PARANG BATANG SUMUNOD si Lyra sa utos ni Noah. Tumingin muna ito kay Josie bago tuluyang lumandag pababa ng kama at tinungo ang sofa. Inabot ni Josie ang dalang sorbetes ni Noah. Sarap na sarap ito sa kinakain habang si Noah ay hindi maipinta ang mukha. Gusto niyang makasama si Josie ngunit umeksena na naman ang anak nila. Ilang saglit ang dumaan tumunog ang telepono ni Noah. Agad niyang sinagot ang tawag ni Ramiro. "Pinuno. May nahanap na akong lansones.” “Saan?” “Eh, pinuno sa Hawaii pa. Nakausap ng iyong Papa iyong kaibigan niya. Hihintayin ka raw hanggang sa makalawa bago ibenta ang natitirang bunga ng kaniyang lansonesan.” “Samahan ninyo ako ni Zion,” sagot ni Noah.”Pupuntahan natin bukas.” Tinawagan ni Noah si Adam matapos ang pakikipagusap kay Ramiro. “Noah, napatawag ka,”

