Akala ko sa teleserye lang nagyayari ang mga ganito, maaari din pala itong mangyari sa totoong buhay. Marami akong akala na magiging hanggang akala nalang dahil sa realidad yung taong mahal ko ay hindi talaga ako mahal at kahit kailan ay hindi ako magagawang mahalin dahil iba ako sa babaeng totoong mahal niya. At nasasaktan ako kasi umabot kami sa ganito, ang magkasakitan hanggang kamuhihan ang bawat isa. " Iha." Boses mula sa labas ng kwarto kasabay ng marahan katok mula sa labas ang nakapag balik ng diwa ko. Nilingon ko iyun at pinakatitigan, at ni walang salita ang namutawi sa labi ko. Ni hindi ko namalayang natulala at naluluha na naman ako ng hindi ko namamalayan. "Rachell? Iha?" Muli ay tinig mula sa labas ng pintong tanging harang upang makita ng matandang katiwala ang bawat sak

