Kabanata 125 | PANGAMBA

1293 Words

DAHIL SA PANGAMBA na marinig ni Josie ang tinatagong sekreto ni Noah. Hinilang muli ni Noah si Ethan papasok sa silid ng kaniyang anak upang doon ito kausapin ng masinsinan. “Anak, hindi ko alam kong maiintidihan mo ang sasabihin ko. Patawarin mo sana ako nilihim ko sa’yo ang katotohanan.” “Ano’ng totoo, Pa?” “Kasintahan ng Ninong Leandro mo ang Mama Molly mo. Wala akong alam na magkatipan sila ng mama mo. Akala ko noon kasintahan ni Leandro si Paloma. Nalasing kaming lahat sa kaarawan ni Leandro. Ginanap iyon sa Laguna. Iyong bahay na madalas kang isama ng ninong mo. Natatandaan mo pa ba?” “Opo, iyong bahay na tinirahan namin ni Mama Oma, noon.” “Oo, anak. Doon nagsimula ang lahat. Isang gabi lang iyon nangyari sa amin ng mama mo.Nabuo ka sa isang gabing iyon. Nabuntis ko si Molly.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD