HABANG ABALA SI Noah sa kaniyang pamilya. Sa mundo ng Astoria ay nagsimula ng magkagulo ang mga kaharian. Unti-unting namatay ang mga halaman maging ang kakahuyan ay wala ng dahon. Nabibiyak ng ang mga lupain dahil sa kalahatang tagtuyot. Wala na ring makunang tubig dahil tuyo na rin ang batis at talon. Maging ang pastol na hayop ay isa-isang namamatay dahil sa kakulangan ng imbak na d**o at tubig. Nagkakasakit na ang mga mamayan ng Egilson, Brickenden, Issenberg, Thorgunna, maging ang protektakdong kaharian ng Northumbria “Mahal na reyna,”tawag ni Sura kay Scarlet. Kararating lamang nito mula sa pagmamatyag sa mundo ng tao. Si Sura ang tagapangalaga ni Scarlet simula ng nagpasaya si Selma na alagaan si Malcolm sa mundo ng mga tao. Nagpaiwan ito at inako ang responsibilidad na

