Nauna na siyang tumayo sa hapag-kainan at lumabas ng bahay. Ayaw niyang hintayin matapos ang mga magulang niya sa mesa dahil baka saan na naman mapunta ang usapan nila. Akmang maglalakad siya patungo sa kotse niya ng may marinig siyang busina sa labas ng bahay nila. Binuksan niya ang gate ng bahay at nagulat siya ng makita roon si Elyes na nakasakay sa Ducati nito. "Anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong saka bumaba ang mata niya sa relong pambisig saka ibinalik ang tingin sa binata. "It's just six in the morning." "Sinusundo ka," anito at umalis sa pagkakasakay sa Ducati nito. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "Nasaan ang mga magulang mo? Ipagpapaalam kita." Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Ano ba ang sinasabi mo?" Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya p

