Nang sumapit ang alas dose ng tanghali ay nagtanghalian muna sila, si Alrenn ang sumagot ng lunch nila at saka sila naghanda para sa pag gagala sa araw na iyon.
"Okay, Creed, you have to be always next to me since you are going to discuss first where we are going today," hinila pa ni Britain sa braso si Creed para makatabi sa kanya sa passenger seat ng kotse ni Alrenn.
"And you, Drei should sit next to Alrenn in the driver's seat na lang siguro tapos si kuya angkas na lang sa motor niya si Xyrene," wika pa ni Britain.
"Naks, tabi tayo?" Nakangiting pang aasar ni Alrenn kay Drei.
"Yes, sure,maliit na bagay," umirap naman si Drei kay Alrenn.
"Tara?" Inabot ni Lhuin ang helmet kay Xyrene na tinanggap naman ng dalaga, sa maikling panahon ay nasanay na din siyang umangkas kay Lhuin.
Nagtungo sila sa dog park na sinasabi ni Creed.
"Zitzu!!!" Sabay hila ni Britain kay Creed para puntahan ang mga zitzu na tila mga fashion model na rumarampa kasama ang mga amo nila.
Natatawa namang sumunod si Drei.
"Mahilig ka sa aso?" Tanong ni Alrenn.
"Sakto lang," sagot ni Drei.
"Gusto ni Britain magdala ng ganyan kaso sabi ko kung ako ang driver niya siyempre hindi pwede," wika ni Alrenn.
"Ang tyaga mo din no?" Puna ni Drei.
"Parang kapatid ko na siya, mas strict nga lang ako kay Lhuin,muntikan pa magsama ng yaya 'yan naku," natatawang wika ni Alrenn.
"Sila Lhuin?" Tanong ni Drei at nakita si Lhuin na kasama si Xyrene na tumitingin ng mga souvenirs.
"Pumili ka ng isa, gusto ko may remembrance ka," wika ni Lhuin.
"H'wag na, medyo mahal," wika ni Xyrene.
"Ako ng bahala, pakiramdam ko kasi parang first date na din natin 'to," wika ni Lhuin. Namula na naman si Xyrene.
"Hi,ma'am,hi,sir! Bili na po kayo ng souvenirs namin para po 'yan sa pang tuition ko sa darating na pasukan," wika naman ng dalagang tila nasa 18-anyos na din na nagbabantay sa souvenir stall na tiningnan ng dalawa.
"What do you think is best for her to keep?'"Tanong ni Lhuin.
"Para po sa kay ma'am, ito po," pinakita ng babae ang crystal na may figurine na aso sa loob at may glitters sa loob.
"Pakibalot, miss, para sa kanya," wika ni Lhuin.
"Ma'am ang sweet naman ng boyfriend mo," wika ng babae.
"Ah, boss ko siya," nahihiyang tugon ni Xyrene.
"Doon din po papunta 'yon," sagot naman ng babae.
"Ayaw pa sa'kin eh pero lahat gagawin ko para magustuhan ako," wika ni Lhuin nang marinig ang usapan ng dalawa.
"Tama po 'yan fighting!" Paghihikayat ng babae.
"Kaya ikaw pag nagka boyfriend ka dapat gano'n din ha, 'yung lahat gagawin 'yung talagang e-effort," bilin pa ni Lhuin.
"Oo naman po,why settle for anything less if you can have the best," tugon pa ng babae at inabot ang naibalot na souvenir.
"Hey, what are these?" Tanong ni Britain na iniisa-isang tingnan ang mga souvenirs.
"Ma'am, bili na po kayo, gawa po 'yan ng tita ko, bawat isa may porsyento ako pandagdag tuition lang po," sagot naman ng babae.
"Really? What's your name?" Tanong naman ni Britain.
"Vel, short for Velvet," tugon ng babae.
"So ,Vel, give me atleast five of these since nabilhan na naman ng kuya ang future girlfriend niya," wika naman ni Britain.
"Talaga po?" Tuwang-tuwa si Velvet na marami ang bibilhin nito kaya nagmadali siya sa pagbabalot.
"After this, I think I need to go shopping," wika ni Britain habang inaantay ang binibili nila.
"Clothes?" Tanong naman ni Creed. Tumango si Britain.
"Sige, I'll take you to one of the best in Sapphire Island," wika ni Creed.
"Ayos lang ba na pag nag shopping bumalik na lang ako after an hour?" Tanong naman ni Drei.
"Saan ka pupunta? Pwede ba kitang samahan?" Tanong ni Alrenn.
"Sa book store and yes you can come along as long as di mo ko aasarin," sagot naman ni Drei.
"I promise," ngumiti si Alrenn.
" Sige na, I'll just text you if tapos na kami," bumaling si Britain kay Alrenn.
NAGTUNGO sila sa Fabulosa Boutique.
Iginala ni Xyrene ang mata sa paligid, napaka ganda ng mga damit sa boutique na iyon katulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula na sosyal ang bida.
"Good afternoon, ma'am, I'm Serenade, I am here to assist you," pagpapakilala ng babaeng consultant sa kanila.
"I'll take a look around pero pwede ba'ng hanapan mo ng damit na bagay sa kanya ang kasama ko," nilingon ni Britain si Xyrene.
"Ha? H'wag na, hindi ko kaya ang presyo ng mga damit dito," tanggi ni Xyrene. Ngumiti si Britain at hinawi ang buhok ni Xyrene at inilagay sa likod ng kanyang tenga.
"Xyrene, dear, it's on me," wika ni Britain.
"H'wag na, nakakahiya," tanggi ulit ni Xyrene.
"Darling, don't make it hard for me, kuya will help you choose," tinapik ni Britain sa balikat si Xyrene.
"Tara na po ma'am," aya ni Serenade sa dalaga.Nahiya na rin si Xyrene paghintayin ang consultant. Si Britain naman ay hinila si Creed para samahan siya sa shoes section.
Kumuha si Serenade ng ilang piraso ng mga damit para dalhin sa fitting room.
Si Lhuin naman ay nag-aantay sa labas ng fitting room.
Isang dress na kulay asul ang unang nasukat ni Xyrene above the knee ito at spaghetti strapped, bumagay ang kulay sa maputi niyang balat.
"Ganito pala mag shopping ng damit ang mayayaman walang tingin-tingin presyo," mahinang nasabi ni Xyrene habang tinitingnan ang sarili niya sa salamin.Nakailan man ng sukat si Xyrene ay lalo namang nabibighani si Lhuin na tila ba lahat ay bagay sa dalaga ngunit pumili lamang siya ng tatlo ngunit ang una nitong sinukat ay di na niya pinahubad sa dalaga kasunod naman ay nilagyan ng make-up ang dalaga, napaka seductive nito sa pulang lipstick nito at sa smokey blue eyeshadow habang light lang ang blush on nito at kinulot din ang buhok niya.
Nagkakape si Lhuin sa couch nang paharapin sa kanya ng make-up artist ng boutique ang naayusang si Xyrene at di niya maiwasang mapanganga at ma-speechless sapagkat lalo itong gumanda,dating simpleng dalaga ay nagmukha lalong prinsesa.
"Aren't you stunning?" Tuwang-tuwa si Britain na naipabalot na ang mga nais niyang bilhin at gayun din ang mga iba pang damit na pinili ng kuya niya para kay Xyrene.
"Diba kuya, lalo siyang gumanda?" Nilingon ni Britain ang kapatid na titig na titig kay Xyrene ngunit imbis na tumugon ay inilahad nito ang kamay upang alalayan sa pagbaba sa upuan si Xyrene.
"Sir, ayos ka lang?" Tanong ng natatawang si Creed.
"Yes, of course," sagot ni Lhuin na di pa rin binibitawan ang kamay ni Xyrene at sa ngayon, Wala siyang balak bitawan ito. Si Xyrene naman ay di na tumutol paano eh halos matapilok siya sa heels na suot niya.
"Para sa'yo nga pala," inabot ni Britain ang paper bag na may mga damit na pinili ni Lhuin para kay Xyrene.
"Salamat, hindi na ko tatanggi ha," nahihiyang wika ni Xyrene.
"Tanggap lang ng tanggap h'wag mo na kong pahirapan," kinindatan ni Britain si Xyrene.
"Para naman sa'yo," inabot ni Britain ang isang paper bag kay Creed.
"You know you don't have to do this," wika ni Creed.
"Sige na, para sa matyagang pagsama," giit ni Britain.
"Thanks," tinanggap din ni Creed ang binigay niya.
" Oo nga pala, saglit na lang ako rito sa isla, pumunta kayo sa suite ko bago ko umalis, magpapa despedida party ako," wika ni Britain.
"Para ka naman palang celebrity," natatawang wika ni Creed.
"Mahilig lang talaga ko sa gathering," natatawang sagot ni Britain at kampanteng kumapit sa braso ni Creed. Napangiti si Creed at di na nag abalang umapila.
"Kumain na tayo, nag text na ko kay Alrenn na sa Maharlika Restaurant na tayo antayin para makapagpa reserve na din ng table," wika naman ni Britain.
Nag-aantay na sa Maharlika Restaurant sila Alrenn at Drei. Nagmamadaling hinila ni Lhuin ang isang upuan para kay Xyrene at natatawa namang naupo ang dalaga.
Masaya silang lahat na nagkwentuhan habang kumakain.
"Kuya, since naka dress si Xyrene, I guess sasabay na siya sa'min sa kotse kasi hindi na bagay sa kanya ang umangkas sa motor diba," wika ni Britain.
"Ano pa nga ba?" Tila dismayado si Lhuin.
"Kuya naman, makikita mo naman siya ulit bukas, h'wag ka ng magtampo," biro ni Britain.Hindi naman maiwasang sumimangot ni Lhuin dahil sa pang-aasar ng kapatid.
Nakasunod si Lhuin sa kotse ni Alrenn na tinatahak ang daan patungo sa bahay nila Xyrene.
"Ms.Britain, hindi niyo na ko kailangan ihatid sa bahay dito na lang siguro malapit na rin naman hindi kagandahan ang bahay namin nakakahiya," wika naman ni Xyrene.
"Eh ano kung hindi kagandahan, maganda ka naman," wika naman ni Britain. Natawa naman sila Alrenn, Drei at Creed.
"Saka grabe ka naman ihahatid ka na nga namin eh," wika ni Britain.
"Madilim po sa amin, gasera lang po Ang ilaw," wika naman ni Xyrene.
"Ayaw mo talaga? Hindi naman kami magtatagal," pamimilit ni Britain.
"Sige po, kayo na lang bahala kung gusto niyo talaga pumasok," wika naman ni Xyrene.
Nang marating nila ang kubo nila Xyrene ay nakita ito nila Britain, bagamat para sa dalaga ay nakakapanibago ng makita ng bahay na gasera lang ang gamit ay hindi pa gawa sa semento ang mga haligi.Tahimik ang kubo.
"Lola, " pagtawag ni Xyrene ngunit di tumugon ang matanda.
"Pasok kayo," aya ni Xyrene at sumunod naman ang lahat. Nagulat si Xyrene nang makitang umiiyak si Lola Isellah sa may lamesa.
"Lola," nilapitan ni Xyrene ang matanda.
"Hija, sumugod dito si Flame kanina sinasabi niyang umalis na tayo dito tutal mga magulang naman daw niya ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay natin," wika ni Lola Isellah.
Nagulat sila Lhuin sa narinig.
"Paano na tayo, apo? Wala na tayong mapupuntahan," umiiyak na wika ng matanda.
"Lola, hindi siya ang magdedesisyon niyan," wika naman ni Xyrene.
"Hindi natin kailangan umalis, alam ko pero kung araw-araw siyang pupunta rito para manggulo, hindi matatahimik ang buhay natin," sagot ni Lola Isellah at saka lamang napansin ang mga bisita.
"May mga bisita ka pala, paupuin mo sila at ipagtimpla ng kape," wika naman ni Lola Isellah.
"Magandang gabi po," bati ng mga ito.
"Lola, si Britain po, kapatid ko," pagpapakilala ni Lhuin sa kapatid.
"Good evening po, mga kaibigan po kami ng apo niyo," wika ni Britain.
"Ako po si Alrenn,best friend ni Lhuin," pagpapakilala ni Lhuin.
"Lola, kilala niyo na po ako at si Ms.Drei," wika naman ni Creed at ngumiti lang si Drei.
"Pagpasensyahan niyo na ang ka-dramahan ko," wika ni Lola Isellah."Maupo kayo at magkape."
"Huwag na po lola, hindi naman po kami magtatagal," tugon ni Britain.
"Salamat po sa paghatid," pasasalamat naman ni Xyrene.
"Xyrene," sambit ni Britain at biglang niyakap ang dalaga.Hindi maintindihan ni Britain ang nararamdaman parang gusto niyang maiyak sa sitwasyon ni Xyrene, magkahalong pag-aalala at awa ang nararamdaman niya.
"Mag-iingat kayo dito, iaalis namin kayo sa lugar na ito," wika ni Britain pagka kalas sa pagkakayakap kay Xyrene at nagmamadaling lumabas at tumakbo sa kotse si Britain.Agad na hinabol ni Lhuin ang kapatid.
"Hey, what's wrong?" Tanong ni Lhuin.
Bigla namang napahagulgol si Britain.
"Kuya, ialis natin sila dito, hindi nababagay si Xyrene dito," umiiyak na sabi ni Britain.
"I can't do that right now, nagsisimula pa lang ang negosyo ko at isa pa, wala ako sa posisyon para gawin 'yon, hindi ko siya girlfriend," paliwanag ni Lhuin.
"Pakasalan mo siya, kuya, kunin mo sila, kinakawawa sila nung Flame," wika naman ni Britain.
"You know, I can't do that but I will try my best to help," wika naman ni Lhuin at niyakap ang kapatid.
"Hey, why are you crying?" Tanong ni Alrenn.
Umiling lang si Britain. Binuksan naman ni Alrenn ang kotse at pumasok na ito ganoon din ang tatlo.
Nang makaalis sila Lhuin ay dumating si Flame.
"Ano pang ginagawa niyo dito?!" Nagsisisgaw si Flame na dire-diretsong pumasok sa bahay nila Xyrene.
"Kung galit ka sa'kin h'wag mong pag-initan pati si Lola!" Sigaw ni Xyrene.
"Magtigil ka! Ikaw ang dahilan ng lahat!" Biglang sinugod ni Flame si Xyrene.
"Tama na!" Pilit silang pinaghihiwalay ni Lola Isellah.Hindi naman nagpatalo si Xyrene at nakipagsabunutan din.
"Tumigil na kayo!" Pang-aawat ni Lola Isellah.
"Pabayaan mo kami, Lola!" Tinabig ni Flame si Lola Isellah at tumama ito sa lamesa at aksidenteng nahulog gasera at nagsimula ang apoy.
"Sunog!" Sigaw ng matanda. Saka lamang tumigil ang dalawa.
"Lola!" Dali-daling hinila palabas ni Xyrene ang Lola at agad namang tumakbo palabas si Flame.
Sinubukang kumuha ni Xyrene ng tubig sa balon upang apulahin ang sunog ngunit hindi ito sapat. Natupok ang kanilang kubo. Tumakbo si Flame pauwi sa kanila at upang makatiyak, nagpasya ang mga magulang ni Flame na dalhin sa ospital sila Xyrene, Lola Isellah at Flame upang siguraduhin na walang nasaktan.Iyak ng iyak si Lola Isellah at paulit-ulit naman sa paghingi ng tawad ang mga magulang ni Flame sa gulong ginawa ng anak. Habang kausap si Lola Isellah ng mga magulang ni Flame ay nagpunta si Xyrene sa nurse's station upang makitawag.