harold hindi yan masusurprise kapag hindi pag-aasawa ang pag-uusapan. Siguro masaya ito para hindi ko lalandiin ang yaya ni Guia kaya ban ang mga lalaki na pupunta sa bahay nito.
cool pa si John
while this is Chase and Dex.
"Damn man, kelan pa?" Sabi ni Trevor.
"Aish, hindi ko yun asawa. Hired baby maker lang ni lola yun."
"What?? Kailan pa nauso yan ng lola mong walang magawa sa buhay? Talagang nakakainis yang lola mo ha. Di ko talaga siya type maging lola sobrang oa. " Sabi ni Chase honest naman yan si Chase kahit naman ako. Hate ko si lola.
"You know my grandmother. Sige na uuwi muna ako guys."
"I swear Kevin, get rid of your lola."
Pahabol na sabi ni Chase. Hindi na bago sa akin kung bakit hindi niya gusto si Lola. Bagkus ba namang pareho kami ni Chase na mahilig sa babaeng magaganda.
Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si John. Anong kaepalan na naman nito. Sumakay ito sa front seat at muling nagtipa sa cellphone nito.
Malamang may bagong textmate ang loko.
Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan. Hindi naman ako mahilig sa car racing katulad ni Harold na parang hangin lang ang dating.
Wala kaming imikan ni John dahil nape-pressure ako sa biglaang pagdating ni Lola. For sure magagalit na naman yun kung bakit nambabae na naman ako at malamang guguluhin na naman nun si Stephanie dahil sa p*******t nito sa alaga ni Lola, which I don't care kung sasaktan nito si Stephanie. It doesn't matter to me since I broke up with her.
Pagdating namin sa mansyon ay dali-dali akong bumaba dala ang ointment. Oh no, may nakalimutan pala akong bilhin. Yung lechong paksiw... Ah bukas na lang.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong magkaharap sina lola at Minerva. Halatang ginagamot ni lola si Minerva at nagtatawanan pa sila at Bihis na bihis ang dalawa. May lakad?? Napalunok ako ng laway, hindi ko napansin si John na sumunod sa akin.
"Hijo, you're home." Masayang bungad sa akin ni lola. NAg-iwas ng tingin sa akin si Minerva pero lumapit ako para halikan ang Abuela ko. Hindi galit si lola and I know there is something wrong with this kung bakit ganito. I know my grandmother.
"Nakabihis kayo." Wala sa sariling tanong ko.
"Oh yes, lalabas lang kami ni Minerva. Don't worry, John is with us. Sabi ni John ay nasa Scenario kayo, what's the rush hijo?"
No, John??
"Why John, why not me? Let me drive you where you want to have some dinner."
"Kevin, relax. Si John dahil kailangan ko ngayon si John, I have something to tell him. . Anyway, just a dinner outside. Just me and Minerva." At tinapik ako sa balikat at ngumiti. I sigh in defeat.
"Ok."
At hinatid ko sila sa may garahe.
"Saan kayo pupunta?" Bulong ko kay Minerva habang nakapulupot ang braso ko sa bewang nito. Her sweet scent. I sniffed her shoulder and it drives me crazy. Stop it Kevin.
"Hindi ko alam. Walang sinasabi si Lola sa akin."
Naiinis ako bigla dahil sexy backless ang suot nito. Saang dinner ba ang sinasabi nito at bakit parang hindi ako imbitado. When I look at John na nagbukas ng pintuan sa driver seat ay umusbong na naman ang inis ko sa kanya. Alam ni John ang plano ni lola that is for sure.
"Hijo, you should come back to Scenario, baka mabagot ka pa dito."
"Ah. Oh. Can you call me when you get home?" Tanong ko kay Minerva para masiguro kong dito talaga sila uuwi at hindi kung saan-saang lugar kung nasaan si John.
This is cold war. Pailalim ang laban ni lola at ito ang hindi ko alam dahil wala man lang itong sinasabi o tinatanong kung paano nagkasugat si Minerva. O hindi kaya'y magaling ang cover-up ni Minerva dahil wala talaga siyang pagdududa sa akin.
________end of Chapter 16_________