Callboy 2

3017 Words
Anak Ng Callboy  Chapter 2 "Kuya X, bat laging naglalasing si tatay?" usisa ni Lexus, palagi niya kasi napapansin na tuwing gabi ay umuuwing lasing ang kanilang ama.  "Hindi ko rin alam. Baka kapag tinanong ko siya ay magalit siya sa akin." hindi naman talaga alam ni Raddix, kung bakit ba tuwing gabi ay naglalasing ang kanilang ama. Nagsimula lang naman iyon nung dumating sa kanila si Lexus. Naglalakad na sila papunta sa simbahan sa bayan ng Isidro kasama ang kanyang nakakabatang kapatid. Nakakuha na rin sila ng sampaguita kay Aling Sisa, buti na lang ay medyo ok ang nakuha nilang mga sampaguita. Linggo ngayon kaya sigurado siyang maraming magsisimba ngayon at sinisigurado niya na mabilis na mauubos ang mga paninda nilang sampaguita.  "Kuya X, ayaw ba ako ni tatay?" malungkot na tanong ni Lexus, tanaw na niya ang malaking simbahan sa bayan ng Isidro. Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting plastic bag na naglalaman ng mga sampaguitang ilalako nila sa harapan ng simbahan. Natatakot siya sa isasagot ng kanyang kuya. Natatakot siya na baka ayaw nga ng kanilang ama sa kanya. "Hoy! Lexus, bat mo naman naitanong yan?" kunot noo tanong ni Raddix, nagulat siya sa tanong ng nakakabatang kapatid niya. Nakita niyang namumula na ang mga mata nito na para bang pinipigilan nitong umiyak. Hinawakan niya sa balikat si Lexus, at pinahinto niya ito sa paglalakad. Pumunta siya sa may harapan ng nakakabatang kapatid niya.  "Bakit mo naitanong yan sa akin Lexus?" seryosong tanong ni Raddix, gusto niyang malaman kung bakit naitanong sa kanya ni Lexus, ang tanong nito sa kanya. "Ka-kasi Kuya X, n-ni minsan hindi a-ako tinawag ni tatay na a-anak." kahit na may kumawala ng luha sa mga mata ni Lexus, ay pinipigilan pa rin niyang wag tuluyan na umiyak. Mabilis niya ito pinunasan gamit ang kanyang kamay. Sa totoo lang ay naiininggit siya sa kanyang Kuya X, dahil tinatawag siya ng kanilang ama na anak. Samantalang siya Lexus, lang ang tawag ng ama niya sa kanya.  "'Yun lang ba ang dahilan kung bakit tinanong mo sa akin ang tanong na iyon?" mahinahon na tanong ni Raddix, hawak ang kamay ng kanyang nakakabatang kapatid pumunta sila sa may upuan sa parke ng simbahan sa bayan ng Isidro. Umupo muna sila para pag-usapan ang sa loobin ni Lexus. Nakita niyang umiling ang nakakabatang kapatid niya.  "W-wa-wala na Kuya X." umiiling na naiiyak na sabi ni Lexus, pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang laylayan ng kanyang suot na kulay berdeng t-shirt.  "Sigurado ka ba? Sige na sabihin mo na sa akin kung ano ang gumugulo sa isip mo ngayon." nakangiting nakatingin si Raddix, sa kanyang nakakabatang kapatid na tuluyan na umiyak.  "Kuya X, 'di a-ako ma-mahal ni tatay." umiiyak na sabi ni Lexus, ang iyak niya ay naging hagulgol na. May mga napapatingin sa kanilang kinaroroonan pero wala siyang pakialam.  Hinintay na muna ni Raddix, na tumahan si Lexus, bago niya ito kausapin. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ng kanyang nakakabatang kapatid. Matagal tagal din ito umiiyak ng makita niyang nahimasmasan na ito ay kinausap niya ito ulit.  "Lexus, puwede mo na ba sabihin sa akin kung bakit mo naitanong ang tanong mo na iyon? Kung bakit nasabi mo na 'di ka mahal ni tatay?" mahinahon na tanong ni Raddix, tumahan na sa pag-iyak ang kanyang nakakabatang kapatid. Seryoso siyang nakatingin kay Lexus, ngayon hinihintay niyang sumagot ito sa mga katanungan niya.  "K-kuya X, napapansin ko na hindi ako masyado pinapansin ni tatay. Kung papansinin man niya ako ay pinapagalitan naman niya ako. 'Di man lang ako tinatawag na anak kumpara sa'yo na anak lagi ang tinatawag sa'yo." malungkot na sabi ni Lexus, pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Naramdaman na lang niya na may humahaplos sa kanyang likod. Napatingin siya sa kanyang Kuya X, na nakangiting nakatingin sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang likod.  "Alam mo 'di namin alam na darating ka sa buhay namin. Ikaw 'yung napakagandang regalo na bigay ng diyos sa amin ni tatay. May problemang dinadala si tatay kaya minsan ay mainit ang ulo nito. 'Di mo ba nakikita napapagalitan din ako na walang dahilan? Tama ka sa sinabi mo na anak ang tawag niya sa akin, sa'yo naman ay Lexus, dahil alam mo ba na gustong-gusto ni tatay ang pangalan mo? Noong tinanong niya sa akin kung ano ang pangalan mo ay lihim siyang napangiti. Mahal tayo ni tatay Lexus, tandaan mo yan. At mahal kita Lexus, dahil ikaw lang ang kapatid ko." ngiting sabi ni Raddix, niyakap niya ng mahigpit ang nakakabatang kapatid niya. Hindi niya alam na ganun pala ang saloobin nito. Buti na lang ay nasabi sa kanya ni Lexus, ang saloobin nito. Mahal na mahal niya ang kanyang nakakabatang kapatid.  "Kuya X, salamat." simpleng sagot ni Lexus.  "Tara na Lexus, nagsisilabasan na ang mga taong nagsisimba." ngiting sabi ni Raddix, bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa kanyang nakakabatang kapatid. Inayos nila ang kanilang sarili at nakangiting naglakad sila sa harapan ng simbahan. Nagsimula na silang magbenta ng sampaguita sa mga taong nagsisimba. Natatawa na lang siya dahil maraming nagtatanong sa kanya kung talagang nagbebenta siya ng sampaguita dahil daw hindi siya mukhang mahirap. Ngumingiti na lang siya sa kapag may nagsasabi sa kanya ng ganun. Pati sa kanyang nakakabatang kapatid ay maraming nagdududa dahil napakaputi nitong bata kutis mayaman ang balat nito at syempre tulad niya ay guwapo rin si Lexus. Kapag nagbebenta siya ng sampaguita ay marami rin ang lumalapit sa kanya hindi para bumili ng sampaguita kundi nagtatanong ang mga ito kung puwede ba siya? Alam na niya ang ibig sabihin ng tanong na iyon. Ngumigiti na lang siya at sinasabihan na lang niya na bumili na lang ang mga ito ng sampaguita. 'Di nagtagal ay naubos na rin ang binebenta niyang sampaguita.  "Wala ka na sampaguita?"  Napatingin si Raddix, sa isang matangkad na chinitong lalaking na nakangiting nakatingin sa kanya. Suot ang isang blue polo t-shirt, isang white khaki pants at blue loafers shoes na napapalitaw ng maputing kutis, makisig na pangangatawan at lalo na ang kaguwapohan nito   "Calum…" natulala si Raddix, na makita niya si Calum ngayon na mukhang kalalabas nang simbahan. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon. Si Calum Chua, ay isa sa mga regular customer niya at isa sa pala ngiting taong kilala niya.  "Mukhang nahuli na ako ng dating? Naubos na agad ang sampaguitang tinda mo?" ngiting sabi ni Calum, sa totoo lang ay kanina pa niya nakita si Raddix. Bumubuwelo lang siyang lapitan ito dahil kasama niya ang kanyang pinsan na si Gunner, at mga magulang nito na sila Henry Chua at Heny Sison Chua. Natutuwa siya dahil nakita niya si Raddix, ngayong araw na ito. Alam naman niyang lagi itong pumupunta sa harap ng simbahan sa bayan ng Isidro para magtinda ng sampaguita.  "Oo, nahuli ka nang dating. Naubos na ang tinda kong sampaguita. Kamusta ka na pala Calum?" tanong ni Raddix, matagal din niya hindi nakita ito. Hindi niya alam kung ilang araw o linggo na ito hindi pumupunta sa huling kanto ng Malawi Compound kung saan doon lagi siya nakatambay para mag-abang ng customer na kukuha sa kanya.  "Sobrang ok na ok dahil nakita kitang muli. Ikaw kamusta ka na? Lalo ka paguwapo ng paguwapo ah?!" papuring sabi ni Calum, namimiss na niya si Raddix. Namimiss na niya kung paano siya nitong romansahin. Natawa na lang siya bigla dahil kung anu-ano ang kanyang iniisip nasa harapan pa naman siya ng simabahan.  "Oh?! Ano nakakatawa? Natawa ka sa sinabi mo?" ngising sabi ni Raddix.  "Wala may naalala lang ako. Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko? Kamusta ka na Raddix?" ngiting tanong ni Calum.  "Heto ok naman ako. Sinabi mo nga na paguwapo ako na paguwapo. Teka Calum, bat tagal mo 'di nagpakita?" usisa ni Raddix, napansin niya na medyo pumayat si Calum, pero hindi pa rin nawawala ang kakisigan ng pangangatawan nito.  "Nagkasakit ako kaya hindi ako nagpapakita sa'yo." sagot ni Calum, ilang araw siyang nagkatrangkaso kaya hindi siya nagpapakita kay Raddix. Buti na lang talaga ay gumaling na siya.  "Kaya pala pumayat ka Calum, alagaan mo kasi ang sarili mo. Kumain at matulog ka sa tamang oras. Kumain ka ng masusustansyang pagkain. Iwasan mo na ang alak at yosi." pagbibilin ni Raddix, alam niyang malakas magsigarilyo si Calum. Kaya kapag kinukuha siya nito ay pinagsasabihan niya ito na wag na wag muna magyosi kapag kasama siya nito. Napangiti siya ng maalala niya kung paano sila unang nagkita ni Calum.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Tol, saan ka na naman pupunta? Puwede ba ako sumama sa'yo?" ngiting sabi ni Calum.  Nakasalubong ni Calum Chua, ang kanyang pinsan na si Gunner Chua, na bihis na bihis. Kararating lang niya sa bahay nito dahil naisipan niyang bumisita sa mga magulang ni Gunner. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya ito dito sa loob ng bahay nito. Alam naman niyang madalas itong wala sa bahay at lagi itong pumupunta sa head quarters ng gang nito. Imbes na sagutin siya ng kanyang pinsan ay tuloy-tuloy lang itong naglakad papalabas ng bahay. Hindi man siya nito kinamusta o nag-abalang sagutin. Hindi na siya nabigla o nagulat sa inasta ng kanyang pinsan na si Gunner. Masyado kasi itong suplado kahit na kamag-anak o kapamilya ka pa nito ay hindi ito namamansin basta-basta. Parang may sarili itong mundo.  "Oh! Calum, buti naman napadalaw ka rito. Na-miss ka na namin ng Tito Henry, mo. Teka nakasalubong mo ba si Gunner?" ngiting sabi ni Heny, ang ina ni Gunner, at ang kumupkop kay Calum.  "Good evening Tita Heny. Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw sa inyo dito dahil medyo abala sa pag-aaral. Masyadong stress pero kinakaya naman. Nakasalubong ko nga si Gunner. Mukhang aalis na naman yata iyon?" ngiting sabi ni Calum. Nakipagbeso-beso siya sa kanyang Tita Heny, na kumupkop sa kanya.  Ulilang lubos na si Calum Chua, maagang nawala ang mga magulang nito dahil sa isang car accident. 10 years old pa lang si Calum, ay ulila na ito. Ang kumupkop sa kanya ay kapatid ng kanyang ina na si Henry Chua at ang asawa nitong si Heny Chua,  mga magulang ni Gunner, na pinsan niya. Itinuring ni Calum, na parang tunay na magulang sila Tita Heny at Tito Henry. Seven years siyang tumira kasama ng mga ito. Sa seven years na pananatili niya sa bahay na ito ay ni minsan yata ay hindi niya nakalaro o nakausap ng maayos ang kanyang pinsan. Kung siya ay pala ngiti si Gunner, naman ay laging seryoso. Kung ngimgiti ito ay himala ng ituturing nila. Magkaibang-makaiba ang ugali nila ng kanyang pinsan na si Gunner.  "Hay naku! Lagi naman 'yan wala sa bahay. Kaya nga hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay babalik ka dito sa bahay na ito. Para naman isang may makulit at guwapong lalaki dito sa bahay." ngiting sabi ni Heny.  Tatlong taon na ang nakakaraan noong magdesisyon si Calum, na bumukod na ng tirahan. Dahil sinabi ng kanyang Tito Henry, noong naging 18 years old siya ay mahahawakan na niya ang kayamanan at mga negosyong naiwan ng mga magulang niya. Sobra siyang nabigla sa nalaman niya noon. Hindi niya akalain na may ganung yaman na iniwan para sa kanya ang mga magulang niya. Pinaliwanag ni Tito Henry, na ama ni Gunner. Nakasaad sa last will ng mga magulang niya na maari lang niya mahawakan at makuha ang kayaman na pinamana ng mga ito sa kanya kapag nasa tamang edad na siya. Bigla niyang naisip na para bang pinaghandaan ng mga magulang niya ang mangyayari sa mga ito? Parang bang alam nila na mawawala ang mga ito? Sinabihan niya ang kanyang Tito Henry, na hindi niya pa kayang hawakan ang mga negosyong naiwan ng kanyang mga magulang. Masyado pa siyang bata para hawakan ang mga iyon. Kaya sinabihan niya si Tito Henry, niya na ito na muna ang hahawak ng mga negosyo. Kukunin na lang niya kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Nagdesisyon na rin siya noon na bumukod. Nagulat sila Tito Henry at Tita Heny, niya. Akala ng mga ito ay nag-away sila ni Gunner. Ipinaliwanag niyang mabuti sa mga ito na kailangan at gusto niyang tumayo sa sarili niya. Ngayon ay nakatira na siya sa isang condominium sa Bayan ng Isidro ang Zaltra Tower. Pagmamay-ari ito ng pamilyang Zaltra, isa sa maimpluwensyang pamilya sa Bayan ng Isidro.  "Hmm… Tita Heny, miss ko na ang luto mo. Puwede ba ako magrequest sa'yo ng isang masarap na bicol express?" ngiting sabi ni Calum. Iniiwasan niyang pag-usapa nila ni Tita Heny, ang possibleng pagbabalik niya dito sa bahay.  Okey lang naman kay Calum, na bumalik siya ngunit inaalala niya na baka lalong magalit sa kanya si Gunner, kung babalik siya dito. Bago pa siya magdesisyon na bumukod ay bigla siyang kinausap ng kanyang pinsan. Sinabihan siya nito na umalis na siya sa bahay na ito dahil masyado raw siyang nakakasikip. Aaminin niyang masyado siyang nasaktan sa sinabi ng kanyang pinsan. Kaya wala siyang pagdadalawang isip na bumukod na. Sa kalagitnaan na panonood niya sa pagluluto ni Tita Heny, na bicol express na request niya ay nakatanggap siya ng tawag muna sa isang familiar na number. Nag-excuse na muna siya sa ina ni Gunner. Pumunta na muna siya sa sala at doon niya sinagot ang tawag. Napangiti siya ng ipaalam sa kanya ng tumawag sa kanya na meron na itong nakitang bayaran na lalaki. Sinabihan niya ito na kita na lang sila sa lobby ng Zaltra Tower. Binalikan niya ang Tita Heny, niya sa kusina.  "Tita Heny, I'm sorry kung hindi ko na makakain 'yang niluto mong bicol express. Kailangan ko na kasi bumalik sa condo unit ko." ngiting sabi ni Calum. Nakita niya ang pagkadismaya aa magandang mukha ni Tita Heny.  "Sayang naman itong niluto ko. Teka bakit hindi mo na lang ito dalhin?" sabi ni Heny. Nadismaya siya dahil aalis na agad si Calum. Hindi na niya tinanong kung ano ang dahilan kung bakit bigla-bigla itong umaalis. Kumuha siya ng isang canister at inilagay niya roon ang bicol express na niluto niya.  "Salamat Tita Heny!" pasasalamat na sabi ni Calum. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa kanyang Tita Heny. Agad na rin siyang lumabas ng bahay at sumakay sa isang mamahaling itim na kotse niya na niregalo sa kanya ni Tito Henry, noong kaarawan niya tatlong taon na ang nakakaraan.  Hindi na makapaghintay si Calum, na makita ang isang bagong bayaran na lalaking nirecomenda sa kanya ng kanyang kaibigan. Aaminin niya na isa siyang bakla. Isang baklang nagbibihis lalaki. Isang baklang kilos lalaki. Kahit bakla siya ay hindi siya malambot. Walang makakahalata sa kanya na bakla siya dahil na rin kisig at guwapong mukha nito. Nalaman niyang bakla siya dahil sa isang pangyayari na hindi niya inaasahan na mararanasan niya. Simulang mangyari iyon ay hinahanap-hanap na niya ang pakikipagtalik niya sa lalaki. May karanasan na rin siya sa pakikipagtalik sa babae pero mas nasasarapan siyang makipagtalik sa kapwa lalaki. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa Zaltra Tower. Nakangiti siyang pumunta sa lobby ng Zaltra Tower. Napangiti siya lalo dahil nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Aakil Eser.  "Dude! Ang tagal mo naman tangin*! Kanina pa kami naghihintay dito." inis na sabi ni Aakil.  Kung hindi lang kaibgan ni Aakil, si Calum, ay hindi niya ito tutulungan. Katulad lang siya ni Calum. Galing siya sa isang mayamang pamilya. Ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya na bisexual siya. Siya ang naghahanap ng mga lalaking makakatalik ng kanyang kaibigan. Nagtutulungan silang dalawa. Kapag meron nakilala si Calum, ay irerecomenda nito sa kanya. Ganun din ang ginagawa niya.  "Dude binilisan ko nga ang takbo ko. Oh? Nasaan 'yung sinasabi mo?" ngiting tanong ni Calum.  "Pumunta lang siya sa restroom." sabi ni Aakil. Inaya na muna niya si Calum, na pumunta sa lounge area ng Zaltra Tower.  "Dude siguraduhin mong papasa 'yang lalaking nirecomenda mo sa akin. Kung hindi ikaw na naman ang titirahin ko." ngising sabi ni Calum. Wala naman masyadong tao dito sa lounge area kaya malakas ang loob niya na sabihin iyon sa kanyang kaibigan.  Nakilala ni Calum, si Aakil, sa isang sikat na bar sa Bayan ng Prado. Doon ay nagkapalagayan sila ng loob nauwi sa isang mainit na pagtatalik. Ang isang beses na pagtatalik nila ni Aakil, ay naulit nang naulit hanggang magdesisyon sila na maging friends with benefits silang dalawa. Pareho nilang ayaw nilang pumasok sa isang seryosong relasyon.  "Dude! Ayoko na! Tangina! Ang laki ng sa'yo! Akala ko kapag mga Chua, ang mga apelyido ay maliit lang. Pero dude 'yung sa'yo ay african size!" natatawang sabi ni Aakil.  Kapag nakikipagtalik si Aakil, kay Calum, ay lago siyang bottom. Ni minsan ay hindi pa niya ito na i top. Dahil ayaw at pure top si Calum. Top siya pero napasuko siya nito. Sa unang beses nilang nagtalik ay pumayag siyang magpa-bottom dahil inakala niya na maliit lang ang b*rat ni Calum, dahil na rin chinito at Chua, ang apelyido nito. Akala niya lahat ng chinese ay maliliit ang b*rat pero nagkamali siya ng akala. Napasubo na lang siya sa sitwasyon at nadala na rin siya sa init ng katawan. Kahit na wala pa siyang karanasan ay pumayag na siya. Iyon ang unang besea niyang magpatira.  "Wag ka kasi masyadong mag-expect. Ano na pala mo?" ngiting sabi ni Calum. Natatawa siya kapag sinasabi iyon ni Aakil, tungkol sa bagay na iyon. Napag-alaman niyang may lahi rin pala silang white american. Kaya hindi nakakapagtaka na malaki ang b*rat niya. Naputol ang usapan nilang dalawa ng biglang may nagsalita sa likuran niya.  Napalingon si Calum, sa kanyang likuran. Meron siyang nakita isang makisig at napakaguwapong lalaking nakatayo. Nakasuot ito ng isang plain white t-shirt at isang maong na kupas. Napatingin din siya sa suot nitong lumang puting sneakers. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapong chinitong mukha nito.  "Raddix, meet Calum." ngising sabi ni Aakil. Kitang-kita niya sa guwapong mukha ni Calum, na nagustuhan nito si Raddix. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD