IT WAS the best day of La Fiona De Guzman's life. Lahat ng bagay na gusto niyang gawin noong bata pa siya ay naisakatuparan ngayon. Dahil 'yon kay Elyes Williams na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin siya at sundin lahat ng gusto niya sa araw na 'yon. Sobrang saya niya buong araw. At ngayon, nakaupo sila ni Elyes sa isang bench. Nakaaakbay sa kanya ang lalaki at siya naman ay nakahilig sa dibdib nito. Nakatingin sila sa iba't ibang uri ng fireworks. Napakaganda n'ong tingnan. It added up to her happiness. Pakiramdam niya, parang sasabog sa saya ang puso niya. And she could also feel her heart beating for Elyes. Him and only him. And those nineteen signs of falling in love, kaunti na lang, magiging check na lahat ng signs. "La Fiona?" "Yes?" "Paano kung nahulog na ako sa'yo?" wi

