Chapter 1
MARAHAS na ipinilig ni La Fiona ang ulo habang nagmamaneho ng walang destinasyon. Laman ng isip niya ang panloloko sa kanya ni Kyle, ang fiancé niya na nahuli niyang nakikipagtalik sa ibang babae.
Magulo ang isip niya at para iyong sasabog.
A tear escaped her eyes again. Bakit ba palagi nalang issue sa mga nagiging boyfriend niya ang pagiging plus size niya? Hindi naman siya masyadong mataba, talagang malaman lang ang katawan niya. Kahit anong gawin niyang pagda-diet, wala namang nangyayari, pero sumusubok pa rin siya.
Bakit ba ganoon ang mga lalaki? They prefer skinny women than voluptuous like her? Ganoon na ba talaga ang pag-ibig ngayon, size na ang basehan kung mamahalin ang isang tao o hindi?
At bakit ba palagi nalang siyang nasasaktan? Nagmahal lang naman siya ng totoo. Kailangan ba niyang baguhin ang sarili bago may lalaking magmamahal sa kanya ng buong-buo?
Itinigil niya ang sasakyan ng makita ang Bachelor's Club. Mabilis niyang kinabig ang manibela para i-park ang kotse niya sa parking lot ng nasabing club at pumasok.
Dere-deretso siyang naglakad patungo sa bar at kaagad na umorder ng isang bote ng tequila. Balak niyang magpakalasing ngayon. Peste ang lahat ng lalaki sa mundo! Peste lahat! Buwesit!
Halos mauubos na niya ang isang bote ng tequila ng may umupo sa katabing stool.
"Planning to get wasted?" anang baritonong boses ng lalaki na pamilyar sa kanya.
Lumingon siya hindi dahil sa baritonong boses kundi dahil sa lengguwaheng ginamit nito na hindi niya naintindihan pero pamilyar naman sa kanya.
Binalingan niya ang katabi at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pangahas na lalaki kanina na humalik sa kanya.
"Wala kang pake!" Balak niyang itulak ito pero nawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon kaya pinukol nalang niya ito ng masamang tingin. "Anong kailangan mo sa akin?"
Sa halip na lumayo, nginitian lang siya nito. Hindi niya napigilang maakit sa mga ngiti ng lalaki.
He had these deep granite eyes that could make any woman swoon. His aristocrat nose. His sexy lips that were curved into a sexy smile. And of course, his quiff-style hair. The man was downright gorgeous, she gave him that. At nang dumaan ang tingin niya sa mga labi nito, may kakaibang epekto 'yon sa kanya.
Pero kapag gwapo ang isang lalaki, malamang may karay-karay iyong babae na pang-model ang katawan. Ginagawa nilang trophy ang mga babae. Men and their sick attitudes!
Inilahad ng lalaki ang kamay sa kaniya. "Hi. Elyes Williams. Williams is the maiden name of my grandmother. Kostas is my middle name. My mother is Greek, and my father is half-Filipino half-American."
At hindi tulad ng ibang lalaki, hindi nito tinanong ang pangalan niya. Maybe he was not interested to know her freaking name.
Napatitig siya sa kamay nito. Kapagkuwan ay tumaas ang tingin niya sa mukha nito na nakangiti. Mukhang lasing na siya dahil medyo umiikot na ang paningin niya, kaya siguro naakit siya sa kakisigang taglay ng lalaking nasa harapan niya.
"Ganyan ka ba talaga magpakilala?" Napapantastikuhang tanong niya sa lalaki. "Pati talaga middle name mo kasali?"
Mahina itong natawa saka kinuha ang kamay niya at pinilit siyang makipag-hand shake. At nakagat ni La Fiona ang pang-ibabang labi ng may maramdamang kuryenteng dumaloy sa kamay niya patungong braso niya.
"Yeah. I sometimes speak Greek. At palaging kinuquestion kung anong nationality ko. So, I always make it a hobby to explain my whole name and origin."
"Okay." Inagaw niya ang kamay niya na hawak pa rin nito saka ibinalik niya ang atensiyon sa iniinom na tequila.
"Anong trabaho mo?" tanong nito sa kanya.
Nagtapos siya sa kursong Business Administration sa isang kilalang unibersidad, agad siyang sumabak sa mundo ng korporasyon. Kaya naman siya ang namumuno ngayon sa restaurant na itinatag ng kanyang ama.
"Chef ako."
Wala siyang balak makipag-usap dito, o kaya ang tumingin sa lalaki. Habang kasi nakatitig siya sa mukha nito, hindi niya maiwasang bumaba ang tingin sa mga labi nito na parang napakasarap halikan.
Nang maubos ang isang bote ng tequila, isang bote naman ng rum ang inorder niya. Ang lalaking katabi naman niya ay nag-order ng isang basong scotch on the rocks.
They drank side by side. Wala lang silang imik pareho hanggang sa basagin ng katabi niya ang katahimikan.
"So why are you drinking?" Basag ni Elyes sa katahimikan na bumalot sa kanila.
"My boyfriend cheated on me." Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya rito ang problema niya. Pero sabi nga nila, magaan sa loob magsabi ng problema sa taong hindi mo kilala. "Nakita ko siyang nakikipag-s*x sa ibang babae. Tapos 'yong babae tinawag akong ugly, fat duckling. 'Yon daw ang dahilan kung bakit niloko niya ako." Mapait siyang ngumiti at binalingan ang binata. May luhang nalaglag sa mga mata niya. "Bakit kayong mga lalaki mas gusto niyo 'yong sexy at halos petite na lang? Hindi ba sapat na mahal kayo ng plus-size na mga katulad ko? Hindi ba, sabi nga ni Andrew E, humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay kasi hindi ka niya kayang lolokohin?"
"Huwag mong lahatin," ani ni Elyes na nakatingin sa mga mata niya. "I don't like skinny women. And for your information, you are not an ugly, fat duckling."
La Fiona scoffed. "Yeah, right."
"Do you want me to prove it?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Paano?"
Bigla itong dumukwang palapit sa kanya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Sa halip na itulak ito palayo, hinayaan niya lang ito lalo na ng maramdamang ang malambot nitong labi na inaangkin ang mga labi niya. Nalasahan niya ang scotch on the rocks na iniinom nito at mas lalong dumagdag iyon sa sarap ng labi nito na nagpapa-init sa katawan niya. Magaling humalik si Elyes, ni hindi niya napigilan ang mapahalinghing ng ipasok nito ang dila sa bibig niya at tinudyo-tudyo ang dila niya, kaya naman hindi nagtagal ay ginagagad na niya ang bawat paggalaw ng labi nito sa mga labi niya at lumaban siya ng mapusok na halikan dito.
Napahawak siya sa balikat ni Elyes nang mas palalimin pa nito ang halik na pinagsasaluhan nila. He stood up, parted her legs, and pressed his body against her. Ang likod niya ay nakasandal sa bar habang naghahalikan sila ng mapusok ng binata. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Nakatutok ang atensiyon niya sa masarap na halik na pinagsasaluhan nila ni Elyes na mas nagpapadarang sa kanya na maging mapusok pa.
The simple kiss turned into a full makeout session. Mapusok at mainit ang halikan nila, nagkakagatan sila ng labi na parang nanggigigil sa isa't-isa. Siguro dahil sa alak na nainom kaya agresibo siya, pero gusto niya ang nangyayari. This was the first time that a man kissed her as if he wanted every piece of her body, as if he couldn't get enough of her. He was the first man who made her feel attractive and sexy as he kissed her senseless and caressed her body. And she was already shamelessly rubbing her covered mound against Elyes's crotch.
Wala siyang pakialam kung nakikilala pa lang niya ito. She was in pain. She felt depressed because of her cheating, scumbag ex-fiancé. And here was a man who made her feel attractive, appreciated, and sexy. Sa wakas, may isang lalaki rin na ayos lang kung malaman siya. It was either that or lasing na talaga silang dalawa. Wala siyang pakialam. Ang importante sa kanya ngayon ay ang pinaparamdam sa kanya ni Elyes.
At natagpuan na lang ni La Fiona ang sarili na naglalakad sa tabi ni Elyes palabas ng Bachelor's Club patungo sa hotel na nasa harapan lang ng club.