"Creed, mauna na kayo ni Drei ako na bahala tumulong kay Xyrene magsara ikaw din mauna ka na," tumingin si Lhuin kay Flame.
"Hihintayin ko si ate Xyrene," wika ni Flame.
"Ihahatid ko siya, mauna ka na," giit ni Lhuin na tila naiinis na.
"Pwede naman kami magsabay,hindi mo na siya kailangan ihatid," wika ni Flame.
"Oo nga po, pwede na kayo mauna," wika ni Xyrene.
"Ah ayaw mo kong kasama?" Tanong ni Lhuin na tila nang emotional blackmail.
"Hindi po sa gano'n," Ani Xyrene.
"Hindi naman pala eh, hahatid na kita," giit ni Lhuin.
"Sige na nga," tugon ni Xyrene. "Flame, mauna ka na baka hinahanap ka na sa inyo," bumaling siya sa pinsan. Tumango na lamang si Flame, ano nga ba ang magagawa niya.
"Sabihin mo nga, ayaw mo ba sa'kin?" Tanong ni Lhuin nang makalabas si Flame.
"Bakit niyo naman naisip 'yan, sir? Mabait kayo, gwapo, ano namang kaayaw-ayaw sa inyo?" Ani Xyrene.
"Talaga? Gwapo ako?" Natatawang tanong ni Lhuin na tila di rin maiwasang kiligin.
"O-Opo," nautal na si Xyrene at tili uminit ang mukha sa tensyon na nadarama.
"Alam ko masyado pang maaga at maiksi pa ang panahon pero pakiramdam ko gusto kita," diretsang sabi ni Lhuin.
Tila nanikip ang dibdib ni Xyrene at kumabog ang kanyang puso sa narinig pilit niyang pinipigilan ang mapangiti sa kilig.
"O bakit natahimik ka, I am not forcing you to feel the same gusto ko lang maging honest sa nararamdaman ko," wika ni Lhuin.
"Hindi ko po alam ang isasagot ko," wika naman ni Xyrene.
"Hindi mo kailangan sagutin 'yan ngayon, mangako ka lang sakin na kahit nalaman mong gusto kita, walang magbabago," wika naman ni Lhuin.
"Sige, Oo naman, walang magbabago..." Ngumiti si Xyrene.
"Gusto kitang kilalanin pa," wika naman ni Lhuin.
"Wala namang problema, itanong mo lang mga gusto mong malaman, sasabihin ko," sagot naman ni Xyrene.
Nang gabing iyon ay hinatid siya ulit ng binata ngunit di na ito nagtagal sapagkat alam ni Lhuin na kailangan pa niyang iproseso ang mga bagay-bagay.
"O bakit, umuwi agad 'yung batang 'yon?" Tanong ni Lola Isellah sa dalaga.
"Baka po pagod," sagot ni Xyrene.
"Nag-away ba kayo?" Tanong ni Lola Isellah.
"Lola, bakit ko naman po aawayin si Lhuin eh boss ko 'yon," Ani Xyrene na hinahanda ang lamesa na pagkakainan nila.
"Hindi pa rin ba naamin?" Tanong ni Lola Isellah.
"Ano naman ho ang aaminin niya?" Tanong ni Xyrene.
"Nagmamaang-maangan ka pa eh halata namang gusto ka niya," ani lola Isellah.
"Si Lola naman," ani Xyrene.
"Umamin na siguro kaya nagkaka ilangan kayo,sa akin ka pa talaga maglilihim ha," ani lola Isellah.
"Lola, ilang araw pa lang kami magkakilala parang imposible Kasi," ani Xyrene."Parang ang hirap paniwalaan."
"Ay naku, eh di umamin na pala talaga, eh gusto mo ba?" Tanong ni Lola Isellah.
"Sino ba naman ang hindi magkakagusto do'n eh ang gwapo na maalaga pa," wika naman ni Xyrene.
"Gusto mo si Lhuin," wika ni Flame na narinig pala ang mga huling sinabi ni Xyrene.
"Flame, kanina ka pa diyan?" Tanong ni Xyrene.
"Oo, ipinapabigay ni ate Fire," at nilapag ni Flame ang paper bag na naglalaman ng mga damit na hindi na nito ginagamit.
"Flame, huwag mo sanang ipagsabi sa trabaho kung ano man ang narinig mo," pakiusap ni Xyrene.
"Bakit? Sasagutin mo ba siya? Kung sasagutin mo siya, dahil ba gusto mo siya o dahil gusto mong umahon sa hirap?"Tanong ni Flame na may panghuhusga dahil sa pinaghalong selos at sakit.
"Flame!" Saway ni Lola Isellah.
"Lola, totoo naman eh, ambisyosa si ate Xyrene, mapili na sa pagkain ngayon naman inaambisyon niya ang boss namin!" Inis na sabi ni Flame.
"Aba, sumosobra ka na!"Nagtaas ng boses si Xyrene.
"Kaya pala panay ang aligid mo kay Lhuin sa kusina pag nasa trabaho tayo kasi desperada ka na!" Saka nag walk out si Flame.
"Ang kapal ng mukha no'n ah," wika ni Xyrene na sinundan ang pinsan.
"Ano ba'ng problema mo?" Hinila ni Xyrene sa braso ang pinsan.
"Hindi kayo bagay ni Lhuin, mahirap ka lang, ni hindi ka nga gaanong nakakain ng masarap, magkaiba kayo ng mundo kaya h'wag kang umasa na seseryosohin ka niya!" Tuluyang tumakbo paalis si Flame.
Masakit ang sinabi ni Flame, maaari ngang maarte siya sa maraming bagay pero ni minsan ay hindi siya naging mukhang pera kaya nga kahit mahirap ay nagkolehiyo siya kaya wala itong karapatang husgahan siya.
"Hayaan mo na siya," wika ni Lola Isellah nang pumasok ng bahay si Xyrene. Tumango lang si Xyrene at tinuloy na ang paghahanda ng hapunan nila.
KINABUKASAN, sinundo ulit ni Lhuin si Xyrene.
"Sir, hindi ata magandang nakikita ng iba na sinusundo mo ko at hinahatid, nagkakaron ng ibang impression sa ibang tao," wika ni Xyrene nang makarating na sila sa coffee shop.
"Bakit? Anong masama eh gusto kita," tugon ni Lhuin.
"Ayoko lang po isipin ng iba na sinasamantala ko ang kabaitan niyo," wika ni Xyrene.
"Alam nating pareho na wala namang pananamantalang nagaganap saka isa pa, sa tingin ko wala namang ganoong komento sila Drei at Creed," wika naman ni Lhuin."Or else, your cousin said something," Ani Lhuin.
Maya-maya dumating si Flame sakay ng kotse na minamaneho ng driver niya at bumaba ang dalaga.
"Hey, what did you tell Xyrene?" Diretsang tanong ni Lhuin.
"Nagsumbong ka pa talaga?" Inis na bumaling si Flame kay Xyrene.
"Gano'n kababaw ang tingin mo sa'kin?" Tanong ni Xyrene na gigil na gigil din sa pinsan.
"That's not the case, what did you tell her?" Confrontational na tanong ni Lhuin kay Flame.
"Ginagamit ka lang niya para mangyari ang mga ambisyon niya," anj Flame.
"How dare you? What is it to you then?" Nagtatakang tanong ni Lhuin na hindi alam kung anong pinanggagalingan ni Flame.
"Kasi gusto kita!"Lumabas na ang katotohanan sa bibig ni Flame.
"Gusto mo ko? Gano'n ka kadesperada na sinisiraan mo ang pinsan mo?"Nakakunot ang noo ni Lhuin.
"Bulag ka ba? Hindi ko kailangan ng pera, I worked here because I want to see you everyday. For me to have a chance to get to know you better pero paano ko naman magagawa 'yon eh itong pinsan ko palagi na lang nakabuntot sa'yo mula pagdating hanggang pag-uwi," inis na sabi ni Flame.
"Sa tingin mo magugustuhan kita? Kung ganyan ka?"Tanong ni Lhuin.
"Sir, tama na po," hinawakan ni Xyrene sa braso si Lhuin.Lalong nainis si Flame nang makitang hinawakan ni Xyrene sa braso ang binata.
"Ikaw! Pabida ka talaga!" Biglang hinila ni Flame ang buhok ni Xyrene.
"Sumosobra ka na!" Gumanti naman ng sabunot si Xyrene.
"Stop! Hey!" Sinubukan awatin ni Lhuin ang dalawa ngunit di niya ito mapigilan buti at dumating sila Drei at Creed.
Hinawakan ni Creed si Flame at hinila naman ni Lhuin si Xyrene.
"Are you okay?" Hinaplos ni Lhuin ang mukha ni Xyrene at tumango ang dalaga.
"Hindi lang siya 'yung nasaktan! Ano ba'ng nakita mo sa kanya?!" Umiiyak na si Flame at akmang susugurin ulit si Xyrene.
"Ano ba?! Tigilan mo na si Xyrene, ayaw na kitang makita dito!" Nagtaas na ng boses si Lhuin.
"Hindi pa tayo tapos!" Dinuro pa ni Flame ang pinsan bago umalis.
"Ano ba'ng nangyari? " Naguguluhang tanong ni Drei.
"Mahabang kwento," sagot ni Lhuin.
"Gusto ng pinsan mo ang boss natin?" Tanong ni Creed.
"Ano pa nga ba?" Napabuntong hininga si Xyrene.
"Pumasok na tayo sa loob ang aga-aga ang gulo," aya ni Drei.
"Sir, pasensya ka na sa pinsan ko ha," paumanhin ni Xyrene.Napansin ni Lhuin ang maliit na sugat sa mukha ni Xyrene mukhang nadali ito ng kuko ni Flame.
"May sugat ka," hinaplos ni Lhuin ang may konting pagdurugo na sugat ni Xyrene.
"O eto," nilabas ni Drei ang first aid kit at inabot kay Lhuin.
"Pasensya na ha, dahil sakin nasugatan ka pa," wika ni Lhuin habang ginagamot ang sugat ng dalaga.
"Hindi niyo naman po kasalanan eh," sagot naman ni Xyrene.
"Ni hindi man lang kita naprotektahan," Ani Lhuin
"Hindi naman kailangan," wika ni Xyrene.
"Dapat kitang protektahan Kasi gusto kita," wika ni Lhuin.
"Ano daw?" Kapwa napalingon sila Drei at Creed. Si Xyrene naman ay pulang-pula na.
Gusto mo si Xyrene?" Tanong ni Drei.
"Gusto mo 'yong kaibigan ko, sir?" Ulit ni Creed.
"Oo, Creed kaso mukhang ayaw ata sakin eh," wika naman ni Lhuin.
"Hindi naman po sa gano'n kaso tingnan mo naman, gold digger na ang tingin sa'kin ng pinsan ko," wika ni Xyrene.
"Ano ka ba naman? Ako nga 'yung makulit na lapit ng lapit sa'yo eh," wika naman ni Lhuin."H'wag ka mag-alala hindi kita minamadali o inoobliga,this is the right time na malaman din nila kasi siguro nung una pa lang pinaalam ko na sa lahat baka hindi na kayo nag-away ng pinsan mo," dugtong pa ni Lhuin.
"Eh bakit hindi na lang kayo mag date? You are both single," wika ni Drei.
"Oo nga, I want to know you better," wika ni Lhuin at kinindatan si Xyrene na halos ikatunaw ng dalaga.
"Sige na, Xyrene, ayos lang 'yan, 21 ka naman na," wika pa ni Creed.
"Creed, ayos lang ba sa'yo kung liligawan ko ang kaibigan mo?" Tanong ni Lhuin.
"Oo naman,sir , basta ililibre mo ko ng kape," wika naman ni Creed.
"Oo naman, 'yon lang pala, kape para sa inyong tatlo at tsokolate para sa'kin," wika ni Lhuin.
"Yon o," agad nag brew ng kape si Creed.
"Creed, di ako makapaniwalang ibinenta mo ko agad para sa isang mug na kape," kunwari ay reklamo ni Xyrene.
"Xyrene, isang araw ay magpapasalamat ka sa'kin," wika naman ni Creed na natatawa.
"Sige na, mamaya may dumating ng customer," wika ni Lhuin.
"Sigurado sila Britain dito magbe-breakfast 'yon," wika ni Drei.
"Good morning, everyone," bati ni Britain na kararating lang kasama si Alrenn.
"Kuya," niyakap ni Britain ang kapatid.
"Hi," bumeso si Britain kay Xyrene at gano'n din kay Drei. Medyo nagulat si Xyrene sa ginawang pagbeso ni Britain.
"Oh honey, you're bleeding, you should take care of that pretty face, anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Britain nang mapansin ang sugat ni Xyrene.
"Si Flame, 'yung pinsan niya ang may gawa niyan," si Creed ang sumagot.
"Hey, how's my future tour guide?" Lumapit si Britain kay Creed at bumeso na ikinagulat din ng binata at hindi maiwasang mamula paano ay napakaganda at napaka bango ni Britain.
"Yung babaeng 'yon, sabi na nga ba kaya hindi ko siya gusto eh," wika naman ni Britain.
"Ma'am, would you like to order something?" Tanong ni Xyrene. Napangiti si Britain at hinarap ang dalaga.
"Caesar salad and a cup of green tea," nakangiting tugon ni Britain.
"How about you, sir?" Tanong ni Xyrene kay Alrenn.
"Beacon and cheese sandwich and cappuccino," sagot ni Alrenn.
"Coming up po," wika naman ni Xyrene.
"Tara?" Aya ni Lhuin sa dalaga.Tumango naman si Xyrene.
Kapwa sila nagtungo sa kitchen.
"Kapag ba iba na ung nagpe-prepare ng orders dito sa kitchen sasamahan mo pa rin?" Tanong ni Lhuin.
"Sa training po niya siyempre kasi di pa niya kabisado 'yung mga lagayan ng gamit dito," wika ni Xyrene.
"Kahit lalake?" Tanong ni Lhuin.
"Oo naman po," sagot naman ni Xyrene.
"Hindi 'yon pwede, pag lalake ako na magte-training ," wika ni Lhuin. Natawa naman si Xyrene.
"Sige po, kayong bahala," wika ni Xyrene."Gusto niyo po ba mag post na tayo ng hiring?" Tanong naman ni Xyrene.
"Pwede rin, pero kung may cook na tayo, siguro naman pwede pa rin kita makasama," wika ni Lhuin.
"Oo naman po," sagot naman ni Xyrene.
"Buti naman," ngumiti si Lhuin.
"Naisip ko nga mag hire na po tayo ng cook tapos no'n ako na din mag dishwasher," wika naman ni Xyrene.
"Ayoko naman na mahirapan ka masyado, maganda ka, hindi bagay sa'yo ang nagawa ng mga chores," wika ni Lhuin na kkatapos lang ihanda ang Caesar salad.
"Dapat sa'yo prinsesa ka lang," bahagyang lumapit si Lhuin at inilagay sa likod ng tenga ng dalaga ang kapirasong buhok na nakasagabal sa maganda nitong mukha.
Namula si Xyrene,umiinit ang mukha niya, nakaramdam ng magkahalong kilig at pagkailang.
"Sige na, dalhin mo na 'to kay Britain habang niluluto ko 'yung beacon ni Alrenn," wika naman ni Lhuin at inabot ang caesar salad kay Xyrene. Tumalima naman ang dalaga.