Habang naglalakad sila palabas ng restaurant na kinainan nila, dala-dala ni Elyes ang moon cake na pina-take out nito para daw sa kaibigang si Rain. "Thank you for coming, Mr. Williams. I hope you enjoy our food," ani Mr. Wong na nasa pintuan ng restaurant. "Yeah. We enjoyed it," walang ngiti sa mga labi sabi ni Elyes. "It's very delicious," sabi naman niya pero siniguro niyang walang ngiti sa mga labi niya. Natigilan siya bigla nang gawaran siya ng halik sa mga labi ni Elyes sa harap mismo ni Mr. Wong, kapagkuwan ay nginitian siya nito. "Syempre, sinubuan kita e kaya masarap." Susuntukin sana niya ito sa braso ng maalala niya ang one violent move, one kiss na rule nito. Hindi nalang niya tinuloy ang suntok at ikinuyom nalang niya ang kamao. Tumaas ang sulok ng labi nito at naghahamo

