Chapter Two: Unexpected Feelings

2759 Words
Masayang-masaya si Lhuin, nag enjoy siya sa pakikipagkwentuhan sa hapunang iyon, iyon ang mga bagay na hindi nila nagagawa sa kanilang mansyon, mahaba ang lamesa, masyadong mahaba para sa apat na taong kumakain at madalas ay tahimik lang.Nagkakaroon lang ng pag-uusap pag silang tatlo lang ng mom niya at si Britain.Minsan lang din sila maghapunan ng sabay, madalas ay kumakain na sa labas sila Mr. at Mrs.Montereal. Si Britain naman ay gabi ng umuuwi sa kagigimik kasama ng mga kaibigan.Siya naman ay madalas nasa dorm nung nag-aaral pa siya kaya ang graduation dinner niya sana ay espesyal kung di lang nauwi sa panenermon ng ama. Tahimik siya ngayong nakahiga sa kama niya at iniikot ang mata sa paligid ng silid. Maliit lang ang apartment niya, studio type ang datingan nito at electric fan lang din ang gamit niya, binuksan na lamang niya ang bintana upang pumasok ang malamig na hangin. Sa ngayon, magtitipid na muna siya, saka na siya bibili ng aircon pag bumuti na ang takbo ng negosyo. Tumunog ang cellphone ni Lhuin at nakita niya sa caller i.d ang pangalan ng Kapatid at sinagot niya rin ito. "Yes,Britain?" Bungad ni Lhuin. "Kuya, where are you? Mom is really worried," Ani Britain. "Nasa Sapphire Island ako, nagtayo ako ng sarili kong business," sagot ni Lhuin. "Bakit di mo na lang sinabi?" Tanong ni Britain. "Saka anong business naman 'yan?" Tanong ni Britain. "Coffee Shop," sagot ni Lhuin. "Can I go there?" Tanong ni Britain. "At bakit naman?" Tanong ni Lhuin. "Gusto lang kita kamustahin, I have to make sure you're okay kahit 'yon lang ma-assure ko si mom," tugon ni Britain. "Sige pero hindi 'to pwedeng malaman ni dad ha?" Paninigurado ni Lhuin. "Yes, I know, I promise," sagot ni Britain. "So, when are you going to visit?" Tanong ni Lhuin. "Tomorrow," sagot ni Britain. "Ang bilis naman, bukas agad," natatawang wika ni Lhuin. "Duh, summer is here I could book in a resort for atleast a week in Sapphire Island nang sa ganoon masimulan ko ng maganda ang summer vacation," sagot naman ni Britain. "Ikaw ang bahala, see you soon," tugon ni Lhuin at doon natapos ang pag-uusap nila. KINABUKASAN, maaga pa ay naghanda na si Xyrene.Nag-igib ng tubig at naligo at nang papasok na siya sa loob ng bahay ay nagulat siya dahil parang may kausap ang lola niya. "Magugustuhan niya po 'tong beacon and cheese sandwich na dala ko," tinig iyon ni Lhuin. "Sige, masarap yan isabay sa kape, ipagtitimpla kita," wika naman ni Lola Isellah. "Lola h'wag!" Malakas na sabi ni Xyrene. "Aba, nakakagulat ka namang bata ka," wika ng matanda. "Hindi po siya nagkakape," wika ni Xyrene.Bigla naman umiwas ng tingin si Lhuin nang makita siya. "Tingnan mo itong batang ito, nakatapis ka lang na haharap sa bisita mo," saway ni Lola Isellah. Saka lamang napagtanto ni Xyrene na kaya pala umiwas ng tingin si Lhuin. "Sorry,sir!" Kumaripas ng takbo si Xyrene papunta sa kwarto niya. "Wala kaming tsokolate dito,hijo, pasensya ka na, magtubig ka na lang siguro," wika ni Lola Isellah. "Sige po, salamat po," magalang na tugon ni Lhuin. Hindi makatingin ng diretso si Xyrene nang lumabas ng kwarto. "O bakit ganyan? Nakayuko ka ata? Ayaw mo ba kong makita?" Pabirong tanong ni Lhuin. "Hindi po, nahihiya lang ako," sagot naman ni Xyrene. "Puro ka po kakasabi mo ng po pakiramdam ko mas matanda pa ko Kay Lola Isellah," wika naman ni Lhuin. "Lhuin na lang," dugtong pa niya. "Nakakahiya po, boss ko pa rin po kayo," sagot naman ni Xyrene. "Sige ka sisisantihin kita pag di mo ko tinawag sa pangalan ko, nakakailang kaya," biro ni Lhuin. "Sige na nga, L-Lhuin," ngumiti si Xyrene. "Aba, bakit pa ba mag aasukal sa kape kung ganyan kayo katamis na dalawa," panunukso ni Lola Isellah. "Lola!" Saway ni Xyrene sa abuela. "Lola, ayaw ata sakin ng apo niyo eh," biro ni Lhuin. "Kunwari lang 'yan nahihiya Kasi mahirap lang kami maarte kasi 'yan," pang-aasar pa ni Lola Isellah. "Grabe, Hindi naman sa gano'n," ani Xyrene. "Buti pa si Lola boto sakin o," kinindatan ni Lhuin si Xyrene.Namula Ang pisngi ni Xyrene . "Sir, bakit nga pala kayo napadaan?" Tanong ni Xyrene para maiba ang usapan. "Sinusundo kita, sabi ni Lola maarte ka daw kaya naisip ko hindi bagay sayo ang naglalakad," tugon naman ni Lhuin. "Sobra-sobra na po 'yung ginagawa niyong tulong," wika naman ni Xyrene. "Makakabawi ka pa, pakainin mo ko ng dinner dito ayos na 'yon," sagot naman ni Lhuin. "Hoy, Xyrene, h'wag ka na diyan mag inarte ha, kumain ka na mahuhuli na kayo sa trabaho," wika ni Lola Isellah. Kumain na nga ang dalawa at pagkatapos ay nagpaalam kay Lola Isellah bago umalis at magtungo sa coffee shop. Nang marating nila ang coffee shop ay naroon na si Flame at nag-aantay. Hindi naiwasan ni Flame na mapataas ang isang kilay nang makita si Xyrene na bumaba mula sa pagkakaangkas kay Lhuin. "O, Flame, ang aga mo ah," puna ni Xyrene. "Sino siya?" Tanong ni Lhuin na sa totoo lang ay di halos natandaan ang hitsura ni Flame sa makailang beses na nakaharap niya ito. "Sir, pinsan ko po 'yung bago nating dishwasher," sagot ni Xyrene. Napalunok si Flame, ang sakit no'n, ni hindi man lang siya natandaan ni Lhuin. "Ay siya ba 'yon," tanging nasabi ni Lhuin. Binuksan ni Xyrene ang kandado ng accordion at akmang bubuksan na ngunit pinigilan siya ni Lhuin. "Ako na," maginoong pinigilan ni Lhuin ang kamay niya at tila nagulat si Xyrene at parang napaso namang tinanggal ni Lhuin ang pagkakahawak sa kamay niya. "Sorry," paumanhin ni Lhuin. Binitawan ni Xyrene ang accordion at binuksan iyon ni Lhuin. Napakunot-noo naman si Flame. Maya-maya ay dumating naman si Creed saktong pagkabukas ng glassdoor. "Sakto pala dating ko eh," wika ni Creed. "Creed, si Flame, pinsan ko, siya 'yung bago nating dishwasher," pagpapakilala ni Xyrene. "Good morning," bati ni Creed. Ngumiti lamang si Flame. Agad na kumuha ng walis si Creed at si Xyrene naman ay akmang kukuha sana ng basahan pero inunahan siya ni Lhuin. "Tulungan na kita," nakangiting wika ni Lhuin. "Sige,sir,kaya ko na," ani Xyrene at kukunin sana ang basahan sa binata. "Lhuin,call me by my name,last na paalala ko na sa'yo," ngumiti si Lhuin. "Sige, Lhuin, ako na po," ngumiti si Xyrene at kinuha sa kamay nito ang basahan at nagulat siya nang hulihin nito ang kamay niya. "Sige na, ako na, turuan mo na lang maghugas ng pinggan 'yung pinsan mo habang wala pang tao," at kinuha ni Lhuin ang basahan sa kamay nito. Namula si Xyrene pigil na pigil ang ngiti niyang gustong kumawala kanina pa. "Sige...L-Lhuin," at nagtungo kay Flame si Xyrene. Mabilis namang natuto maghugas ng pinggan si Flame at maya-maya ay dumating na din si Drei. Ika-siyam ng umaga nang may pumaradang kotse sa tapat ng coffee shop at mula doon ay lumabas si Alrenn kasama si Britain. Nakasuot ng dress at high heels si Britain, kita sa pananamit nito ang pagiginh sosyal at tinanggal pa niya ang shades. "I miss you!" Biglang yumakap kay Lhuin ang kapatid. Napataas ang isang kilay ni Flame. Si Xyrene naman ay na-intimidate, isang magandang babae ang yumakap kay Lhuin at di niya maiwasang ma-insecure. "Girlfriend niya ba 'to?"Nagtatanong sa isip niya si Xyrene. "O, inabala mo pa si Alrenn," wika ni Lhuin. "Hindi ah, gusto niya makita si Drei," sagot ni Britain. "Hi, babe," biro ni Alrenn kay Drei na umirap lang. "Guys, this is Britain,my younger sister na ubod ng arte," pabirong sabi ni Lhuin. Nakahinga ng maluwag si Xyrene at kumalma naman ang kalooban ni Flame. "Hi, guys, can I order something?" Tanong ni Britain. Maagap na lumapit si Xyrene. "Ma'am, this is the menu,"inabot ni Xyrene ang menu. "I'll have Caesar salad and mango shake please," wika ni Britain na nakangiti. "Ako, pancake and cappuccino," wika naman ni Alrenn. "Tara na, samahan mo na ko," aya ni Lhuin kay Xyrene na nakangiti. "Sige," ngumiti naman si Xyrene at sabay silang pumunta sa kitchen. "Who's that? Are they dating?Girlfriend ba siya ni kuya?" Tanong ni Britain kay Alrenn na hindi nakaligtas sa pandinig ni Flame. "No!" Pabulalas na sagot ni Flame. KAPWA napatingin sila Alrenn at Britain sa dalaga gayon din sila Creed at Drei. "Anong problema mo?" Napataas ng kilay si Britain. "Sorry, I mean they are not dating," sagot naman ni Flame.Tiningnan siya ni Britain mula ulo hanggang paa. "Fake lashes, fresh nail police? Anong trabaho mo dito?" Napataas ng isang kilay si Flame. "She is our dishwasher," si Creed ang sumagot. Humagalpak ng tawa si Britain. "What? Nakakasira ng manicure 'yon alam mo ba?" Natatawa pa ring sabi ni Britain kay Flame. "Eh ano naman ngayon?" Medyo mataray na tanong ni Flame. "Flame!" Saway ni Creed at bumaling Kay Britain. "I'm sorry, ma'am," paumanhin ni Creed kay Britain. "Ayos lang, hindi lang ako makapaniwala," wika naman ni Britain na iiling-iling. "Ikaw talaga ang kulit mo," wika naman ni Alrenn. "Eh sino nga kasi 'yon feeling ko kung di man siya girlfriend ni kuya, type siya ni kuya,kuya does not being around girls kaya, si Drei lang ang babaeng kaya niyang i-tolerate na malapit sa kanya," wika pa ni Britain. "That girl is my cousin and they are not dating," sumingit si Flame sa usapan ng dalawa. "Oh come on, I can't believe you really are listening," inis na sabi ni Britain. "Eh kasi ang kulit mo," wika ni Flame. "Flame, stop it, if you want to keep this job, respect our customers," saway ni Drei na kanina pa pala nag oobserba. "Just go to the kitchen," dugtong pa ni Drei. Sumimangot si Flame at nagtungo sa kusina at lalo siyang nainis nang makitang nagtatawanan sila Lhuin at Xyrene. "Favorite ng kapatid ko 'yung Caesar salad and mango shake usually healthy foods because she's maintaining her body,"pagkukwento ni Lhuin habang pine prepare ang Caesar salad. "Gusto mo ako na magluto ng pancake ni sir Alrenn para mabilis? " Tanong ni Xyrene. "Sige,kaya mo?" Tanong ni Lhuin. "Oo naman mas kaya ko 'yon hindi naman ako marunong gumawa ng salad ," wika naman ni Xyrene. "Thank you,"kumindat pa si Lhuin. Ang sarap isipin na tila inaakit siya ng gwapong lalaking kasama niya ngunit sinaway ni Xyrene ang sarili dahil baka ganito lang talaga si Lhuin.Si Lhuin naman ay sadya talagang binibigyan ng espesyal na atensyon si Xyrene dahil aminado siya sa sariling gusto niya ito ngunit napaka iksi pa ng panahon para diretsuhin ito tungkol sa nararamdaman niya. "Kailangan niyo ng tulong?" Tanong naman ni Flame na di na nakatiis dahil tila nagkaka igihan na ang dalawa sa kusina. "Pakihugas na lang lahat ng nagamit namin," kaswal na sagot ni Lhuin na di man lang nag-abalang tingnan si Flame ngunit panay ang sulyap Kay Xyrene. Inis na kinuha ni Flame ang mga dapat niyang hugasan. "Okay na? Hatid na natin sa kanila?" Tanong ni Lhuin nang makitang tapos na ihanda ni Xyrene ang pancake. Magkasamang lumabas ng kitchen sila Xyrene at Lhuin. "Here you go," inilagay na nila Lhuin at Xyrene ang order nila Britain sa lamesa. "Kuya, who is she pala?" Tanong ni Britain. "Si Xyrene, she works here," sagot ni Lhuin. "Kailan mo siya aayain mag date?" Diretsang tanong ni Britain. Nagulat si Xyrene sa sinabi ni Britain.Napalunok si Xyrene at napangiti lang naman si Lhuin. "Ma'am, Wala pong gano'n," tanging nasabi ni Xyrene. "Nagbibiro lang ako,baka may libre kang araw,would you like to tour me around," wika naman ni Britain. "Depende po kung papayagan ako ng boss ko," nilingon ni Xyrene si Lhuin. "Could it be a halfday? Para lahat na lang tayo mag halfday," wika naman ni Lhuin. "Isama natin sila Creed at Drei," dugtong pa ng binata. "Pano ko? Pwede ba ko sumama?" Tanong ni Alrenn. "Oo naman," sagot ni Lhuin. "Tamang-tama, mas maraming alam si Creed sa Isla na pwedeng pasyalan," wika pa ni Xyrene. Narinig iyon ni Flame at tila may nakabara sa lalamunan niya, gusto niyang maiyak dahil ni hindi man lang siya naalala ni Lhuin, Hindi niya maiwasang manibugho nang makita ang espesyal na trato ni Lhuin sa pinsan. "Flame," sambit ni Xyrene nang napansin sa likuran nila si Flame. "Oo nga pala, pwede kang hindi muna pumasok bukas tutal halfday lang naman, kaya na namin dito," wika naman ni Lhuin. "Ang sakit, napaka sakit," nasabi ni Flame sa sarili, di na nga siya naalala ni hindi rin siya inalok na sumama. "Sige..." Tanging nasabi ni Flame."Pero sa'n ba kayo pupunta?" Tanong ni Flame. "Ano sa tingin mo, Creed?" Tanong ni Xyrene sa kaibigan. "Pwede tayong pumunta sa Cuddles Dog Park if you love dogs or if you have one you can walk your dog and watch the afternoon dog shows,take pictures or simply enjoy the trees," wika ni Creed. "Talaga? I love dogs," wika naman ni Britain. "Gagawa ako ng schedule natin ng pupuntahan para makarami tayo," wika naman ni Drei. "After that, where are we going to eat?" Tanong ni Britain. "Would you like to have fast food or fine dinning?" Tanong naman ni Creed. "Fine dinning I guest, anything with Caesar salad," wika naman ni Britain. "The nearest is Maharlika restaurant," Ani Creed. "Pwede ka palang tour guide ," wika ni Britain. Ngumiti lang si Creed eh paano ba naman? Imbis na pumasok sa eskwelahan eh puro gala ang inatupag niya dahil imbis kumuha ng business course ay nag take na lang siya ng voctech as barista.Mas mabilis at mas hands on. "Sobra kong nae-excite," wika naman ni Britain. "How about clothes shopping?" Tanong ni Britain. "The closest and very famous Fabulosa Boutique is the place to go,imported materials and good quality," wika ni Creed paano niyang di malalaman eh nandoon lagi ang mama niya.Tuwang-tuwa si Britain at wiling-wili siya sa pakikipag-usap kay Creed paano ba naman bukod sa classy approach ay may hitsura din ang binata kaya si Britain na mismo ang lumapit sa pwesto nito sa counter. "Ikaw ba? Hindi ka ba mahilig tumingin ng mga damit?" Tanong ni Lhuin kay Xyrene. "Hanggang tingin lang po, karamihan ng damit ko na magaganda galing sa ate ni Flame, si Fire," sagot ni Xyrene. "Minsan hindi naman masama na mag ipon ka para naman sa mga bagay na gusto mo kahit minsan lang sa isang taon kung sa bagay maganda ka naman kaya hindi mo kailangan ng magarang damit," wika ni Lhuin. Napangiti si Xyrene at di maiwasang mamula nang matawag na maganda ng gwapong kaharap. Si Flame naman ay inis na inis na alam niyang hindi niya dapat kainisan ang pinsan pero ang hirap dahil naiiinggit siya sa atensyon na nakukuha nito mula sa lalaking gusto. "Ang ganda ng kapatid mo no?"Pag-iiba ni Xyrene ng usapan. "Dapat lang, high maintenance 'yan eh, di yan basta-basta nakain sa fast food at hindi nagsusuot ng mumurahing damit, hindi 'yan natutulog sa hindi air-conditioned ," natatawang sabi ni Lhuin. "Sobrang yaman niyo siguro 'no?" Ngumiti si Xyrene. "Yung magulang namin kami hindi," wika naman ni Lhuin. "Kaya ikaw, tama lang na nagsusumikap ka, mas bagay sa'yo maging prinsesa," wika ni Lhuin. Lulubog naman na sa hiya si Xyrene ang hirap hindi kiligin sa pinag gagawa ng boss niya.Hindi niya maiwasang may maramdamang interes para dito, maganda ang trato nito sa kanya at espesyal ang trato nito sa kanya na hindi naman nito ipinagkakaila. "Saan nga pala uuwi 'yan si Britain?" Tanong ni Drei kay Alrenn habang tinitingnan si Britain na kumikislap pa ang mga mata habang nakikipag-usap kay Creed. "Sa hotel, mag che-check in kami," sagot ni Alrenn. "Magkasama kayo?" Napataas ang kilay ni Drei. "Magkaibang kwarto gusto mo sumama ka sa'kin eh," biro ni Alrenn. "Ewan ko sa'yo," umirap si Drei.Natawa naman si Alrenn. "Baka samahan 'yan ng kuya niya mamaya, hindi 'yan pwede sa tinitirhan ni Lhuin baka hikain pa 'yan walang aircon," wika naman ni Alrenn. "Hay sana lahat nakakapag hotel-hotel," wika naman ni Drei. "Sumama ka nga sa'kin, pwede naman 'yon," biro pa ni Alrenn.Umiling-iling na lang si Drei at pinagpatuloy ang pagbibilang sa pera sa kaha. Doon na rin sa coffee shop nag tanghalian sila Britain at Alrenn at nang sumapit ang 6:00pm ay nag umpisa na silang magligpit nang wala ng customer. "Kuya, mauuna na kami ni kuya Alrenn sa'yo," paalam ni Britain. "Sige, ingat kayo, magkita na lang tayo bukas," tugon ni Lhuin. "Ikaw din kuya, ingatan mo si Xyrene," tukso pa ni Britain sa kapatid. "O narinig mo 'yon? Kaya ihahatid ulit kita ah," bumaling si Lhuin kay Xyrene.Natawa naman si Britain at iiling iling na sumakay ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD