bc

Anak Ng Callboy

book_age18+
913
FOLLOW
5.0K
READ
family
badboy
billionairess
twisted
bxb
campus
small town
abuse
like
intro-logo
Blurb

Because of a one night stand with a wealthy customer, his world would turn from worse to worst as he , meets the man again when he starts having an education to get away from his job "callboy". On the other hand, someone to hide his true feelings they would hurt the ones they loves.

chap-preview
Free preview
Callboy 1
Anak Ng Callboy Chapter 1 "Tay kamusta ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong ni Raddix Arizabal, sa kanyang ama na si Eduardo Arizabal. Kagabi ay naglasing na naman ang ama niya kinakailangan niya itong asikasuhin. Sanay na siya sa gabing-gabi paglalasing ng kanyang ama. Gusto man niya itong tanungin ngunit baka mag-away lang silang dalawa. Ang ginagawa niya ay hindi na lang siya nagsasalita pero alam niyang may problema ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Ngayon ay nasa sala sila sa maliit nilang bahay na pinagtagpi-tagpi sa yero at plywood. Nakatira sila sa mahirap na lugar sa bayan ng Isidro sa Malawi Compound. Nagsusumikap siya na balang araw ay makaalis sila sa mabaho, marumi at magulong lugar na ito. Pero sa ngayon ay magtitiis na muna sila dito dahil hindi pa siya nakakabalik sa pag-aaral. 18 years old na siya sa susunod na pasukan ay first year college na sana siya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakaipon ng pera para makapag-enrol sa university sa bayan ng Isidro. Gusto sana niya makapag-aral sa Westview University kaso nga lang masyadong mahal ang tuition fee roon. Napatingin siya sa kanyang ama na nakatulala na naman nakatingin sa kapeng itinimpla niya para dito.  "Nakakasawa na ang ganito buhay anak." ang madamdaming sabi ni Eduardo Arizabal, na ama ni Raddix. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na takbo ng buhay nilang magpamilya. Hindi ito ang buhay na pinangarap niya. "Tay paulit-ulit na lang ba tayo dito?" napabuntong hininga na lang si Raddix, sa kanyang narinig sa kanyang ama. Sa araw-araw na ginawa ng diyos ay nagsasawa na rin siya sa paulit-ulit na sinasabi ng ama niya. Tuwing kinabukasan pagtapos nitong magpakalasing sa gabi ay ganito lagi ang sinasabi nito sa kanya. Tapos na rin naman siyang uminom ng kape at nakakain ng tatlong pirasong pandesal na nabili niya sa tindahan ni Mang Thomas. Tumayo na siya sa pagkakaupo para puntahan ang nakakabatang kapatid niyang si Lexus, pinuntahan niya ito sa maliit na kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang nakakabatang kapatid nito na walong taong gulang. Ginising niya ito para makapag-almusal na ito.  "Hmm.. Kuya X, mamaya na. Inaantok pa ako." sabi ni Lexus, nagtalukbong pa siya ng kumot para lang hindi siya gisingin ng kuya niya.  "Gising na para makapag-almusal ka na. Para na rin makuha natin ang sampaguita kay Aling Sisa. Baka mapunta sa atin ay mga lanta na." sabi ni Raddix, naglalako sila ng sampaguita sa harap ng simbahan tuwing umaga. Heto rin ang extrang pinagkakakitaan nilang dalawa ng kanyang nakakabatang kapatid.  "Kuya naman! Istorbo ka talaga! Sige na nga!" inis na sabi ni Lexus, napakamot na lang siya ng kanyang ulo at bumangon na siya sa pagkakahiga. Napangiti na lang si Raddix, sa inasal ng kanyang nakakabatang kapatid. Kahit na walong taong gulang pa lang ito kung makapag-isip at makapagsalita ito ay parang mas matanda pa ito sa kanya. Kinuha na niya ang kanyang pulang towel na nakasabit sa may likod ng pintuan ng kuwarto nila. Maliligo na siya para makapunta na sila kay Aling Sisa at makuha na nila ang sampaguita. Sa paglabas ng kuwarto ay nakita niyang umiinom ng milo ang nakakabatang kapatid niya. Ang kanyang ama naman ay mahimbing na natutulog sa may sala ng bahay nila.  "Lexus, maliligo na ako ah! Bilisan mong mag-almusal dyan." sabi ni Raddix, pumunta na siya sa likod ng bahay kung saan nandoon ang maliit na banyo na kasya lang ang isang tao. Sinimulan na niya ang pagliligo para maaga silang makarating sa bahay ni Aling Sisa. Hindi naman siya masyado matagal maligo mga sampong minuto lang ay tapos na siyang maligo. Sumunod sa kanyang maligo ang kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Pumunta na siya sa kuwarto nila upang makapagbihis na siya. Kumuha siya ng puting tshirt, basket ballshort at isang puting brief sa cabinet. Iyon kasi ang lagi niyang sinusuot kapag nagbebenta sila ng sampaguita ni Lexus, sa harapan ng simbahan sa bayan ng Isidro. Napatingin siya sa salamin na nakasabit sa dingding ng bahay nila. Napangisi na lang siya sa kanyang nakikitang imahe sa salamin kitang-kita niya ang repleksyon ng kanyang guwapong mukha. Bukod sa guwapong mukhang tanglay niya ay kinababaliwan din ng mga taong nakakakita sa kanya ang makisig na pangangatawa niya. Inaalagaan niya talaga ang kanyang sarili dahil ito ang puhunan niya sa kanyang trabaho bilang callboy. Sa edad niyang disiotso ay marami na siyang karanasan sa pakikipagtalik mapababae o lalaki man 'yan. Simula't sapol ay alam na niya ang situwasyon ng pamumuhay nila kaya gumawa siya ng paraan para kahit papaano ay makaraos sila sa pang-araw-araw. Lalo't pa hindi niya maasahan ang kanyang sariling ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang kadahilanan kung bakit laging naglalasing ang kanyang ama. Napailing na lang siya sa kanyang naiisip ayaw niyang maisip ng mga problema sa buhay nilang pamilya.  "Oh!? Kuya X, para kang tangang nakatingin sa salamin." asar na sabi ni Lexus, kakatapos lang niyang maligo. Nakabalabal ang kulay brown na towel sa kanyang beywang.  "Ang bilis mong maligo ah? Parang binasa mo lang ang buhok mo?" ngising sabi ni Raddix, alam niya kasi na tamad maligo ang kanyang nakakabatang kapatid. Kaya lagi niyang pinagsasabihan ito na maligo lagi para hindi magkaroon ng amoy ang katawan nito.  "Kuya X, naligo ako! Amuyin mo pa kili-kili ko." pagmamalaking sabi ni Lexus, itinaas pa niya ang kili-kili sa harapan ng kuya niya.  "Oo na naniniwala na ako dahil naalis na ang dumi sa kili-kili mo. Hahaha!" natatawang sabi ni Raddix, nilapitan niya ang kanyang nakakabatang kapatid at kiniliti niya ito sa kili-kili na ikinahalakhak ni Lexus.  "K-kuya! T-ta-tama na! Hahaha! Kuya X! Hahaha!" natatawang sabi ni Lexus.  Alam ni Raddix, na malakas ang kiliti ng kanyang nakakabatang kapatid sa kili-kili. Hindi na rin niya napagilan na tumawa sa nakikitang niyang paghalakhak ni Lexus. Mahal na mahal niya ang nakakabatang kapatid niya. Naalala pa niya kung kailan at paano ba niya unang nakita si Lexus.  _______________________________ Umagang-umaga ay abalang-abala sa paglilinis ng bahay si Raddix, dalawang araw na wala pa rin ang kanyang ama. Nagpaalam itong sa kanya na mawawala ito nang ilang araw sa 'di niya malaman na dahilan. Binigyan siya ng pera pambili ng pagkain at sasapat lang iyon sa loob ng dalawang araw. Habang nagwawalis siya gamit ang walis tambo sa may sala ay iniisip niya kung saan siya kukuha ng pera pambili ng ulam. Iniisip niya kung puwede kaya siya makahingi ng pagkain sa mga kapit bahay nila pero agad din pumasok sa isip niya na hindi siya puwede humingi ng pagkain dahil may utang pa ang kanyang ama sa mga kapitbahay nila. Kahapon lang ay may naghahanap sa ama niya sinisingil na ito sa utang nitong isang libong piso. Sinabi na lang niya na bumalik na lang sa isang araw dahil nga wala ang ama niya. Napakunot noo na lang siya ng bigla may narinig siyang kumakatok sa may pintuan.  "Tao po! Tao po!"  Napakamot na lang sa ulo si Raddix, dahil sigurado siya na naniningil na naman ng utang ang kumakatok. Hindi niya alam kung magtatago baka siya o haharapin niya ang taong kumakatok sa may pintuan. Sinisigurado rin niya na marami ng nakatingin sa may pintuan nila ang mga chismosa at chismosong mga kapit bahay nila. Napailing na lang siyang naglakad papunta sa pintuan nila para buksan iyon. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang napakagandang babae na may karga-kargang isang batang lalaki na sa tingin niya ay isang taong gulang. Parang nakita niya agad ang kanyang sarili noong bata pa lang siya.  "Nasaan si Eduardo?!" galit na tanong ng isang sexy at magandang babaeng nakasuot na isang hapit na hapit na pulang blouse at palda na kitang-kita ang ganda ng hulma ng katawan nito.  "Ho?" takang tanong ni Raddix, hawak-hawak pa rin niya ang walis tambo habang nakatingin sa magandang babae.  "Ang sabi ko asan si Eduardo Arizabal?! Sabi ng mga napagtanungan ko ay dito nakatira ang lalaki na iyon?!" mataray na sabi ng babae.  "O-opo dito nga nakatira pero wala po si tatay ngayon. Dalawang araw na po siyang hindi umuuwi." magalang na sagot ni Raddix, biglang nanlaki ang mga mata ng babaeng kaharap niya. Napangiti siya dahil nakangiting nakatingin ang batang lalaki sa kanya.  "Anak ka ni Eduardo?" Pinakatitigan ng magandang babae ang guwapong binata na kaharap niya ngayon na may hawak-hawak na walis tambo.  "O-opo po." naiilang na si Raddix, sa sobrang titig na titig sa kanya ang magandang babae na para bang kinikilatis siya nito.  "Anak ka nga ng tatay mong walang kuwenta! Kamukhang-kamukha mo siya. Naku! Sinasabi ko sa'yo magiging katulad ka rin ng tatay mo!" ngising sabi ng magandang babae.  "A-ano po ibig sabihin ninyo?" kunot noo tanong ni Raddix.  "Ah?! Wala! Wala! Tangina buhay to?! Bakit wala ang lalaki na iyon? Paano na itong bata na ito!" sabi ng magandang babae, inayos niya ang pagkakarga sa batang lalaking karga niya.  "Bakit niyo po ba hinahanap ang tatay ko? K-kung may utang po siya sa'yo ay bumalik na lang po kayo sa susunod na araw." sabi ni Raddix, napatingin siya sa batang lalaking karga-karga ng magandang babae. Parang sumasama ito sa kanya dahil inaabot niya ang dalawang maliit na kamay nito sa kanya. Napabaling ang tingin niya sa magandang babae nakita niyang napabuntong hininga ito. Kitang-kita rin niya ang magandang mukha nito na nakakunot noo na para bang ang laki-laki ng dinadala nitong problema.  "Ok sige! Ganito na lang iwan ko muna ang batang ito sa'yo dahil kukunin ko muna ang sweldo ko bar na pinagtratrabahuhan ko. B-babalik din agad ako." napalunok ang magandang babae sa sinabi niya. Ibinigay niya ang batang lalaking karga-karga niya sa guwapong binatang kaharap niya ngayon. Lihim siyang natuwa dahil hindi man lang umiyak ang batang lalaki nung karga na ng guwapong binata.  "T-teka lang po ano po bang pangalan ng batang lalaki na ito?" tanong ni Raddix, nakikipaglaro siya sa batang lalaking karga-karga niya ngayon.  "Lexus, ang pangalan niya. S-sige ikaw na muna ang bahala sa kanya ah. Alagaan mo siya mabuti." ngiting sabi ng magandang babae, aalis na sana siya ng biglang magtanong ang guwapong binata sa kanya.  "Ano po pangalan ninyo?" tanong ni Raddix.  "Nympha, ang pangalan ko. Kilalang-kilala ako ng tatay mo. Sige na alis na ako para makabalik agad ako." sabi ni Nympha, agad na siyang tumalikod para umalis dahil baka hindi na niya mapigilan ang kanyang emosyon at mapaiyak siya dahil labag sa kalooban niyang iwanan ang kanyang anak na si Lexus.  Nakita ni Raddix, na umalis na si Nympha. Napatingin siya kay Lexus, na nakangiting nakatingin sa kanya at hinahawakan nito ang mukha niya. Napangiti rin siya na nakatingin kay Lexus. Iniisip niya ngayon kung paano siya makakapaglinis hindi naman niya puwedeng iwanan na lang si Lexus, hindi pa naman nito kaya ang sarili. Lumipas ang mga oras ay hindi pa rin bumabalik si Nympha. Umiiyak na si Lexus, hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi naman niya alam kung paano ba ang tamang pag-aalaga sa isang bata. Nakarinig siya na may kumakatok sa may pintuan mabilis ang pagkilos niya dahil baka si Nympha, na ang kumakatok. Pero nadismaya siya dahil si Kuya Jamison Agustin, ang kumakatok ang kuya-kuyahan at matalik na kaibigan niya.  "Oh?! Bat may bata kang hawak? Wag mong sabihin nakabuntis ka?!" gulat na tanong ni Jamison.  "Hindi Kuya Jamison! Iniwan lang sa akin ni Nympha, si Lexus. Hanggang ngayon nga ay hindi pa bumabalik iyon eh. Umiiyak nga itong si Lexus, kahit anong pakikipaglaro ko sa kanya ay ayaw tumahan." inis na sabi ni Raddix, pinaghehele niya si Lexus, na walang tigil sa pag-iyak.  "Huh? Sino si Nympha? Bat niya iniwan sa'yo 'yung bata na yan? Teka dumede na ba iyan? Baka hindi pa dumedede yan kaya umiiyak." takang tanong ni Jamison, nakita niyang umiling si Raddix.  "Hindi pa Kuya Jamison, wala naman siyang iniwan na gatas kundi si Lexus, lang." sagot ni Raddix. "Ah? Tangina! Baka iniwan talaga sa'yo ang bata na yan!? Ano pa sinabi ng Nympha, na yan?" usisa ni Jamison, pumasok na siya sa loob ng bahay.  "Hinahanap niya si tatay. Wala naman si tatay hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Sabi pa ni Nympha, ay kukunin lang niya ang sweldo niya sa bar na pinagtratrabahuhan nito at babalik agad daw agad siya." sagot ni Raddix, minamasahe niya ang kanan kamay niya dahil sumakit ito kakabuhat kay Lexus.  "Hindi kaya anak ito ni Kuya Eduardo?" ang nasabi ni Jamison, nakatingin siya sa batang si Lexus. Kamukhang-kamukha nito ang Kuya Eduardo, niya.  "Huh? Paano mo naman nasabi iyon Kuya Jamison?" takang tanong ni Raddix, wala pa rin tigil sa pag-iyak si Lexus.  "Raddix, bili ka na muna ng gatas sa may tindahan ni Mang Thomas. Siguradong gutom na si Lexus. Ako na muna magbabantay sa kanya." sabi ni Jamison, kinarga niya muna si Lexus. At binigyan niya ng limang daang piso si Raddix, para bumili ng gatas.  Sa pagbili ng gatas ni Raddix, ay agad siyang tinanong ni Mang Thomas, kung sino ang babaeng pumunta sa bahay nila. Hindi na nagulat si Raddix, sa tanong iyon ni Mang Thomas. Alam kasi niya na masyadong chismoso si Mang Thomas. "Ah? Malayong kamag-anak po namin siya Mang Thomas." ang magalang na sagot ni Raddix. "Eh? Sino naman 'yung batang lalaking karga-karga niya. Mukhang iniwan niya iyon sa'yo? Sa kanya ba ang gatas na ito?" usisa ni Mang Thomas, ibinigay na niya ang gatas na binili ni Raddix, sa tindahan niya.  "Opo sa kanya po ang gatas na ito. Sige po alis na po ako." paalam ni Raddix, naririnig pa niya ang tawag ni Mang Thomas, sa kanya. Ngunit hindi na niya ito pinansin nagmadali siyang bumalik sa bahay nila. Pagkadating niya sa bahay ay nagtimpla na agad siya ng gatas sa baso.  "Naku po Raddix, kailangan ni Lexus, ng bote. Hindi pa ito marunong uminom sa baso. Hiram ka muna ng bote ng gatas kay Aling Hilda, diba noong nakaraang taon nanganak 'yung bunsong anak na babae nito. Siguradong may bote pa ng gatas ang mga iyon. Sige na magmadali ka hindi pa rin humihinto sa kakaiyak si Lexus." kahit anong paghele o pagkanta ni Jamison, ay hindi pa rin tumitigil si Lexus, sa pag-iyak. Hanggang ngayon pa pala ay hindi pa rin bumabalik ang ama ni Raddix. Sa pagkakaalam niya ay may kumuha kay Kuya Eduardo, niya isang baklang mayaman. At nasabi rin sa kanya ng kuya niya na sa Tagaytay ito pupunta dahil birthday nga ng baklang kumuha sa Kuya Eduardo, niya. Buti na lang ay agad na nakabalik si Raddix, na may dalang dalawang bote ng gatas.  "Buti na ka hiram ka sa kanya ng bote?" tanong ni Jamison.  "Nakiusap ako sa kanya. Ginamit ko ang karisma ko Kuya Jamison." ngising sabi ni Raddix, sinalin niya ang gatas na nasa baso sa bote ng gatas. Agad niyang binigay ito kay Lexus, na ikinatahimik nito at 'di nagtagal ay agad nitong naubos ang laman ng gatas sa bote. Napangiti na lang siya ng makita niyang mahimbing itong natutulog sa balikat ng Kuya Jamison, niya. Naghintay pa sila ng ilang oras hanggang umabot ng dalawang araw ay hindi pa rin bumabalik si Nympha. Totoo nga ang sinabi ng Kuya Jamison, niya sadyang iniwan sa kanya si Lexus. Apat na raw ay wala pa rin ang kanyang ama. Sa dalawang araw na kasama niya ang Kuya Jamison, niya at binibigyan siya ng pera para pambili ng gatas ni Lexus. Buti na lang ay wala siyang pasok dahil bakasyon ngayon sa eskwelahan na pinapasukan niya. Habang abala siya sa panonood ng telebisyon at si Lexus, ay kakatulog lang na nakahiga sa foam sa may sala ay biglang bumukas ang pintuan. Nagulat na napatingin siya sa may pintuan.  "Tay! Nakabalik ka na po! B-bat ang tagal ninyo po bumalik tay?" naiiyak na tanong ni Raddix, biglang umiyak si Lexus, kaya kinarga niya ito.  "Raddix, kaninong anak yan?" takang tanong ni Eduardo, nakatingin siya sa batang lalaking karga ng anak niyang si Raddix.  "Hindi ko po alam? Basta na lang po iniwan sa akin ni Nympha, si Lexus." sagot ni Raddix, kinuha niya ang boteng gatas na natira ni Lexus, at iyon ang pinainom niya dito.  "Nympha? Galing dito ang babaeng iyon? Putik na yan! Wag niyang sabihin na anak ko yang bata na yan?" inis na tanong ni Eduardo, pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Sa apat na araw na puno ng kasiyahan sa pananatili niya sa isang private resort kasama ang baklang kumuha sa kanya. Sa pag-uwi pala niya sa bahay niya ay isang malaking problema pala ang madadatnan niya. Pabagsak niyang binitawan ang dala-dala niyang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit at sapatos na ginamit niya sa apat na araw niya sa Tagaytay.  "Wala naman po sinabi sa akin si Nympha. Ang sabi lang po ay kukuha lang po siya ng sahod sa pinagtratrabahuhan niya na bar at babalik din daw po siya. Pero nakalipas na ang dalawang araw ay hindi pa rin po siya bumabalik." sabi ni Raddix, nakatingin siya sa kanyang ama na nakunot noo nakatingin sa kanya.  "Putik na buhay to! Iniwan nga niya ang sinasabing anak ko raw?!" inis na sabi ni Eduardo, matagal na niyang kakilala si Nympha. Isa ito sa maraming babaeng naikama niya. Isa itong bayaran na babae na nakilala niya sa isang bar sa bayan ng Isidro. Nung una ay akala niya ay nagbibiro lang itong buntis daw ito at siya ang ama. Agad siyang nawala na parang bula sa buhay ni Nympha. Pero heto ang anak na sinasabi nito na 'di niya maitatanggi na anak niya dahil kahawig nito si Raddix, lalong kahawig niya ito. Isa na naman palamunin na naman ang iisipin niya. Kahit magwala pa siya dito sa loob o sa labas ng bahay ay wala na siyang magagawa. Siguradong hindi na babalik si Nympha, para kunin ang batang karga-karga ni Raddix, ngayon.  "Tay, may pera po ba kayo dyan? Pambili po sana ng gatas ni Lexus, dahil naubos na ang perang binigay sa akin ni Kuya Jamison." sabi ni Raddix, na nakatingin sa kanyang ama na nakahawak sa ulo nito na para bang sumasakit ang ulo nito. "Putik talaga oh! Sige! Sige! Heto ang pera bumili ka ng mga kailangan ni Le… ?" hindi alam ni Eduardo, kung ano ang pangalan ng batang iniwan ni Nympha.  "Lexus, ang pangalan niya tay." ngiting sabi ni Raddix, kinuha niya ang limang libong pisong binigay ng ama niya sa kanya. Nagulat pa nga siya dahil ito ang unang beses na nag-abot ng malaking halaga ang kanyang ama sa kanya. Ibinigay niya si Lexus, sa kanyang ama na pinakatitigan nito. Nakita pa niyang napabuntong hininga ang kanyang ama bago siya umalis ng bahay para bumili ng mga kailangan ni Lexus.  _________________________________ "Kuya X, nakatulala ka dyan? Kala ko ba aalis na tayo?" tanong ni Lexus, na nakabihis na at hinihintay na lang niya ang Kuya Raddix, na matapos na magsuklay ng buhok.  "Ah? Pasensya na may naalala lang ako. Sige tara na!" masayang sabi ni Raddix, anim na taon na ang lumilipas noong dumating sa bahay si Lexus. Anim na taon na maraming nagbago sa buhay niya lalo na sa kanilang ama na si Eduardo. Nung una ay hindi pa sinasabi ng kanyang ama na kapatid niya si Lexus. Ilang buwan nang dumating sa kanila ang nakakabatang kapatid niya ay sinabi sa kanya ng kanyang ama na kapatid nga niya si Lexus. Hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama kundi nagpapasalamat pa siya dahil meron siyang kapatid na lalaki. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
620.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook