Nanghihina. Yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. At tila para akong nag-buhat ng mabigat na bagay dahilan upang manghina ng husto ang buong katawan ko. Para bang ang nais ko lamang ay ang mahiga pero Hindi ko magawa dahil sa pagikot ng sikmura ko. Hindi ko maintindihan kung bakit at ano ang nangyayari sa akin, sa katawan ko. Bago ang lahat ng ito sakin, naninibago ako at siguro kaya ganito ang nararamdaman ko dahil napapabayaan ko na ang sarili ko. O may iba pa dahilan. Dama ko pa rin ang hilo na tila may humihila sa pagkamalay ko, tila ba kulang ako sa dugo na mabilis mahilo at mandilim ang paningin sa tuwing kikilos mula sa pagbangon. Dama ko parin ang panginginig ng buong katawan ko at panghihina. Anong nangyayari sakin?

